Chapter 19:Arcie Reyes

1.6K 28 1
                                    

Charice's Pov:
     Isang linggo na naman ang nakalilipas mula nong date namin ni Tristan.Mwahahaha! Basta para sa akin date na yon.Hanggang ngayon nga eh kinikilig parin ako.Mwahahaha ulit!.Nandito pala kaming dalawa ni Alexa sa canteen.Recess time na at hinintay nalang namin sina Tristan,Nikko at ang kambal.Si Tristan kasi may practice pa ng basketball.Diba nga?Captain siya ng team nila eh.
Si Nikko naman may dinaanan lang sa locker room.Ang kambal hindi namin alam."Oh, look who's here guys!"wika ni Alicia na nakatingin sa gawi ko."Nandito pala ang isang babaeng nagkakapalan na ang pagmumukha maagaw lang sa akin si Tristan Ford Zapanta."litanya niya sa loob ng canteen.Nagsimula na naman ang bulungan pero hindi ko na yon pinansin.Biglang tumayo si Alexa at humarap kay Alicia Reyes na isa lang din sa mga babae ni Tristan.Tsk! "Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo ah.Hindi mo ata ako kilala."pananakot namab ni Alexa sa kanya pero nag-irap lang siya."I don't care! At sino ka naman para takutin ako huh, Alexa Vergara?"nakataas ang kilay niyang wika."Baka nakakalimutan mo.Pinsan ko si Tristan Ford Zapanta at paniguradong hindi niya magugustuhan ang ginagawa mo sa girlfriend niya."sabi ni Alexa at napaawang naman ang bibig ni Alicia."Girlfriend niya? Eh diba fake relationship lang sila? Dhuh."sabi niya at tinalikuran na kami.Hahablutin sana ni Alexa ang buhok ni Alicia pero natigilan kaming lahat sa dalawang taong pumasok ng canteen.Isang gwapong lalaki at isang napakagandang babae.Nakahawak ng mahigpit ang babae sa matipunong braso ng lalaki.

"Oh nandito na pala sila."nakangiting wika ni Alicia na nagpakunot ng noo ko.Anong ginagawa ng babae na yan sa tabi niya?Bakit sila magkasama ngayon? Nanginginig ang tuhod kong nakapako lang ang tingin sa kanilang dalawa na papalapit sa table namin ni Alexa.Maging si Alexa ay galit na galit ding nakatingin kay Tristan at don sa babae na hindi ko kilala.
"Guys, meet my sister...Arcie Reyes.The Girlfriend of Tristan Ford Zapanta!!!"masayang wika niya kaya nagpalakpakan naman ang mga tao sa canteen at nagsigawan.Nagsimula na ulit ang bulungan.Bago kami lumabas ni Alexa sa canteen tinignan ko muna si Tristan pero nag-iwas agad siya ng tingin.Tangina naman!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya umiyak na naman ako ng umiyak.Bakit ganon?Bakit niya ako hinayaang masaktan?Dahil ba alam niya na may gusto ako sa kanya pero siya walang gusto sa akin?Hila-hila ko si Alexa hanggang makapasok kami ng cr at don na ako tuluyang umiyak."Bumalik na siya."wika ni Alexa kaya napatingin ako sa kanya.
"Sinong siya?"nagtataka kong tanong.
"Yung magandang babae kanina.Siya si Arcie Reyes ang 3 years ex girlfriend ni Tristan.Siya yung babaeng dahilan kung bakit naging playboy si Tristan.Siya rin ang dahilan ng pagiging mabait ni Tristan sa mga tao.Pero lahat ng yun nawala noong umalis si Arcie ng bansa at hindi man lang nagpaalam kay Tristan."sabi niya."Kaya nga,hanggang ngayon ayoko talaga sa babaeng yon eh.Akala mo naman kung sinong mabait pero napakasama naman ng ugali."dagdag pa niya.Umiyak lang ako ng umiyak.
"Magkapatid pala si Alicia at yung Arcie kanina?"tanong ko na ikinatango naman ni Alexa.
    Lumabas kami ni Alexa ng cr na namumugto ang mga mata ko.Ang tagal ko kasing umiyak.Parang nung isang linggo lang si ako ang palaging kasama ni Tristan.Pero ngayon, iba na.Kasi bumalik na ang ex niya.
"Anong nangyayari sa inyong dalawa?"bungad ni Nikko sa amin pagkapasok ko ng classroom.Pumasok rin si Alexa kasi hinatid niya ako."Nandito na si Arcie."diretsong saad ni Alexa.Nagulat naman si Nikko don at parang hindi pa makapaniwala.
"Talaga? Eh, saan siya ngayon?"tanong ni Nikko."Nasa canteen kasama si Tristan at Alicia."hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi nila kasi ipinikit ko lang ang mga mata ko at natulog nalang sa upuan ko.

Tristan's Pov:
    "Nagkabalikan na pala kayong dalawa?Hindi nyo man lang sinabi sa akin."nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likuran ko at nakita ko ang nanlilisik na mga mata ni Nikko.
Napatayo ako at hinarap siya.
"Upo ka muna bro."nakangiti kong saad pero nanatiling seryoso parin ang mukha niya."Hindi na kailangan.Ipinaalala ko lang sayo Tristan na may girlfriend ka pang nasasaktan ngayon."sabi niya at agad tumalikod.Napatingin naman ako kay Arcie na nakangiti lang sakin.
"May girlfriend kana pala Ford.Ipakilala mo naman ako."sabi niya."Actually ate,hindi naman talaga totoong sila ni Tristan eh.Fake relationship lang ang meron sa kanila."sagot naman ni Alicia na nasa harapan pala namin.Hindi nalang ako sumagot at tinapos ko na ang pagkain ko."Ford, pwede mo ba akong samahan sa library later? Para naman hindi boring."saad niya."Ahh...may gagawin pa kasi ako.Si Alicia nal---"pinandilatan ako ng mata ni Alicia."Hindi ako pwede mamaya.May jamming kami ng barkada ko.Dhuh!"sabi niya at inirapan ako."Okay.Sasamahan kita."nakangiti kong sabi kay Arcie kaya naman ngumiti siya ng malapad.Ang ganda niya talaga kapag nakangiti.
    Pagkatapos rin naming kumain sa canteen,sinamahan ko na nga si Arcie sa library.Naglalakad na kami ngayon dito sa hallway patungong library.
"Ohmygosh! Nagkabalikan na nga silang dalawa."
"Bagay naman silang dalawa eh.Tignan mo ohh! Ang ganda ng babae."
"At base palang sa hitsura mabait na."
    Napailing-iling nalang ako sa mga bulungan nila.Hindi pa naman talaga kami nagkabalikan ni Arcie.May saltik ata yung si Alicia at ipinagsigawan niya pa kanina sa loob ng canteen na girlfriend ko ang ate niya."Ford,maupo ka muna."nakangiting tugon ni Arcie sakin habang naghahanap ng libro.
Nginitian ko lang siya at umupo na nga gaya ng sinabi niya.Nagulat naman ako nang mapalingon ako sa kanan at nakita ko si Charice na nakasubsob ang mukha niya sa lamesa.Lalapitan ko na sana siya pero bigla siyang napatingin sa gawi ko at nagulat din siya.Pero nangingibabaw parin sa kanyang mukha ang kalungkutan.Nagi-guilty tuloy ako.Sinabi ko pa sa kanya na hindi ako mawawala sa tabi niya pero anong ginawa ko? Iniwan ko siya at sumama sa ibang babae.Tsk.
Ang gago lang eh.Nagtama sandali ang mga mata namin pero agad din siyang napaiwas ng tingin.Napabuntong-hininga nalang ako.Alam kong umiiyak siya dahil sa nangyari kanina sa canteen."Ford,basahin mo ito ohh.Maganda ito."napatingin naman ako kay Arcie na ngayon ay nakangiti sa akin.Tumango nalang ako at kinuha ang libro na binigay niya.
   Biglang tumayo si Charice kaya napatayo din ako.Naglalakad na siya palabas ng pintuan nang magsalita ako."Charice."sambit ko kaya napahinto siya sa paglalakad.

Charice's Pov:
      "Charice."sambit niya.Ayan na Cha,tinawag ka niya sa iyong pangalan.Para akong tinusok-tusok ng ilang libong karayom ng makita silang dalawa na magkasama.Bakit ba ako nagkakaganito ngayon?Okay naman na yon eh.Gusto ko lang siya.GUSTO.Hindi MAHAL. Pero kung masasaktan naman ako ng ganito parang mahal ko na rin siya dahil sa epekto niya sakin.Napabuntong hininga ako at lakas-loob na humarap sa kanya.Pinilit ko pang ngumiti.Tangina naman! Ayoko pabg makita siya ngayon kasi kasama niya ang babeng totoo niyang mahal.
"Ano yon Mr Zapanta?"tanong ko.Para akong tanga na sinambit ang apelyido niya na para bang hindi kami close sa isa't isa.Nagulat naman siya sa pagtawag ko sa kanya kasi first time ko siyang tawagin ng ganon."Ahm---"napahinto siya sa pagsasalita at nilingon ang babaeng kasama niya."Ford, let's go!"nakangiting saad ng babae at agad siyang hinila palabas ng library.Napapikit nalang ako nang dumaan sila sa harapan ko.Shit! Nasasaktan na talaga ako.

Si Arcie Reyes.Isang magandang babae na may mahinhing ugali.Kung tignan mo siya parang diyosa.Siya ang babaeng kapatid ni Alicia Reyes na opposite naman ang ugali sa kanya.Si Arcie Reyes ay ang babaeng first love ni Tristan Ford Zapanta na gwapo,kilala ng karamihan,pagmamay-ari ng karamihan,at higit sa lahat siya ang unang lalaking nagpasakit ng damdamin ng isang Margaux Charice Fontanilla.At hanggang ngayon,mahal na mahal niya parin ang babaeng bumalik ngayon para kunin na siya sa akin.Kaiyak!
"Kaya Cha,tandaan mo yun lahat ah.Tandaan mong ngayong bumalik na ang first love niya dapat kalimutan mo na din kung ano ang namagitan sa inyong dalawa."sabi ko sa sarili ko at agad ng lumabas ng library.

*********

Itutuloy...

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now