Chapter 55

1.1K 16 0
                                    

Tristan's Pov

Pagkababa ko ay nadatnan ko agad sina daddy,tita Cassandra,Alexa at Bryle na nagbebreakfast.

"Come here Tristan.Kumain kana."nakangiting ani tita Cassandra at pinaghain ako ng pagkain.

"So? Diba homeschool kana ngayon anak?"tanong ni daddy.

"Yes dad.Why?"

"I'm just asking.Baka kasi gusto mo na ulit pumasok ng school.Ipapaasikaso ko kaagad yan."aniya at nakangiting tumingin sakin.Umiling lang ako bilang sagot.

"No need dad.Ayos naman ako sa homeschool ko."sagot ko na ikinatango niya naman.

"Okay.If you say so then."

"Pero pupunta po ako ng school mamaya.Dadalaw lang ako."sabi ko.Nginitian lang nila ako at hindi na nagsalita.

"Gusto mo bang sumabay samin cous?"tanong ni Alexa.

"Wag na.Susunod nalang ako dun.Basta sabay tayong maglunch ah."sabi ko.Tumango naman sya at ngumiti.

"Okay.Sa cafeteria tayo maglalunch kasi I'm sure namimiss mo na ang mga luto nila.Hehehe."aniya.Ngumiti nalang din ako.

Pagkatapos naming magbreakfast ay nagpaalam na si Daddy na pupunta na sa trabaho habang sina Bryle at Alexa naman ay papasok na sa school.

"Akyat lang po ako sa kwarto."paalam ko kay tita Cassandra.Ngumiti naman sya at tumango.
Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa banyo para maligo.Inayos ang sarili ilang minuto at naupo sa kama habang nanunuod ng tv.

"Hindi na kita mahal."aniyang lalaki saka tinanggal ang pagkahawak ng babae sa braso niya.

"Mahal mo ako."naiiyak na sagot ng babae.

"Hindi na kita mahal.Umalis kana dito."sabi ng lalaki at pilit itinataboy ang babae.

Iyak lang ng iyak ang babae dahil sa pinagsasabi ng lalaki.May naisip syang paraan at iyon ay ang paghalik ng mapusok sa lalaki.Ginawa nga niya ang bagay na yon.Hinalikan niya ang lalaki.Gulat ang lalaki sa ginawa ng babae at hindi sya makakilos.Biglang tumulo ang luha ng lalaki.Dumaan ang ilang minuto at ganon parin ang kanilang posisyon kaya walang magawa ang lalaki kundi tumugon sa matatamis na halik nito.Mahal na mahal niya pa nga ang babae.Bumitiw sa halik nila ang babae at umiiyak na humarap sa lalaki.

"Ngayon mo sabihin saking hindi mo ako mahal! Alam ko naman ang totoo kung bakit ka makipaghiwalay sakin eh.Dahil mamamatay kana diba?Bakit mo ba inilihim sakin ito?Nakakainis ka talaga kahit kailan! Ang selfish mo!"sigaw ng babae at pinaghahampas ang dibdib ng lalaki.

"Ayoko lang masaktan ka kapag nalaman mong may sakit ako."umiiyak na wika ng lalaki.
Hindi nakatiis ang lalaki at bigla niyang niyakap ng mahigpit ang babae.

"Mahal na mahal kita."

Napangiwi ako nang mapagtantong namamasa na pala ang mga mata ko.Amputa! Umiiyak ba ako?! Tsk.

Biglang nagflashback sakin ang mga pangyayaring nalaman namin na may stage 2 Lung Cancer si Charice at ngayon ay stage 3 na.Hayst.Parang hindi niya man lang iniinda ang sakit niya.

"Ayos ka lang ba?"gulantang akong napalingon sa pintuan at nakatayo doon si tita Cassandra na nakangiting tumingin sakin.Pinunasan ko ang luha sa mata ko at pilit na ngiti ang ibinati ko sa kanya.

"Maybe."maikling sagot ko.

"Hanggang ngayon parin ba ay nasasaktan ka parin tungkol sa inyong dalawa?"tanong niya.

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now