Chapter 18:The Kiss

1.8K 31 0
                                    

Margaux Charice Point Of View
      Weekend ngayon at wala si Alexa dito sa bahay.Simula kasi nung nakalabas ako ng hospital dito ko na pinagstay si Alexa para naman may kasama ako.At ngayon nga wala siya dito kasi maaga siyang sinundo ni Nikko.Naku!Naku! Malalaman ko talaga yung mga ginagawa ng dalawang yon.Ang paalam kasi ni Nikko kanina sakin, may importante lang daw silang asikasuhin ni Alexa.Weh? Baka naman nagdedate na yung dalawang yon ngayon.Natatawa nalang ako sa iniisip ko.Paakyat na sana ako sa kwarto ko nang bumukas ang main door at bumungad saking harapan ang...Oh my gulay! Ang gwapo gwapo gwapo gwapo niya ngayon.Ahihihihi.
Si Tristan na nakalongsleeves na white at nakapants.Tapos ang gara pa ng shoes niya.Mwahahaha!
Agad niya akong nginitian at lumapit sakin.Pinipigilan ko lang din namang ngumiti.Ayokong makita niya akong masaya ako sa kanya.Tsk.Naiinis parin kasi ako sa kanya eh.Porket gwapo siya akala niya naman madali ko lang siyang mapatawad noh.Haler! Iba ako sa mga babae niya."At ano namang nginingiti-ngiti mo dyan?!"singhal ko sa kanya nang makalapit siya sakin."Susunduin ko lang sana ang pinakamamahal kong babae sa mundo.Flowers for you my beautiful munchie ng buong buhay ko."nakangiti niyang saad.Napangiwi nalang ako sa mga pinagsasabi niya.
Ang chaka.Pinakamamahal kong babae sa mundo.Wow! Muntik na akong maniwala don.Kung hindi ko lang naisip na isa pala siyang playboy edi maniwala na talaga ako ng tuluyan sa kanya.Ghed.
"Ilang mga babae naman kaya ang sinabihan mo ng linyang yan ano?"tanong ko at inirapan siya.Inilapag niya nalang ang bulaklak sa may center table at nakangiting humarap sakin."Playboy man ako sabi ng karamihan.Papatunayan ko naman sayo kung gaano kita kagustong mahalin."sabi niya at kinindatan ako.
Inirapan ko na naman siya.Ang chaka niya talaga.Kaderders!
"Ang panget ng mga lines mo.Alam mo yon?"wika ko at nagsmirk."Pero hindi mo naman maitatanggi na gwapo ang nagsasabi.Diba?"ang lapad ng ngiti niya.Tsk.Akala ko nga aabot pa hanggang batok eh.
"Ang kapal."I just rolled my eyes at aakyat na sana ng magsalita siya.
"Bilisan mong magbihis.Aalis tayo ngayon.Hintayin kita dito."napahinto ako sa paglalakad nang sabihin niya yon.Nilingon ko siya."Okay."sabi ko at tuluyan ng pumasok ng kwarto ko.
Napangiti ako sa kawalan.Tangina naman! Bakit parang kinikilig ata ako ngayon?Tsk.

Tristan's Pov:
      Hindi ko talaga mapigilan ang saya ko ngayon.Alam kong masama parin ang loob ni Charice sakin dahil nga nung nasa hospital siya.Pero alam ko rin naman na may gusto na sakin ang babaeng yun.Mwahahaha!
Nararamdaman ko lang naman yon eh.Haha.
"Tara na."agad akong napatayo sa gulat nang magsalita siya.She's wearing blue dress na hanggang tuhod lang ang haba.Simple but a gorgeous one.Napangiti ako nang bumaba na siya ng nakangiti din sakin."Ang ganda mo."wala sa wisyo kong wika kaya ngumiti siya ng malapad."I know right.Dhuh!"sabi niya at nag-irap pa pero halata namang nakangiti siya.Iginiya ko na siya palabas ng bahay hanggang sa sumakay na kami sa kotse ko.
"Saan tayo pupunta? Mukhang maaga pa naman ah."wika niya.Hinawakan ko ang kamay niya at agad itong inilapat sa labi ko.Napaiwas siya ng tingin.Nginitian ko lang siya."Sinadya ko talaga ito.Para naman makasama kita ng buong araw."nakangiti kong saad.
Hindi na siya sumagot.Habsng nasa biyahe kami mas pinili niya pang manahimik nalang.Napangiti na naman ako."Huwag kang mag-alala munchie.Sisiguraduhin kong mapapasaya kita ngayong araw."sabi ko nang hindi man lang binitawan ang kamay niya.
     Ipinarada ko ang kotse ko sa isang parking lot dito sa theme park.Alam ko kasing gustong-gusto ni Charice ang lugar na ito.Para kahit papano makakalimutan kong may sakit siya.Nasabi rin pala ni Nikko at Alexa sakin na hanggang ngayon hindi pa alam ni Charice na may cancer siya.Mas makabubuti muna sa kanya yun kahit papaano.Nauna na akong bumaba at pagkatapos pinagbuksan siya ng pintuan."Gentleman na playboy."wika niya kaya natawa nalang ako.Sabay na kaming pumasok sa loob.Ang dami rin naman palang tao."Wow! Ang ganda! Ang daming rides naman dito!"manghang-mangha niyang sabi at agad akong hinila."Tara! Sa roller coaster tayo!"nakangiti niyang saad kaya tumango nalang din ako.
"Waaaahhhhhh!!! Kyaaaaahhhh!!!"sigaw ng sigaw si Charice ng umandar na ang roller coaster na sinakyan namin.Wala naman akong ibang nagawa kundi tawa lang ng tawa.Siya naman,naiiyak na sa kakasigaw.Tsk.
"Grabe! Akala ko talaga mahuhulog na ako kanina! Kita mo ang bilis ba namang umandar!"wika nya nang makababa na kami.Sunod naman naming sinakyan ay ang frisbee.
Sigaw na naman siya ng sigaw kasi bakit daw parang hinahambalos siya.Nakakatawa nga eh.Hindi na siya naiiyak dahil sabi niya safe naman daw sa frisbee kaya sigaw lang siya ng sigaw.Hanggang natigilan ako sa huli niyang sinigaw.
"TRISTAN FORD ZAPANTA GUSTO KITA!!!"napatitig ako sa kanya ng ilang segundo pero siya nginitian lang ako.Ngumiti na din ako.
"Sana talaga makabalik pa ako dito sa theme park noh? Ang ganda naman talaga ng mga rides dito."wika niya nang bumaba na kami at lumipat naman kami sa viking.Halos mabingi naman ako sa lakas ng sigaw niya.Tawa lang din ako ng tawa."Mama!!! Ayokooo naaa!! Mamamatay na akooo!!!"yan ang sigaw niya na ikinatawa ko talaga.Paano naman siya mamatay eh safe naman dito at nandito naman ako para sa kanya.Mwahaha!!!
Pagkababa namin para pa siyang nahihilo dahil sa sinakyan namin."Nakakainis naman yung viking.Akala ko talaga humiwalay na ang mga lamang-loob ko sa katawan eh.Nakakasuka!"reklamo siya ng reklamo.Tawa parin ako ng tawa.
"Bakit ka ba natatawa? Nakakainis ka na ahh.Hay naku!"wika niya at hinila na ako palabas ng theme park.
"Ayaw mo ng sumakay ng ibang rides sa loob? Marami pa naman don."umiling lang siya at nauna na siyang pumasok ng kotse.Napatingin ako sa wristwatch ko at eksaktong 6:00pm narin.Ang tagal rin pala namin sa theme park.Tahimik lang siya habang nasa byahe kami.
"Masaya ka ba?"tanong ko.Napalingon naman siya sa akin at ngumiti."Oo.Sobrang saya."sagot niya.Hinawakan ko ng mahigpit ang isang kamay niya habang ang isang kamay ko naman ay nagmamaneho.
"Uuwi na ba tayo?"tanong niya.Nginitian ko lang siya."Hindi pa.May pupuntahan pa tayo."sagot ko at marahang pinisil ang kamay niya.Tumango naman siya at hindi na ulit nagsalita.
Ilang minuto lang nakarating na kami sa dapat puntahan namin.Nandito kami sa isang park.Actually, maganda ang park na ito dahil maraming tao ang pumupunta dito para magtambay.Pero ngayon alam kong kami lang dalawa ang nandito.

"Wow! Ang ganda naman dito."ngiting-ngiti niyang saad."Nagustuhan mo?"tanong ko.Tumango naman siya at nauna ng maglakad sakin papasok ng park.
"Ikaw ba ang naghanda nito?"tanong niya."Nagpatulong ako."sabi ko at tinuro ang dalawang taong nasa gilid.
Nanlaki naman ang mga mata ni Charice at nilapitan ang dalawang tao."Ay tangina! Kayong dalawa pala yan!"sabi niya at hinampas sa braso si Nikko at Alexa."Ang tagal nyo grabe."sabi ni Alexa at umirap pa.
"Wow naman Alexa.Ang ganda ng designs mo ohh."puri ni Charice sa kanya.Ngumiti naman ng malapad si Alexa."Oo naman.Para sa pinsan ko at sa bestfriend ko yan eh.Diba sunget?"wika ni Alexa at nakatingin kay Nikko.Nang-irap lang si Nikko sa kanya at lumapit sakin.
"Goodluck bro."sabi ni Nikko saka na hinila si Alexa."Enjoy your night Cha."sabi ni Nikko kaya nginitian lang siya ni Charice.

Charice's Pov:
    Namangha talaga ako sa sobrang ganda ng park ngayon.Grabe pala itong si alexa at Nikko eh.Ang ganda magdecorate.Mwahahaha!
"Kain muna tayo?"tanong niya kaya napalingon agad ako sa kanya.
"Okay."sagot ko.Pinaghila niya ako ng upuan kaya umupo narin ako.Magkatapat kami ngayon.
"So, saan ka pala last week?Bakit hindi ka man lang nagpakita sakin sa hospital?"tanong ko.Sa totoo lang,naririndi na nga ako sa topic na ito eh.Last week pa ito nangyari pero hindi pa tapos ang issue nato.
"Umuwi ako sa Batangas last week.Sorry kung hindi ko nasabi sayo.Sorry kasi hindi kita nabisita."sagot nya pero nag-iwas agad siya ng tingin.Duda tuloy ako kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.Kaderders!
"Okay lang.Kumusta na pala si Andrei do'n?Nagkita ba kayo?"sunod-sunod kong tanong."He's doing good by the way.Yeah nagkita kami nung pauwi na ako dito sa Manila."sabi niya at pilit na ngumiti."Mabuti naman kung ganon."sabi ko.
Pagkatapos din naminh kumain nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano.
"Star gazing tayo?"tanong ko sa kanya.Tumango lang siya at tumabi na sakin ng higa dito sa damuhan.
"Ang ganda talaga tignan ng mga stars noh.Kumikinang sila."nakangiti kong saad."Oo nga, ang ganda nga nya ngayon ko lang narealize."wika nya kaya kumunot naman ang noo ko at tinignan siya.Paglingon ko halos hindi na ako makagalaw sa pwesto ko kasi ang lapit-lapit niya sakin.Ilang inches nalang ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.Hanggang sa hinawakan niya ang pisngi ko at diretsong nakatitig sa mga mata ko.Pakiramdam ko tinutunaw niya ang buong katawan ko sa mga titig niya eh.Hinaplos niya ang pisngi ko at dahan-dahang nilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa magkadikit na ang mga noo namin.Hinawakan niya ang baba ko at pinatingala sa kanya.Magkatitigan kami.Walang kumukurap.Naramdaman ko nalang ang isang malambot na bagay na lumapat sa labi ko.Isang mainit na bagay at yun ay ang labi ni Tristan.
Napapikit ako sa kakaibang nararamdaman ko.Ang sarap sa pakiramdam nang mahalikan ng isang Tristan Ford Zapanta.Para pa ring first kiss ko ang nangyari ngayon eh.He kissed me with gentle ang passionately.Hindi ko maitatanggi na isa rin siyang good kisser.Ang tamis ng laway niya.Mwahahaha! Hinayaan ko lang siya kung ano ang gawin niya sa mga labi namin.Hindi ko na magawang magreklamo dahil ang katawan ko mismo ang tumutugon sa mga halik niya.Dahan-dahan niyang pinagtagpo ang mga dila namin sa loob ng bibig namin.Nakikiliti ako sa ginagawa niya.Hindi ko na alam ang gagawin ko.Hanggang sa pasimple niyang kinagat ang ibabang labi ko kaya napa-aray naman ako sa sakit.Tangina naman!
"Sorry."he mumbled while still kissing me.The next thing I knew, umabot ng tatlong minuto ang paghahalikan namin.Nakangiti kami pareho na iminulat ang aming mga mata.Agad niya akong niyakap ng mahigpit at ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

Ang swerte kong babae na nakasama ang isang Tristan Ford Zapanta na pinag-aagawan ng lahat.Ang taong demonyo at playboy man.Ang sweet niya parin.

**********

Itutuloy...

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now