Chapter 23:Truth or Dare

1.5K 30 0
                                    

Charice's Pov:
    Hanggang ngayon,nalulungkot parin talaga ako kasi tapos na ang fake relationship namin ni Tristan.Pero wala akong ibang magawa kundi intindihin siya.Nalulungkot lang ako kasi hindi na namin maibabalik ang pinagsamahan namin noon.Yung pagpunta namin sa Batangas na kami lang dalawa.Speaking of Batangas,namimiss ko na si Andrei pogi don.Mwahahaha!
"Cha,okay ka lang?"tanong ni alexa na katabi ko ngayon sa sinasakyan naming bus.Papunta na kami sa Tagaytay kasi outing daw kuno ng buong campus.Kasi nga diba?Next week December na.Eh, may 2 weeks din kaming vacation para i-celebrate ang christmas saka new year.
"Okay lang ako."sagot ko at tumingin nalang sa labas.Katabi ko si Alexa at Nikko.Ang kambal nasa likod namin.Si Tristan at Arcie saka si Alicia nasa kabilang side naman nakaupo.O diba?Kahit masakit sa part ko na magkasama silang dalawa ngayon ayos lang sakin.Ito narin ang paraan ng pagtingin ko kay Tristan sa malayo.Simula kasi nung usapan namin last week,hindi ko na siya pinapansin.Kahit pinapansin niya ako pero wala lang akong pakialam.
Iniiwasan ko kasi siya.Hindi ko nga alam na sa tuwing iiwas ako sa kanya pakiramdam ko mas tumindi ang pagtingin ko sa kanya.Hindi ko nga alam.
Napalingon ako sa mga estudyanteng kasama ko sa bus na natutulog na pala.Ipinikit ko ang mga mata ko pero hindi ako makatulog.Iniisip ko lang kasi kung paano kaya kung kami ni Tristan ang magkakatuluyan?May happy ending kaya?Nako Cha! Wag ka ng umasa.Masasaktan ka lang.

"Ano iyang iniisip mo?"nagulat ako sa nagsalita at napatingin sa kanya.Nakaharap na pala siya sakin kasi nasa unahan siya nakaupo.Siya pala yung kaklase kong nerd eh.Kahit nerd siya ang ganda niya.Sadyang hindi lang talaga siya marunong mag-ayos.Nakakaloka!
"Kapag ba palagi mong iniisip ang isang tao kahit alam mo namang imposibleng babalik ulit ang lahat sa dati.Yung dapat handa mo ng kalimutan ang lahat pero hindi mo magawa.Anong ibig sabihin nun?"tanong ko sa kanya.Gising pa pala ang isang ito.Akala ko ako nalang ang gising eh."Hindi mo siya magawang kalimutan kasi mahalaga siya sa buhay mo."sagot niya habang nagbabasa parin ng libro.
"Eh yung kapag kasama mo ang isang tao ang saya-saya mo.Magkahalong emosyon.May kinikilig ka ng sobra na parang may mga paro-paro sa bituka mo.Yung bang ganun?Yung feeling na ayaw mong mawala siya sayo?"napatigil naman sya sa pagbabasa at humarap ulit sakin.Tinignan nya ako ng seryoso."Seriously?You didn't felt that before?If it is yes.It means,No Boyfriend Since Birth ka.right?"sabi niya at ngiting-ngiti pa at humarap ulit sa makapal niyang libro."Eh ano nga ang ibig sabihin non?"takteng nerd to! Nakakairita.
"Mahal mo ang taong iyon."sabi niya without looking at me.Pati ba naman dito sa loob ng bus nagbabasa parin siya?Eh sa school nga halos halikan na nya ang libro niya eh.Nerd nga naman.Iba rin ang taste.Tsk.
WAIT?! OH NOOOO!!!

"Mahal mo ang taong iyon."
"Mahal mo ang taong iyon."
"Mahal mo ang taong iyon."
"Mahal mo ang taong iyon."
Anak ng putakteng palaka! Mahal ko si...Tristan?! Shit! Gusto ko lang naman kasi siya! Hindi ko pa naman siya mahal! Ghed.Ayokong magmahal ng isang playboy.Napatingin naman ako sa gawi ni Tristan kung saan siya nakaupo.Natutulog siya habang nakasandal si Arcie sa dibdib niya at natutulog rin.Srsly? Gosh!.
Ipinilig ko nalang ang ulo ko at umiling.Pinagtitripan ata ako nitong nerd na to eh.

   Nakarating na kami sa resthouse dito sa Tagaytay na pagmamay-ari ng school head namin.Ang laki rin ng resthouse niya at siguradong kasya kaming lahat dito.Agad akong tumakbo at nagtungo sa seashore.Ang ganda ng hangin.Ang lamig.Napangiti nalang ako sa kawalan.Iniisip ko parin hanggang ngayon kung mahal ko na nga ba talaga si Tristan.Tanginang puso naman! Bakit ngayon lang nangyari ito na masaklap na ang sitwasyon naming dalawa?Hay naku!
Napangiti ako ng makitang papunta si Alexa sa gawi ko.Ang ganda pala talaga ng bestfriend ko.Ngayon ko lang narealize.Mwahahaha!
"Cha,tara don tayo sa kanila ohh."wika niya at tinuro ang ibang estudyante na nakaupo sa may buhanginan na nagtatawanan.Nagsilapitan narin ang mga ibang estudyante kaya lumapit narin kami at nakaform ng big circle.Pinalibutan namin ang bonfire.Katabi ko si Nikko at MJ sa kaliwa.Si JM at Alexa naman sa kanan.Tapos katapat namin si Tristan,Arcie at Alicia.Ngumiti si Arcie sakin kaya tinanguan ko nalang din siya.Si Alicia naman ang sama-sama ng titig sakin.Inirapan ko nga siya.

"May game ako guys!"wika ng schoolmate ko na babae."Ano naman yun?"curious na tanong ni MJ.Spin the Bottle lang naman.Okay ba yun?"tanong niya pero nagpout si MJ.(baekhyun's pouted lips)
"Tumbang-preso nalang laruin natin."nakapout na wika ni MJ kaya binatukan sya ni Nikko.Nagtawanan lang kaming lahat.
"Tsk.Childish."wika ni Nikko at sinamaan ng tingin si MJ sa tabi niya.
"Waaahhh noona oh! Si hyung inaway ako!!!"pagsusumbong nya at lumapit kay Alexa.Natawa nalang ako.Napatingin ako kay Tristan na nagtatawanan sila ni Arcie.Napasimangot tuloy ako.K die.
   Nagsimula na ngang magspin ang schoolmate naming babae at tumapat iyon kay MJ.
"Truth or Dare?"tanong nung schoolmate ko kay MJ."Dare."sagot ni MJ.Napaisip naman yung babae.
"I-kiss mo sa ilong si Nikko."nagulat naman si MJ at mas lalong nagulat si Nikko.Nagpout si MJ at humarap kay Nikko."Sige na!!!"wika ng isang estudyante.Biglang ngumiti si MJ.
*TSUP*.Nagulat kami at nagtawanan.Si Nikko naman napangiwi at pinunasan ang ilong niya na hinalikan ni MJ.
Sunod ng spin si MJ at tumapat kay Nikko."Truth or Dare?"MJ asked.
"Truth."sagot ni Nikko."Whoahh!!"wika ng mga kasama namin."May gusto ka ba kay Alexa noona?"tanong ni MJ na agad naman kaming napatingin kay Tristan na ngayon ay napaiwas ng tingin.Si Alexa naman.Nakangiti lang kay Nikko.Aba! Iba rin.

"Oo."sagot ni Nikko.
"Kyaaaaaaaahhhh!!!"tilian namin.Si Alexa naman ang lapad ng ngiti.Mwahaha! Pulang-pula narin ang mukha ni Nikko.Natahimik nalang kami sa pagsisigaw nang tumapat ang bottle kay Alexa.Agad ngumisi si Nikko.
"Truth or Dare?"tanong nya kay Alexa na ngayon ay nakayuko lang.
"Truth."sagot niya.Nagpakawala naman ng malakas ng hininga si Nikko saka nagsalita.

