Chapter 22:End of Fake Relationship

1.6K 42 0
                                    

Charice's Pov:
    Isang linggo na ang nakalilipas simula noong nangyari ang aksidente ko.Maayos naman na ako ngayon.Kahapon palang din ako pumasok ulit.Nandito kami ni Alexa ngayon sa canteen habang nagkwekwentuhan.Nagsorry narin ako sa kanya at sinabi din nya na okay lang daw.Nagthank you din ako kay Arcie kasi ang sabi ni Alexa si Arcie daw ang nagdonate ng dugo para sa akin.Masaya naman na kami ngayon.Si Tristan sorry ng sorry sakin nung nakaraang linggo.Inaway ko pa nga lalo dahil sinaktan niya ako.Mwahahaha! Sinabi ko rin sa kanya na namimiss na siya ng mommy niya at nagkita kami ng mommy niya sa langit.Nagulat pa nga siya don.Hindi naniniwala eh.
Edi bahala siya.Sinabi ko rin sa kanya na naiintindihan ko naman kung si Arcie ang pipiliin niya.Syempre, first love niya si Arcie ganda eh kaya kahit masakit para sakin.Tinanggap ko nalang.Tulad nalang nung pag-uusap namin nung isang araw. 
"Charice,sana maiintindihan mo ako.Alam kong nasaktan ka dahil sa akin.Pero gusto ko lang kasing linawin sa sarili ko kung sino talaga ang pipiliin na puso ko.Masaya ako kapag kasama kita.Masaya rin ako kapag kasama ko si Arcie.Gusto kita pero mahal ko si Arcie.Kaya sana,bigyan mo ako ng chance para makapag-isip ng tama.Pipiliin ko ang tama.Magdedesisyon ako ng tama para sa huli hindi ko ito pagsisisihan."
Yan ang pakiusap niya sakin kaya naiintindihan ko naman siya.Naniniwala kasi ako sa kasabihang"first love never dies"okay payn.Understandable akong tao eh.Mabait kasi ako.Mwahahahaha!
"Hi guys!"masayang bati ni Arcie nang makapasok na siya sa loob ng canteen.Pren na kasi kami ngayon.O diba? Ang gara lang eh.Kasama niya si Alicia na panay ang irap sakin.Ano namang problema ng bruha ito?Sinamsan ko lang siya ng tingin.Sabay na kaming apat nagrecess at nagkwentuhan narin.Ang bait pala talaga ni Arcie sa personal.Kaya siguro mahal na mahal pa siya ni Tristan hanggang ngayon kasi nasa kanya na ang lahat.Maganda,mabait,mayaman,at friendly.Asan ka pa?
Natanaw na namin si Nikko,Tristan at ang kambal na papasok ng canteen.Agad naman silang napangiti nang makita kami.
"Hey guys!"wika ni Tristan ng makalapit siya sa amin.Umupo pa siya sa gitna namin ni Arcie.Abaaa!
Kung makita kami ng ibang tao sasabihin pang dalawa talaga ang babae.Ang playboy talaga.
"Charice,okay ka lang?"nagulat naman ako ng kinausap pala ako ni Tristan pero wala ako sa sarili ko.
"Huh? Ah...O-oo naman.Hehe."sabi ko kaya nagtawanan lang sila.
"By the way guys,may outing ang buong campus sa Tagaytay! Sama tayong lahat.I'm sure masaya yon."wika ni Alexa na nasa tabi ko rin."Talaga? Kelan naman daw?"tanong ni Nikko."Next week daw.Nagprepare na nga ang mga staff para don eh."sabi ni Alexa."So? Sasama kayo?"tanong nya.Nag-isip muna ako."Yes of course noona."nakangiting sagot ng kambal.Ang cute talaga nilang dalawa!
"Sure.Why not?"sabi ni Arcie.
"Sasama rin ako."sabi ni Alicia at inirapan na naman ako.
"Pwede ako dyan."sabi ni Nikko.
"Eh kayong dalawa?"tanong nilang lahat nang mapatingin sila samin ni Tristan na kumakain lang din sa tabi ko.
"Ok."sagot ni Tristan.Kitams! Nagiging suplado na naman si pareng playboy.Hay naku.
"Ahhh----sige na rin."sabi ko at ngumiti.
"Yeeeeeeyyyy!!!"sigaw nina Alexa,MJ at JM saka nag-aapiran.

Pakatapos rin ng recess time pumasok na kami sa kanya-kanya naming classroom.Si Arcie malamang kaklase namin.Hanggang sa pag-upo nasa gitna namin si Tristan.Baliw lang talaga.
"Sinong kakain ng chocolate ko?"tanong ni Tristan kaya nagliwanag naman ang mukha ko.
"Ako!"sabay naming sagot ni Arcie.Napasimangot naman ako nang  nginitian niya si Arcie saka binigay ang chocolate na dala niya.
"Thanks Ford.But it will be better if kay Charice nalang ang chocolate."nakangiting wika ni Arcie.
"Kainin mo na ito Charice oh."sabi nya at binigay sakin ang chocolate ni Tristan.Ngumiti naman agad ako at kinuha sa kamay niya ang chocolate.
"Thank you!"sabi ko habang kinakain ang chocolate."Tsk.Patay gutom talaga."sabi niya at inirapan ako.Sinamaan ko nga sya ng tingin.
Hmp! Bahala siya diyan!
    Natapos rin ang klase naming walang kahirap-hirap.Sabay na kami ni Alexa palabas ng campus.Sina Arcie at Alicia kasi may emergency daw sa bahay nila kaya ayun nauna ng umuwi kanina.Sina JM at MJ naman maagang sinundo dito sa school kasi may importante daw gagawin.Si Nikko naman may meeting ata.Si Tristan...speaking of him papunta na siya sa gawi namin ni Alexa.
"Can we go out?"agad niyang tanong sakin.Kumunot naman ang noo ko na nakatingin sa kanya."Let's have some dinner...if it is okay with you."wika niya at napakamot pa sa ulo.
"Okayyyy!! Uuwi na akoooo!!!"sigaw ni Alexa at dali-daling lumabas ng main gate.Napabuntong-hininga nalang ako.Kaming dalawa nalang.
"Hmm.Pwede."sagot at napangiti naman siya.Agad na kaming sumakay sa Black Porsche niya.Hindi na ako nagsalita at abala naman ako sa paghahalungkat ng bag ko.Mukhang naiwan ko talaga yung notes ko para sa examination bukas.Lagot ako nito.Hindi ako makapag-aral mamayang gabi.Tsk.
Tahimik lang kaming dalawa ni Tristan sa biyahe.Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.Ang alam ko lang ay magdi-dinner kaming dalawa ngayon.
Bumaba kami sa tapat ng isang well-known restaurant dito sa Manila.Napangiti ako nang mailibot ko ang pangingin ko.Ang ganda ng ambiance sa ng restaurant.Nakakarelax sa paningin.
After kinuha ang order namin tahimik parin si Tristan kaya nagsalita na talaga ako.
"Kumusta naman kayo ni Arcie?"napatingin naman siya sakin at biglang sumeryoso ang hitsura niya."Ikaw ang kasama ko pero si Arcie ang topic natin dito?"naiirita niyang wika.Nagbuntong-hininga nalang ako."May problema ba don."tanong ko.Napailing naman siya."Hindi ka ba nasasaktan?"tanong niya at nakatitig sa mga mata ko ng diretso.
"Nasasaktan."wika ko at ininom ang wine sa table na kalalapag lang ng waiter."Pero wala akong karapatan.Nasasaktan lang ako dahil sa katangahang mainlove sayo."napailing ako."Kasalanan ko naman eh.Pinili kong mainlove sayo hindi dahil sa kagustuhan ko kundi dahil sa isinisigaw ng puso ko.Pero sa maling tao rin naman.Sa isang taong alam kong hindi ako kayang mahalin.Sa isang taong may mahal ng iba.Pero heto parin ako at pinipilit mahalin ang taong yun kahit nasasaktan na."nilagok ko kaagad ang wine sa baso ko.Tinignan ko siya sa mga mata at nakatingin din siya sa akin.Tinging alam kong may lungkot.Lungkot dahil hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko sa kanya."Ayos lang naman sa akin.Alam ko naman na naguguluhan ka lang sa akin.Alam ko naman na hanggang ngayon siya parin ang mahal mo.Okay lang yun! Ano ka ba.Makahahanap din ako ng isang taong mamahalin ako tulad ng pagmamahal ko sayo."natawa ako ng mapakla.Wala na talaga akong hiya sa sarili ko.Harap-harapan pa akong nagcoconfess sa kanya.Tsk.Tangina naman!
     Napayuko naman siya at hindi makapagsalita.Kumain nalang ako para mabilis na akong matapos.Tsk.
Naiinis ako sa sarili ko.

"Happy 3rd monthsary munchie."napatingin naman ako sa kanya na nagtataka.Nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko.Anong pinagsasabi niya?
Natutop ko nalang ang bibig ko nang mapagtantong November na pala ngayon.It's November 20 at malamang sa malamang ito na ang katapusan ng deal namin.Napatingin ako sa kanya ulit at nakayuko na siya.Ngayong gabi na magtatapos ang fake relationship naming dalawa.At inaasahan ko namang babalik na ulit sa dati ang lahat.Na kalimutan nalang kung ano ang namamagitan sa aming dalawa.Hindi ko napigilan ang mga luha kong tumulo kaya agad ko itong pinunasan."It's the end of our fake relationship."wika ko."Diba dapat masaya ka na kasi malaya kana?Pwede mo ng gawin ang gusto mo.Pwede ka ng mag-girlfriend ulit o babalikan mo na talaga si Arcie."napakagat ako sa labi ko sa binitawang mga salita ko.Hindi ko alam na nasasaktan pala ako sa mga pinagsasabi ko."I'm so sorry.Sorry kasi sa tatlong buwan ng relasyon natin madami akong pagkukulang.Nagiging useless ang mga rules na ginawa mo para sa atin.Hindi ko naman nagawa yun sayo lahat.Sorry kasi hindi kita napapasaya gaya ng inaasahan mo sa akin."wika niya at yumuko.Ramdam kong mag mga luha na ring namumuo sa mga mata niya."Ayos lang yun.Naiintindihan ko naman ang lahat eh.Tsaka, expected naman talaga na hindi natin magagawa ng sabay ang mga rules natin.Okay lang talaga ako.Wala na yun.Kalimutan nalang natin ang lahat."wika ko at ngumiti sa kanya.Pero hindi niya ako nginitian.Malungkot parin talaga ang mukha niya."Inaalala ko lang ang sakit mo."napatigil naman ako sa pagsubo at napaiwas ng tingin.Tungkol sa sakit ko,hindi nila alam na gabi-gabi ko iniiyakan ang lahat.Hindi ko na sinabi sa barkada kasi ayokong mag-alala sila sakin.Nagtungo ako sa doktor kaninang umaga nang hindi alam ng barkada.At napag-alaman kong stage 3 na ang lung cancer ko.Wala akong ibang magawa kundi tanggapin ang lahat.Ito ang nakatadhana para sa akin kaya hindi ko na pipigilan.Ramdam ko na naman ang pagtulo ng mga luha ko.Lumapit si Tristan sakin at nararamdaman ko nalang na niyakap niya ako.
"Ayokong iwan ka.Dahil ayokong may mangyaring masama sayo."wika niya."Hindi mo ako kailangang kaaawaan.Kaya ko naman ang sarili ko.Tanggap ko naman ang lahat."wika ko at patuloy lang sa paghikbi.Agad niyang hinalikan ang noo ko at pagkatapos hinatid niya narin ako sa bahay.

************

Itutuloy...

Vote and Comment!

-CherayDiAyy💕

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now