Chapter 45

1.2K 19 0
                                    

Charice's Pov
Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Elton.Halos hindi ko na marinig ang mga boses sa paligid ko at tanging ang tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.
"A-are you s-sure?"nauutal kong tanong sa kanya dahilan para mangunot ang noo niya.
"Hey, are you okay? Bakit ka namumula diyan?"nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat.
"A-ah, m-masakit lang ang ulo ko."wika ko.
"Sige, after nating kumain iuuwi na kita para makapagpahinga kana."ngumiti lang ako.

Nakauwi na kami sa bahay at lutang na lutang parin ako.
"Oh? Bakit kayo umuwi agad?"tanong ni Arcie.
"She needs a rest.Masakit daw ang ulo niya eh."ngumiti lang ako ng pilit at saka nagpaalam sa kanilang tatlo na magpahinga na muna.

Napailing nalang ako.Imposibleng nandito siya.At ano naman ang gagawin niya dito eh hindi pa tapos ang klase?Tch.
Siguro ibang pinsan lang yun ni Elton at hindi si Tristan iyon.Hindi niya naman sinabing si Tristan ang nandito sa London eh.

Nagbuntong-hininga nalang ako at natulog.

Tristan's Pov:
Dumating ang araw,linggo at buwan.Ganun parin ang ginagawa ko habang busy si Daddy at si tita Cassandra,hinahanap si Charice pero hindi parin kami nagkatagpo.Si Elton naman ay hindi na kami nagkita,huli naming pag-uusap ay yung nandon sa cafe.Hindi parin siya dumadalaw dito sa bahay.Baka kasi busy lang yun sa trabaho niya.

Friday, April 15.

Pagkababa ko ay nandon na sina Daddy at Tita Cassandra sa dining table.
"Goodmorning!!!"nakangiting bati ko sa kanilang dalawa at niyakap sila.
"Kumain kana.Maghanda ka mamaya kasi may dinner tayo with Elton."nakangiting saad ni Daddy.
"Really?! Tumawag pala siya sa iyo,dad?"tanong ko.
"Yeah.Kagabi lang.Naging busy rin daw kasi siya nitong nakaraan kaya wala siyang oras para makilala ang tita mo.Okay then,you guys will take care here huh? I have to go."paalam niya.Hinalikan niya muna si tita sa noo at tinapik niya ang balikat ko.
Ngumiti lang ako.

Pagkatapos kong magbreakfast ay nagpaalam muna ako kay tita na aakyat nalang sa kwarto ko.

~~Elton's Calling~~

"Hey."
"Yah.I'll be there before dinner.Ipakilala ko rin sa inyo ang nililigawan ko.Hihi."
"Tch.Okay then.See you?"
"Yah.Bye."
"Bye."

Pagkatapos naming mag-usap ni Elton sy ibinaba ko narin ang linya.
Sino naman kaya yung nililigawan ng pinsan kong yun?Tch.Sana naman ay maganda.
Nahiga nalang ako sa kama at nagmuni-muni.

Hanggang kailan pa ba tayo magkikita munchie?Miss na miss na kita at gusto na kitang makasama.Tch.Mahigit dalawang buwan na tayong hindi nagkikita ahh.Nakakainis.

Hindi ko nalang namalayan ang oras at nakatulog na pala ako.

Dumating ang hapon at nanatili lang ako dito sa bahay.Si tita ay hindi parin nakauwi.

~~Compose Message~~
April 15.
To:Munchie Charice😍💓💕
Hi Munchie,good afternoon to you.I really miss you so much.Dalawang buwan narin kitang hindi nakikita.Gusto na kitang makita at makasama munchie.Hindi ko rin alam kung nasan ka dito sa London.Sana,ako parin ang mahal mo hanggang ngayon.Kasi ikaw parin ang mahal ko.Hinding-hindi na siguro magbabago itong nararamdaman ko para sayo munchie.
I love you munchie.

Message sent :)

Bumaba nalang ako at nagtungo sa kusina.Kumuha ako ng tubig sa ref saka ako dumiretso sa sala.
"Hi tita!!!"wika ko at sinalubong siya ng yakap.
"Kararating mo lang?"tanong ko at tinulungan na sya sa pagbitbit ng mga binili niyang groceries.Ngumiti lang siya at tumango.
"Yeah,ang dami kasing tao sa mall na pinuntahan ko kaya natagalan ako."she said ang dumiretso na sa kusina.
"Magluluto na muna ako ah.Gutom ka ba?"
"Hindi tita.Kumain na po ako kanina eh."wika ko.Tumango naman siya at nagsimula na siyang magluto.Nanunuod lang din ako sa kanya.

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now