"Mahal mo parin ba siya?"tanong ni Nikko na ikinatahimik ng lahat.Nakikinig lang din ang mga kasama namin dito sa bonfire at inaabangan ang magiging sagot ni Alexa.Ngumiti si Alexa pero yung ngiting malungkot.
"Oo.Mahal ko pa siya hanggang ngayon."napansin ko kaagad na may namumuong luha sa mga mata ni Alexa kaya tinapik ko ang likod niya.Natahimik ang lahat sa naging sagot niya.

   3 years ago,nangyari ang aksidenteng hindi inaasahan ng dalawang magkasintahan.Galing si Alexa at Kyle sa Batangas para doon nagcelebrate ng kanilang ika limang anibersaryo ng kanilang pag-iibigan.Pero lahat ng iyon ay nauwi sa matinding kalungkutan ng lahat.Mabait at masunuring lalaki si Kyle.Masaya silang nagbyahe pauwi dito sa Maynila nang mangyari ang hindi inaasahang aksidente.Nagtamo si Alexa ng maraming sugat dahilan para maging nanganib ang buhay niya.Pero sa panahong iyon iniisip ni Alexa na hindi siya maaaring mamatay kung kaya't nagawa niya pang lumaban at dahil doon ay naging matagumpay naman ang kaniyang operasyon dahil sa mga ala-alang ibinahagi ni Kyle sa kanya.
Si Kyle naman ay death of arrival ang kalagayan niya.Kaya wala ng magawa ang lahat para isalba pa ang buhay niya.Halos mababaliw si Alexa noon at nagtangka pa siyang magpakamatay.Buti nalang at agad ko siyang naabutan para hindi niya matuloy ang balak niya.At hanggang ngayon,alam kong sariwa parin sa ala-ala at puso niya ang nangyari kay Kyle.At dahil doon, tatlong taon na ang nakalilipas pero hindi niya parin nakalimutan ang lalaki.Hinihiling ko na nga na sana magmahal na siyang muli para sumaya naman siya dito sa mundo kahit sa maikling panahon man lang.
  
    Pinaikot na ulit ang bote at tumapat iyon sa akin.Ngumiti naman sila sakin dahilan para mapangiti ako."Truth or Dare?"tanong ni Alexa.
"Truth."sagot ko at napaiwas ng tingin."Mahal mo na ba siya?I know,matagal mo na siyang gusto.But  I just wanted to know na mahal mo na ba siya sa ngayon?"tanong ni Alexa.Gets ko naman kung sino yung tinutukoy niyang sya.At si Tristan lamang iyon.Kanina ko parin naman nakumpirma na mahal ko na nga talaga siya ngayon.Pero wala naman ng pag-asa.
"Oo.Mahal ko na siya."nagbuntong-hinga ako pagkatapos kong sabihin yon."Sabi ko na nga ba eh.Mahal mo nga siya."nakangiting wika ni nerd na kausap ko lang kanina sa bus.Kadarating niya lang dito sa grupo namin at hindi ko alam kung saang sulok siya nagtungo para magbasa lang ng libro.Iba rin.
Natahimik naman ang lahat at wala naring nagtanong kung sino yung mahal ko.Pinaikot narin kasi ang bote at tumapat iyon kay Tristan.Agad akong nagsigh at tinitigan siya ng mabuti na katapat ko lang din sa pag-upo."Truth or Dare?"tanong ko.Tahimik ang lahat at halatang nakikinig lang sa amin.Masyado nilang inaabangan ang pangyayari dahil karamihan sa kanila ay alam ang pekeng relasyon namin ni Tristan."Truth."matapang niyang sagot.Napayuko naman ako at pilit pinapagana ang isipan ko para makahanap ng maaari kong itanong sa kanya.

"Mahal mo ba siya?"tanong ko at tinignan si Arcie na nasa tabi niya lamang.Nakikinig at atat na atat ng malaman ang sagot ni Tristan kung mahal ba niya si Arcie.Nakatitig lang din ng seryoso si Tristan sakin.
Nagulat nalang ako sa sagot niya at parang biglang tumigil ang puso ko sa pagtibok nang marinig sa kanya ang sagot niya.

"Oo.Mahal ko siya."halos nanlumo ako at hindi na ako makapagsalita.

**********

Itutuloy...

Vote and Comments!!!

@CherayDiAyy💕

The Playboy's Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon