Chapter 16:She's Awake

1.6K 34 0
                                    

Nikko's Pov:
   Ang boring dito sa school.Paano ba namang hindi eh kami lang tatlo ni JM at MJ dito.Si Alexa kasi nasa hospital parin at binabantayan si Charice.Isang linggo na ang nakakalipas hindi parin nagigising si Charice.Ang sabi naman ng doctor maayos naman daw ang kalagayan ng pasyente.Ang tanging gawin lang namin eh maghintay kung kailan siya magigising.At sa isang linggong iyon hindi rin nagpakita si Tristan sa amin.Sa ngayon,hindi namin siya macontact.Hindi namin alam kung saang lupalop siya nagsusuot ngayon.
Naiinis narin ako sa mokong na iyon.
Tama ba namang pabayaan niya lang ang girlfriend niya?Ni hindi man lang niya dinalaw?Tsk.
Napalingon ako sa kambal na ngayon ay kumakain ng spaghetti.Nandito kasi kami sa canteen.Nakasimangot sila pareho.(insert baekhyun's pouted lips guys)"Ano namang mga hitsura  iyan?"tanong ko sa kanila.Tinignan lang nila ako at saka muling ibinalik ang tingin sa pagkain nila."I feel pity on  noona's condition."wika ni MJ.
Ginulo ko ang buhok nilang dalawa.
"Don't worry magiging maayos din naman siya.Who knows, baka magising na siya later."saad ko kaya ngumiti naman silang dalawa."Bilisan nyong kumain,pupunta pa tayo sa hospital ngayon."wika ko.
    Agad kaming lumabas ng canteen pagkatapos naming kumain.
"Alam nyo ba guys,may new gf na naman si Tristan Zapanta."
"Balita ko nga.So totoo pala talaga?"
"Yeah.Ang sabi nga nila magkasama nga daw si Tristan at ang gf niya sa mall nung isang araw."
"Ang ganda pala talaga ng gf niya noh?Well, he is playboy parin naman right?We all know na hindi din sila magtatagal."napakunot ang noo ko sa narinig kong usapan dito sa hallway.
May bagong girlfriend si Tristan?At sino naman kaya?Don't tell me isa lang si Charice sa mga babaeng pinaglalaruan niya?Shit.Hindi pwedeng malaman ito ni Alexa.Sigurado akong magwawala ang isang yun.Ang gago naman ni Tristan.Nalaman niya lang na may sakit si Charice pinalitan niya agad?Hindi ba siya nakakaramdam ng kahit konting awa man lang sa babae?Tsk.

"Nikko,kumusta ang school?"tanong ni Alexa pagkapasok namin sa kwarto ni Charice.Agad naman nagpahinga ang kambal sa sofa.
"Okay lang."kumunot naman ang noo ko nang bigla niya akong inirapan.
"Ano namang problema mo?Bakit ka nang-iirap diyan?"inirapan ko rin siya."Sunget."wika niya at naupo sa gilid ng kama ni Charice."Kumusta na siya?"tanong ko."Maayos naman.Ganun parin hindi parin siya nagigising.Kinakabahan na nga ako sa kalagayan niya eh.Ang palaging sabi ng doctor,stable naman daw ang kalagayan ni Charice pero bakit hanggang ngayon hindi parin siya nagigising?Seriously,kailangan talagang tumagal ng isang linggo?"saad niya at muling napairap.Naisip ko rin naman iyon.Pero binalewala ko nalang.Ang importante ay maayos ang kalagayan niya hindi ba?.Napabuntong hinga akong nakatitig kay Charice.Ang mga nalaman ko kanina sa school.Oh no.Wala pa naman silang proof about don eh.Hindi ko muna paniwalaan ang mga balita nila tungkol kay Tristan.Naiinis lang ako.

Dumating na ang gabi at kami nalang ni Alexa ang nandito.Ang kambal kasi pinauwi namin.Hanggang ngayon,wala paring pagbabago.Still natutulog parin si Charice.Nakatingin lang ako sa kanya habang mahimbing na natutulog.Si Alexa naman, holyshit.Ginawa niya palang unan ang lap ko at ang himbing din ng tulog niya.Dahan-dahan kong hinahaplos ang buhok niya.Ang amo ng mukha ni Alexa.Pero sa lahat ng ito, matinding paghihirap din naman ang naranasan niya nung namatay ang boyfriend niya.Nagulat ako nang mapalingon kay Charice.Oh God.Is this for real?!

Tristan's Pov:
    Halos mahulog na ako dito sa kama habang nagpagulong-gulong.Hanggang ngayon hindi parin ako makatulog.Ang inaalala ko lang ay ang kalagayan ni Charice sa hospital.Ano na kayang nangyayari sa kanya?Kumusta na kaya siya?Siguro naman gising na siya sa panahong ito.Isang linggo rin naman ang nakakalipas simula nung naconfined siya sa hospital.Shit.Ano na bang gagawin ko?Hindi ko naman maaaring iiwan si Arcie dito sa condo niyang mag-isa kasi nilalagnat siya.Tatlong araw narin siyang nilalagnat.Nag-aalala na nga ako sa kanya.Nakatitig lang ako sa mukha ni Arcie habang natutulog siya.Ang laki ng pinagbago ng physical niya.Mas lalo kasi siyang naging blooming ngayon."D-don't leave...me...Ford."wika niya habang natutulog.Nginitian ko lang siya at hinalikan ang noo niya."I will never do that Arcie."sabay non ay ang pagyakap ko sa kanya ng mahigpit.
Namimiss ko na ang mga oras na ganito kaming dalawa sa isat isa.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

The Playboy's Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon