Chapter 15:She's Back

1.6K 29 0
                                    

Alexa's Pov:
        Kahapon pa hindi bumabalik si Tristan dito sa hospital.Panay din ang tawag namin ni Nikko sa kanya pero hindi siya macontact.Ano bang nangyayari sa lalaking iyon?Nakakainis na siya ahh.
"Alexa, nacontact mo na ba si Tristan?"wika ni Nikko pagkapasok niya dito sa kwarto ni Charice."Hindi parin eh.Hindi ko nga alam kung ano ng nangyayari sa kanya."nag-aalala narin ako sa gwapong pinsan kong yun.Hayst.Biglang pumasok si JM at MJ."Hyung,noona.Wala si Tristan hyung sa condo at bahay niya.Sabi ng mga maids don, kahapon pa daw sya hindi umuwi sa bahay niya."nasapo ko nalang ang noo ko."Eh asan pala siya?"shit.Nakakainis yung mokong na iyon."Hindi namin alam noona."sabi ni JM at MJ.Napaupo nalang ako sa gilid ng kama.
Naaawa na ako kay Charice.Hanggang ngayon kasi hindi pa siya nagising.And I swear,kapag nagising na siya si Tristan talaga ang una niyang hahanapin.Hay naku!
"Shit.Asan ba talaga yung mokong na iyon?"Nikko mumbled.Napailing nalang ako.Konti nalang talaga at magagalit na ako sa lalaking yon.Hindi niya man lang naisipang bumalik dito at may pasyenteng girlfriend siya dito?Ampota naman.
    Biglang may pumasok na nurse at  may chinicheck siya sa katawan ni Charice."Nurse,kailan ba siya magigising?"tanong ko sa kanya."Sa ngayon po miss,wala pa kaming idea kung kailan.Hintayin nalang po natin ang paggising niya."ang sarap sabihin sa nurse na"Eto na nga oh,naghihintay na kami.Gaga lang?"tsk.
     Pinauwi muna namin ni Nikko ang kambal para naman kahit papano makakapasok sila sa school ngayon.
Buti naman at agad din silang umuwi."Alexa,matulog ka muna.Ako muna magbantay sa kanya.Mukhang wala kang tulog kagabi eh."umiling lang ako at nanatiling nakatitig sa nakakaawang mukha ng bestfriend ko."No need.Hindi pa naman ako inaantok."ayokong matulog.Naalala ko lang yung sakit ni Charice para ng guguho ang mundo ko.Bakit sa lahat ng tao sya pa ang binigyan ng ganung sakit?Aish.
"Cha,kailan mo ba balak gumising diyan?Kahapon ka pang tulog ah.Hindi ka pa kumakain.Cha naman eh,magkwentuhan pa kaya tayo."nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.I just can't help it but to cry.Masakit lang kasi para sa akin na ang matagal mo ng matalik na kaibigan ay may mabigat ng dinadamdam.Paano kaya kung malaman niya ang tungkol sa kalagayan niya? Oh no.Hindi iyan maaaring mangyari.Biglang may humaplos sa likuran ko at nakita kung si Nikko ang gumawa non.Nginitian niya lang ako.Pero yung ngiting may halong lungkot.Hinawakan ko lang ang kamay ni Charice.Sana,gumalaw man lang ito kahit konti ngayon.Aish!

    Ilang oras na ang lumipas at ganon parin ang routine.Binabantayan ko parin si Charice.Si Nikko kasi pinauwi ko muna sa kanila at baka hanapin siya ng mommy niya.Babalik daw siya mamayang gabi.Ang kambal naman sinabing dadaan daw sila dito after class.Ganun parin.Hindi parin nagigising si Charice.Wala na ulit akong ibang magagawa kaya tinitigan ko lang siya.At hanggang ngayon,hindi parin bumalik si Tristan.Argh! Galit na talaga ako sa walangyang iyon eh! Balak pa atang mag out of town eh yung girlfriend niya dito nakaconfined.Tsk.

Tristan's Pov:
Nag-aalala na ako sa kalagayan ni Charice ngayon sa hospital.Kahapon pa akong hindi nakabalik don.Ano na kayang nangyayari sa kanila? Anyway,nandito ako sa condo ni Arcie nagstay.Nakikiusap kasi siya sakin na sasamahan ko muna siya.Mas gumanda pa lalo si Arcie ngayong nagkita na ulit kami.Hindi ko mapigilan ang pagngiti.
"Ford,the dinner is ready.Let's go?"nakangiti niyang saad kaya ngumiti rin ako.Dumiretso na kami sa kitchen."Ikaw ang nagluto nito?"tanong ko.Nginitian niya ako ng mas malapad."Yes of course.Ang tagal ko ding hindi nagagawa sa iyo ito right?Come on, taste it."sabi niya at bigla akong sinubuan ng pagkain.
"Hmm...Masarap ahh."her eyes widened in happiness."Really? It's nice to hear that.Anyway,bukas na bukas magpapaenroll na ako sa school mo."halos mabilaukan ako sa sinabi niya."W-what?"holyshit.This can't be."Ang sabi ko,magpapaenroll ako sa school mo bukas.Anything's problem?"nag-aalala niyang tanong.
"W-wala naman."sabi ko at nag-iwas ng tingin.Nginitian ko lang siya.Shit!
Hindi ito pwede.Maraming pagkakataon na makita si Arcie ng kambal o kaya naman ni Nikko at Alexa.I swear,magagalit talaga sila sa ginawa ko.Hindi kasi nila alam na bumalik na si Arcie ng bansa.Alam ko kasi kung gaano kagalit si Alexa sa kanya.
    Pagkatapos naming kumain nag-aya si Arcie na lumabas muna kami at magpuntang mall.May bibilhin lang daw siya.Kaya naman, no choice ako kundi samahan siya.
Pagkadating namin sa mall naglalakad-lakad lang muna kaming dalawa.Hindi ko inaasahan na makikita ako ng isa sa mga babae ko.
"Tristan! Long time no see.Oh, Hi ate!"wika ni Alicia at agad bumeso-beso kay Arcie na ate nya.Pagkatapos rin ay umalis na sina Alicia kasama ang mga kaibigan nya.

9:00pm na kaming nakabalik ni Arcie sa condo niya.Kanina pa ako nakikiusap sa kanya na uuwi muna ako pero kanina parin siyang nakikiusap sakin na sasamahan ko muna daw siya."Ford please...You know natatakot ako sa unit ko.Ilang years rin akong hindi nakapagstay dito sa unit kaya please.Just be with me tonight."tumango nalang ako.

******
Itutuloy...

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now