Chapter 24:Kiss in the Cave

1.5K 30 0
                                    

Charice's Pov:
    Hindi ko mapigilang mapaiyak.Ang sakit-sakit ng puso ko.Hawak-hawak ko ang puso ko habang tumatakbo papalayo sa kanila.Tinatawag pa nila ako pero tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo.Ang sakit marinig sa tanong mahal mo na may iba siyang mahal.Huli na pala ang lahat ng mamalayan ko sa sarili ko na mahal ko na siya.Tsk.Agad akong pumasok sa resthouse at nilock ko agad ang pinto ng kwarto ko.

"Kapag sinabi kong ayaw ko.Ayaw ko talaga! Hindi mo naman ako mapipilit eh! Sumuko na nga ako oh! Pagod na pagod na ako!"nagulat si Tristan sa sinabi ko and bigla nalang siyang napaluha.Pati nga ako nagulat din sa sinabi ko pero hindi ko na dapat bawiin yon.He's about to speak but...

"Cha! Cha open the door!Cha!"nabulabog ako sa lakas ng katok sa may pintuan.Agad akong napabangon at binuksan ang pinto.
Ano bang nangyayari sa kanila sa labas?
"Oh God.Akala ko kung anong nangyayari sayo! blah!blah!blah!"hindi ko na naiintindihan ang ibang mga sinabi ni Alexa dahil natulala ako.So panaginip lang pala ang lahat ng yon? Yung umiyak si Tristan sa harapan ko.
"Cha! Nakikinig ka ba?!"bulyaw niya kaya natauhan naman ako.Napataas naman ang isang kilay niya at tinitigan ako ng masama.
"Huh? A-ano nga ulit yung sinabi mo?"tanong ko dahilan para mabatukan niya ako.Sinamaan ko nga siya ng tingin."Ang sabi ko,okay na ba pakiramdam mo?Sabay nalang tayong matulog kailangan kitang samahan-----"hindi na nya natapos ang sinasabi niya kasi nagsalita na ako."A-ayos lang ako d-dito.N-nakatulog kasi ako kanina kaya sorry."mas lalo nya akong tinasan ng kilay."Kilala kita Margaux Charice Fontanilla.Kaya halika na.Matulog na tayo."wika nya at hinila ako papasok sa loob ng kwarto.May isang bed pang natira at alam kong tatlo kami ni Alexa dito sa kwartong to kaya sana hindi si Arcie o si Alicia yon.Tsk.

Tristan's Pov:
   Nagtatawanan at nagkwentuhan lang ang ibang mga kasama namin dito sa dalampasigan.Katatapos lang kasi ng truth or dare na larong yon.After kasing magwalk-out ni Charice pinagpatuloy namin ang laro.Hindi ko na mapigilan ang pag-aalala sa kanya.Ano bang iniisip niya sa sagot ko at bigla nalang siyang umiyak?Hind ko alam pero nag-aalala ako sa kanya.Lalo na ngayong may dinadala siyang sakit.
"Bro, you okay?"tanong ni Nikko na katabi ko ngayon habang nakatingin lang kami sa dagat."Nag-aalala lang ako sa kanya."tinapik naman ni Nikko ang balikat ko."Don't worry.Pinuntahan na siya ni Alexa."tumango naman ako at tumingin ulit sa dagat."I think,umiyak siya sa sagot mo kanina dahil baka akala niya para kay Arcie yung sagot mo na mahal mo pa siya."napatigil naman ako at napatingin kay Nikko.Tama siya.Mukhang hindi naiintindihan ni Charice ang sagot ko kanina.
"Kakausapin ko nalang siya bukas."wika ko sabay tingin sa wristwatch ko at 9:30 na pala ng gabi.
Tumayo na kami ni Nikko at sabay ng pumasok sa loob ng resthouse.Ang ibang mga kasama namin nagkwekwentuhan parin.Ang iba naman natutulog na.Napatingin ako sa inuupuan namin kanina pero wala na si Arcie at Alicia.Natulog na siguro sila.

    The next day,abala ang lahat sa paghahanda patungong kabundukan ngayon.Ang sabi kasi ng school head namin,dapat daw  naming puntahan ang kabundukang yon para makita naman namin ang kagandahan ng lugar."Ford, sabay nalang tayong pupunta sa dining para magbreakfast.Nandon na kasi silang lahat eh."wika ni Arcie na nasa likuran ko.Tumango nalang ako at sabay na kami nagtungong dining.
"Oh? Zapanta at Reyes,kumain na kayo dahil maaga tayong aalis ngayon."wika ng isang staff na kasama namin.Nagulat ako nang magkatapat pala kami ni Charice ngayon.Katabi niya si Alexa.Napatingin ako sa kanya at halatang hindi siya nakatulog ng maayos.Namamaga rin ang mga mata niya na galing sa iyak.

"Miss Fontanilla, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?"napatingin naman ang lahat sa kanya.Siniko naman siya ni Alexa kaya napatingin siya sa amin.
"Are you okay?"tanong ng isang staff at hinawakan ang noo ni Charice.
"Ahm...nagkasinat po kasi siya kagabi.Pinainom naman po namin ng gamot at okay naman po daw siya."nakangiting tugon ni Alexa sabay titig ng masama sa akin.Hindi naman sumagot si Charice at  nakayuko parin siya.Alam kong hindi siya okay ngayon.Hindi niya ako pinapansin at panay din ang pag-iwas nya sakin.

The Playboy's Girl(COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें