Chapter 13:The Moment

1.8K 36 0
                                    

Margaux Charice Point Of View

   Monday na naman.Ayoko pa sanang bumangon pero kung makakatok naman gigibain na ata itong pinto ng kwarto ko eh.Nandito narin pala ako sa bahay namin.Kakauwi lang kasi ni Papa galing Europe kaya agad na akong bumalik dito baka kasi magalit si Papa sakin.Nagtalukbong na ulit ako ng kumot.Eh sa antok pa ako eh!
"Hoy Margaux Charice Fontanilla bumangon kana kasi diyan!!!"agad ko namang binatukan si Alexa.
"Youre so annoying Alexa!"bulyaw ko sa kanya at nagtalukbong na ulit ng kumot.Pipikit na sana ako pero narinig ko ang boses niya.Kilalang-kilala ko ang boses na iyon eh.
"You can go out.Ako na bahala sa kanya."pagkasabi niya non agad akong napabalikwas at hinarap siya.
"Anong ginagawa mo dito?"he chuckle.Aw. Ang gwapo niya.
"Masama bang sunduin ko ang girlfriend ko?"pakiramdam ko talaga nag-iinit na ang mukha ko eh.Napaiwas tuloy ako ng tingin.
"Goodmorning munchie."nakangiti niyang saad at hinalikan ako sa noo.Nanigas na naman ako sa ginawa niya.Peste talaga eh.Tumingin na ulit siys sakin at nginitian ako.Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya hinablot ko ang unan and I cover my face.Shocks! Narinig ko na naman siyang tumawa ng mahina.Peste! "Hindi ka naman kinikilig diyan noh?Haha."sinamaan ko nga siya ng tingin at ibinato sa mukha niya ang unan."Hmp! Ang sama mo! Lumabas ka na nga at maliligo na ako."sabi ko at tinulak-tulak siya.Sumeryoso naman ang mukha niyang nakaharap sa akin.Ano namang problema ng isang ito?
"I told you.Call me punchie."sabi niya at nakasimangot."Bigla ko nalang syang niyakap.Ang sarap sa pakiramdam nang niyakap niya rin ako.Napangiti tuloy ako."I'm sorry punchie."sabi ko habang nakayakap parin sa kanya."No.You dont have to.Come on, take your daily routine because we will have a date."sabi niya at lumabas na ng kwarto.Bago pa siya makalabas hinalikan na naman niya ako sa lips pero smack lang.Mwahaha!

Pagkatapos ng daily routine ko ay bumaba na ako at naabutan ko si Tristan at si Papa na nag-uusap.Fuck! Hindi maaari ito.Baka kung anong pinagsasabi ni Papa sa kanya.
"Goodmorning sweety."nakangiti niyang bati sakin.Ngumiti lang din ako sa kanya at hinila si Tristan.
"Okay then.Nice meeting you again Tristan.Have a good day."nakangiti niyang sabi at pinat pa nya sa balikat si Tristan.Tapos, hinalikan niya ako sa cheeks.

Nakaalis na si Papa kaya umalis narin kaming dalawa ni Tristan.Si Alexa kasi bigla nalang nawala dito sa bahay.Umalis rin daw.Absent na naman pala kami.Mwahahaha!
"T-teka? Anong ginagawa natin dito?"nagtataka kong tanong sa kanya pagkababa ko ng kotse niya.Nginitian niya lang ako."I just change my clothes.Dont worry."tumango naman ako at sumunod sa kanya.Pagkapasok namin sa loob ng unit niya ang ganda.Sobrang linis.Dinaig niya pa ata ang babae kung makapaglinis eh.

Dumeritso narin kaming dalawa sa mall.Naglalakad lang kami at magkahawak na naman ang mga kamay namin.Mwahaha! Ang sweet ng tamawong ito.Nga pala, hindi na siya demonyo ngayon ahh.Sweet nga eh.Buti naman at bumait na ang loko.
"Is that Tristan Ford Zapanta?"
"Girlfriend niya ba yan?"
"Oh my gosh.Ang gwapo niya talaga."
"Ang ganda rin ng gf niya ohh."
"Bagay sila.Nakakainggit."

Natatawa nalang kaming dalawa sa mga bulungan ng mga tao.Dumiretso na kami sa Timezone.Marami kamming nilalaro don.Tulad nalang ng baril-barilan.Kakatawa nga eh ang ingay-ingay naming dalawa.Yan tuloy,ang sama ng tingin ng mga tao sa amin.Tinawanan lang namin.Mwahahaha.Lumipat na naman kami sa toy catcher.May pink na teddybear doon kaso nakakainis.Hindi makuha ni Tristan eh.Last week ko pa nga yang pilit kinukuha pero ayaw talaga.Naiinis lang ako.Ang ingay-ingay ko habang chinicheer si Tristan para makuha yung pink teddybear.Pero ilang ulit na at hindi niya parin nakukuha.Mura na siya ng mura kasi pinagpawisan narin siya.Aircon naman dito.Mwahahaha!
"Tangina naman itong teddybear na ito ohh!"naaawa na tuloy ako sa kanya.Kaya kinulbit ko nalang siya.
"Punchie, kain na muna tayo.Gutom na ako eh."lumungkot naman yung mukha niya."Eh paano itong teddybear mo?"hinila ko nalang siya palayo don sa toy catcher at pumasok na sa Mcdo."Hayaan mo nalang yon.May next time pa naman eh."sabi ko at nginitian siya.Nag-order narin kami at kumain.
"Saan mo gusto pumunta after this?"tanong niya.Napaisip naman ako.Eh wala akong maisip eh.Sobrang gwapo niya kasi sa pangingin ko.Mwahahaha! Ano namang connect don? Hay naku.
"Magshopping ka nalang kaya?"he asked.Agad naman akong umiling.
"Ayoko."nagulat naman siya sa sagot ko."Ikaw lang ata ang babaeng ayaw magshopping eh.Alam mo si Alexa, naku grabe yon kung makapagshopping."natatawa niyang saad.Napangiti narin ako.Oo nga naman.Yung impaktitang bestfriend kong yon adik na adik rin yon sa shopping eh.Mwahahaha! Pero ako? Ayoko talaga.Madali lang kasi akong mapagod kapag magshopping eh.

After naming kumain,lumabas na kaming mall.Pinauna na muna nya ako sa parking lot kasi may naiwan daw siya sa loob.Ano naman kaya?Kaya ayun,binalikan niya.
Inabot na ng ilang minuto pero hindi parin siya nakabalik.Hay naku! Hindi ko na namalayan na nakaalis na pala kami.Pagkagising ko, wala na siya sa driver seat.Lumabas nalang ako sa kotse.Nakatulog pala ako kanina.Naglakad-lakad naman ako at wow ang sarap ng hangin.Feel na feel ko naman noh?Mwahahaha! Bigla ko tuloy namiss ang Batangas.Nakaupo siya sa may bench at mukhang malalim ang iniisip.Kaya nilapitan ko nalang siya."Ang lalim ata ng iniisip mo?"tanong ko sa kanya.Mukha naman siyang nagulat kaya napatingin siya sakin."Gising kana pala.Tara munchie,maglakad-lakad na muna tayo."napatingin naman ako sa mga kamay naming magkahawak.Napangiti na naman ako.Huminto kami sa may bench at naupo.Ito pala yung seaside na pinuntahan namin noon."Okay ka lang?"tanong ko.Kanina pa kasi siya nagpakawala ng malakas na hininga.
"Ang dami kong mga memories dito."sabi niya at nagbuntong-hininga na naman.Napakunot naman ang noo ko."So, bakit mo ako dinala dito?"napangiti naman siya pero halata namang may lungkot parin sa mga ngiti niya."Wala lang."ang ikli ng mga sagot niya.Napatingin na ulit ako sa dagat.Nagulat nalang ako dahil paglingon ko sa kanya eh may luha ng tumulo sa mga mata niya.
Agad ko naman itong pinunasan.Naaawa na ako sa kanya.Alam ko naman kasi kung bakit siya umiiyak ngayon eh.Ramdam na ramdam ko iyon.
"Shit."napamura siya nang maramdaman niyang may luhang tumulo sa pisngi niya.Agad siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko.
"Tara na munchie.Gumagabi narin eh."wika niya at nginitian ako.Tumayo narin ako at sabay na kaming naglakad pabalik ng kotse niya.Habang nagbyahe kami pabalik sa bahay tahimik lang siya.Mukhang may malalim siyang iniisip eh.Alam ko namang may problema siya pero ayaw niya lang sabihin.Sabagay,sino ba naman ako para sabihan ng mga problema niya diba? Isa lang naman akong hamak na fake girlfriend ng isang Tristan Ford Zapanta na pagmamay-ari ng lahat.Tss.
"Dito nalang ako."sabi ko at agad ng bumaba ng kotse niya.Hindi man lang niya ako tinignan.Ni kausap nga wala eh.Pumasok nalang rin ako sa bahay at dumiretso na sa kwarto ko.Sinubukan kong matulog pero hindi ko talaga magawang makatulog.Sinubukan kong tinawagan si Tristan pero nadismaya ako kasi ring lang ng ring.Sinubukan ko ulit at nakahinga naman ako ng maluwag nang sinagot na nya ang tawag.
"Hello?"
"Hindi ako makatulog punchie."
Narinig kong suminghot-singhot siya.Umiiyak ba siya?
"Ma-tulog k-kana munchie.May pa-sok pa b-bukas."

Umiiyak nga talaga siya.
"Sige...goodnight...matulog kana rin."

    The next morning,maaga akong gumising.6:00am palang tapos na ang daily routine ko.
Pagpasok ko sa classroom,it's a normal,boring day na naman.Ang bilis lang ng mga araw at month of September na pala.

"Hi Cha!"napalingon ako sa may tumawag at nakita kong papalapit si Nikko sa sakin.Nginitian ko lang siya.Magkaklase rin pala kami nitong si Nikko.Si JM at MJ nasa kabilang section yon pati narin si Alexa.
"So, totoo na nga yon?"I nodded.Akala niya siguro hindi totoo yung nalaman niya sa Batangas.Ngumiti lang siya.Pagkaupo ko palang sa chair ko bulungan here,bulungan there na naman.
"I can't believed! Gosh!"
"Yeah.Me too.Di naman sila bagay."
"Buti pinatulan siya ng Tristan natin."

Wow! Tristan NATIN? Edi sa kanila na.Kung alam lang nila na deal lang ang lahat.Tsk.Mga echosera talaga!

******
Itutuloy...

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now