Chapter 50

1.2K 18 0
                                    

Tristan's Pov

~~Compose Message~~
July 1, Sunday.

To: Charice❤❤

Hello sa iyo munchie ng buhay ko! Hehehehehe.Kahit dalawang buwan na tayong hindi nagkikita at nag-uusap.Hindi parin ako mawawalan ng pag-asang maghintay sa pag-uwi mo.Alam kong hindi ganun kadali para sayo ang balikan ako dahil sa laki ng kasalanang nagawa ko sayo.Pero sana,bigyan mo ako ng pagkakataong mahalin ka ulit.

Munchie,pupunta pala ako ngayon ng Batangas.Magstay ako don ng 1 week.Wala naman kasi akong ibang gagawin dito sa bahay eh.Saka munchie, nagkausap narin kami ni Ivy at alam mo ba? Ang laki na ng tiyan niya.

Ang sabi nga niya ay ngayong October na raw lalabas ang baby namin.Hehehehe excited na ako munchie.Saka ang saya-saya dahil magiging Daddy na ako.

Tapos alam mo ba? Kahapon lang nakaalis si Ivy at Jake papuntang Paris.Isang buwan rin daw sila don.Ang sabi kasi ni Ivy sakin ay gusto niya raw makabalik ng Paris kaya ayun sinamahan na siya ng fiancee niya.Masaya talaga ako para sa kanilang dalawa.Kahit ako ang first time ni Ivy sa alam mo na.Hehe.Minahal parin siya ni Jake.

I love you so much munchie!
Hehehehehe.

~~Message Sent~~

Pagkatapos kong mag-impake ay pumasok na ako sa kotse ko at nagsimula ng magdrive.

~~~Alexa's Calling~~~
"Mmm?"

"Cous! Nasa Batangas kana?"

"Not yet."

"Hehe.Susunod nalang kami sayo ah!"

"Later?"

"Ewan ko.Kausapin ko pa si Nikko baka mag-excuse rin kami ng 1 week hehe."

"Tch.Bad girl.Where are you?"

"Haha.Nandito kami sa mall.Kasama ko si Nikko at maya-maya lang daw ay pupunta rin sina MJ at JM dito."

"Where's Bryle?"

"Eh, pumunta sa bahay nila kanina lang kasama si Anne.May dinner daw kasi ang family niya mamaya."

"Mmm.How about Alicia?"

"Nasa Laguna.Sinamahan niya ang daddy niya about sa business nila don."

"Okay."

"Teka lang! Mag-ingat ka papunta sa Batangas ahh! Basta, tatawagan ko ang barkada para makasunod na agad kami sayo."

"Mmm."

"Bye na, kakain pa ako."

"Bye."

~~~Call Ended~~~

Before lunch ay narating ko na ang resthouse.Agad akong bumaba at sinalubong naman ako ni Mang Pedring.

"Mang Pedring!!!"nakangiting sigaw ko saka siya nilapitan at niyakap.Mukhang nagulat pa siya pero nginitian niya lang ako.

"Naku iho, mabuti't nakadalaw ka dito."

"Opo naman Mang Pedring, wala po kasi akong ibang ginagawa eh."

"Aba'y mabuti at nakabalik ka agad dito galing London.Balita ko e, isang taon kang mananatili doon."nginitian ko lang siya bago magsalita.

The Playboy's Girl(COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora