Chapter 9:Accepted

2.3K 73 0
                                    

Margaux Charice Point of View

      The next morning ang saya ko na naman kasi Friday na.Hay! Walang pasok bukas.Ngiting-ngiti akong bumaba ng hagdanan pero gayon na lamang ang gulat ko nang nasa sofa lang siya at nakahiga.Halatang hindi pa siya nakakaligo."Di ka ba papasok?"tanong ko sa kanya."Hoy! Baliw ka ba? Sa tingin mo papasok ako ng ganito ang kamay ko? Tsk."bulyaw niya sakin.Ang OA naman nito.Ang sabihin niya hindi na naman siya makapangbabae kung ganun yung kamay niya.Ang playboy talaga!
"Ikaw ang baliw hinayupak ka! At thank you nga pala sa paglaba ng mga damit ko ahh! Labyoo."sabi ko at lumabas na ng bahay."Baliw ka!"muli niyang sigaw pero hindi ko na siya pinansin.Sakit sa apdo tamawong yon!

      Natapos rin ang klase pero hindi parin pumasok si Tristan Demonyo."Bessy!!!"biglang sigaw ng kung sinong kampon ni satanas ang nasa likuran ko.Ang sakit sa tenga! Namiss ko naman pala itong impaktitang ito ehh.Ilang buwan rin kaming hindi nagkita ng babaeng ito.
"Hoy Alexa! Saang lupalop ka ba nagsusuot?!"bulyaw ko agad sa kanya.Kaya napasimangot naman agad siya.Ang cute niya kapag nakapout.😊
"Hindi ba sinabi ng pinsan kong gwapo?"nalungkot naman sya sa tanong niya."Ang ano naman?"tanong ko sa kanya."Walangyang Tristan yon! Akala ko pa naman sinabi niya sayo.3 months kasi akong nasa New York nagpahinga lang ako don."nakangisi niyang saad.

     Uwian na and as usual,kasama ko ang impaktita kong bespren.Doon na daw siya magdinner sa bahay ng pinsan niyang gwapo.Alelele!
"Bakit pala hindi pumasok si Tristan?"tanong niya.Napangiti naman ako bigla nang maalala ko ang nangyari sa gwapong demonyong yun.Ang sama ko na ba?Bahala kayo mas masama parin siya diba? Tinapon niya ang mga magaganda kong drawings.Hay naku!"Ayun,makikita mo rin.Hahaha!"natatawang saad ko at nauna ng pumasok sa loob ng bahay.Sumunod naman agad ai Alexa.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!"agad naman akong napatakip sa tenga ko.Ang lakas ba naman kasing sumigaw.Psh!
"Why? Aren't you happy my dear handsome cousin?"nakangiting tanong ni Alexa sa kanya pero inirapan lang siya ni Tristan Demonyo at nanunuod na ulit ng tv.Ang sama talaga ng ugali niya.Psh.
"TRISTAN FORD ZAPANTA!"bigla naman siyang sinigawan ni Alexa na akala moy niyayanig na ang buong mundo sa sigaw niya.Feeling ko nga mahihimatay na ako dito sa harapan nila eh."What?!"humarap siya sa amin at tumitig ng masama.Halatang naaasar na siya sa tonk ng boses na iyon."At bakit ka naman absent kanina?!"sumigaw na naman siya."Masama ba?At tignan mo nga yang ginawa ng babaeng yan sa kamay ko.Tsk.Baliw na talaga siya."pabulong na sabi niya pero dinig na dinig ko naman.Tangina!

"Hoy mas baliw ka noh!"sumabat na ako sa usapan nilang dalawa.Aba! Sanay na sanay na siyang tawagin akong baliw ahh! Nakakaasar talaga siya! Tsk.Inirapan naman niya ako.
    After ng bangayan scene kanina okay naman na kaming tatlo.Pero, may mas malalang nangyari don.Si Tristan kasi, hinila niya ako paakyat sa kwarto niya at nang nakahiga na kaming dalawa.Nagpupumiglas ako kaya ayun nahulog kaming dalawa sa kama at ang masaklap pa ay ako ang nasa ibabaw niya.Nakakahiya talaga! Hanggang ngayon nga masakit pa ang pwet ko kasi after non bigla niya akong tinulak.Sama ng ugali ng gwapong demonyong ito!

       Nandito na kami sa dining area at ang impaktita ko namang bespren tahimik lang na kumakain tapos palipat-palipat ang tingin nila sa aming dalawa ni Tristan Demonyo na gwapo.Hanggang sa nabasag ang katahimikan.
"Anong nangyari sa inyong dalawa sa kwarto?"namilog ang mga mata ko at nilingon si Tristan Demonyo na gwapo na ngayon ay nakangiti habang kumakain."W-wala naman.Ano bang nangyari samin?"nauutal ko pang sambit.Hindi ko kasi napigilan ang sarili kong kabahan.Naman eh!
"We're just having our---"hindi pa natapos magsalita si Tristan pero inunahan na siya ni Alexa impaktita.
"OMG! Nagtoot kayo?!"bulyaw niya saming dalawa.Nagulat na naman kami sa sinabi niya."Goddamn it Tristan! Pag may mangyari kay Cha naku! Di talaga kita mapapatawad!
Pano kung mabuntis siya sa ginawa niyo?Dapat pananagutan mo siya ahh! Kundi patay ka talaga sakin!"ang haba ng sinabi niya pero ni isa wala akong naintindihan.Hindi na nakapagpigil si Tristan Demonyo gwapo at tumayo na siya.
"First, pumasok lang kaming dalawa sa kwarto ko para makapagpahinga na sana dahil diyan sa bunganga mo.Second, dahil napakadumi naman ng isipan ng babaeng ito nagpupumiglas pa siya kaya ayun nahulog kaming dalawa sa kama.Pangatlo, ayun nga nasa ibabaw ko na siya.Iba rin pala siya.Ay pagnanasa naman pala sakin hindi naman sinasabi.At pang-apat, wala kaming ginagawang masama noh! At ano nga ba yung toot na sinasabi mo?"seryosong tanong niya kay Alexa na ngayon nakanganga lang sa harapan namin.Ang sarap batukan ng demonyong ito! Ano ulit sabi niya?Ako may pagnanasa sa kanya?Hindi rin naman pala siya mayabang noh?Bwesit.
"Ah hehe...sorry naman gwapo kong pinsan."sabi ni Alexa at napakamot pa sa ulo.Inirapan ko lang si Tristan Demonyo na gwapo.Alelelele! Ay teka, naalala ko nga pala.After ng dinner naming tatlo nakipag-usap agad ako kay Tristan Demonyo na gwapo na playboy na manyakol pa.Pero ang sexy ng body niya.Hehe.
Si Alexa naman nauna ng natulog.Pagod daw siya eh.
"Hoy! Ano bang sasabihin mo?"nyetang demonyo! Ang ingay.Hilig na nya atang sigawan ako ahh.Kapal ng apog."Hoy! Wag ka ngang sumigaw diyan?!Tinatanggap ko na ang offer mo."bigla naman siyang natigilan at parang nagtataka pa.Don't tell me? Nakalimot na siya?Hay naku."Offer?Anong offer?"sabi na nga ba eh! Walangyang lalaki to.Nakakainis.
"To be your girlfriend in 3 months.Ayaw mo ba non?"nagulat ulit siya at bigla nya akong niyakap ng mahigpit."YES!"takte! Bat ang saya-saya niya?"Pero dapat tayong dalawa lang ang nakakaalam sa deal natin ahh."sabi niya at niyakap ulit ako.Ngiting-ngiti naman ang gago kahit joke lang yon.JOKE.
"Bakit naman kayo nagyakapan dyan?"kunot-noong tanong ni Alexa na nasa hagdanan pala at nakatingin samin.Halos lumuwa naman ang mga mata ko.Ang akala ko eh tulog na ang babaeng ito eh."Kanina ka pa ba nandyan?"tanong ni Tristan Demonyo na gwapo naman.Umiling siya kaya nakahinga naman ako ng maluwag."Hindi.Ngayon lang.Iinom lang ako ng tubig."sabi niya at bumaba na ng hagdan.Kumunot ang noo ko nang mapagtantong namamaga ang mga mata ni Alexa.
"Umiiyak ka na naman ba?"seryoso kong tanong sa kanya pero napaiwas lang siya ng tingin."I know you very well Alexa.Bakit ka umiiyak?"tanong ko at nilapitan siya.Tumingala siya sa kisame na para bang may nakakaiyak na hitsura ang nandon kasi bigla nalang nagsibabaan ang mga luha niya.Bigla siyang napatawa ng mapakla."I missed him so much Cha.Hindi ko na alam ang gagawin ko.Masyado na yung matagal at tapos na pero hindi ko parin matanggap na wala na talaga siya sakin."sabi niya at pilit na pinipigilan ang sarili na umiiyak.Pinunasan niya agad ang mga luhang bumaba sa mga mata niya."Alam kong para na akong baliw sa kakaisip sa kanya.It's been 3 years since he left me.Pero para sakin, parang nasa ibang bansa lang siya at nag-aaral doon para sa future naming dalawa.And palagi kong hiniling na sana isang araw babalik siya at mamahalin ako ulit.I just cant help it.Ayoko naman sanang ganito nalang ako palagi na umaasa sa taong babalikan ako pero pano naman mangyari yun eh patay na sya.Iniwan na niya ako."Iyak parin siya ng iyak.Panay naman ang pagpapatahan ko sa kanya.Biglang lumapit sa amin si Tristan Demonyo pero gwapo manyakol nga lang playboy pa.Bigla nyang niyakap ang pinsan niya.Alam kong malungkot din siya sa pinagdaanan ng pinsan niya."You know, wala kaming ibang maitutulong sayo kundi ang patahanin ka.Wala naman kasi kaming dapat sabihin sayo o mga kailangan mong gawin para makalimutan mo na siya.Mas mabuti kasing ikaw mismo sa sarili mo ang nakalimot sa kanya.Kaya tama na.Nasasaktan rin ako kapag umiiyak ka.Alam mo naman sa lahi natin, lahat mga gwapo at maganda kaya hindi pwedeng umiyak."nahampas tuloy siya bigla ni Alexa sa balikat."Loko-loko ka talaga."natatawang saad niya kay Tristan.Tumawa nalang rin ako.
"Mukhang may something na sa inyong dalawa ahh.Bakit nga kayo nagyakapan?Mukang ang saya-saya nyong dalawa.Nakakainggit tuloy kayo."sabi niya at lumungkot na naman ang mukha niya.Binatukan tuloy siya ni Tristan."Ulol.Impaktitang babaeng ito.Masaya lang ako para kay Tristan Demonyo na gwapo na sexy pa.Eh kasi..."napahinto ako bigla kasi wala na akong ibang sasabihin.Alangan namang sasabihin ko sa kanya ns boyfriend ko na tong pinsan niya kaso deal lang nga yon."Kasi?"tanong niya na halatang naghihintay sa maging sagot ko.Napaiwas ako ng tingin.Nang biglang napahagalpak ng tawa si Tristan Demonyo na gwapo kaya sinamaan ko nga siya ng tingin.
"Wahahahahahahahaha!!!"tawa pa sya ng tawa habang kaming dalawa ni Alexa eh tahimik lang.Na out of place ba naman kasi kaming dalawa.Eh hindi namin alam kong bakit humagalpak ng tawa tong demonyong ito."Masaya lang siya Alexa kasi sa wakas, sinabihan ko na siyang 'ang ganda mo Charice pero ang gwapo ko rin diba?' Kaya ayun, niyakap niya ako.Hahahaha!"tawa parin siya ng tawa na ikinakunot naman ng noo ko.Sa totoo lang wala akong natandaang ganon na sinabi ko sa kanya.Baliw talaga ito!Hay naku.GGSS pa talaga siya.Gwapong-gwapo sa sarili.Hay naku.Natawa nalang si Alexa sa sinabi niya pero alam ko naman na hindi naniniwala ang impaktita kong bestfriend.Tiningnan ba naman kasi ako ng nakakaloko.Hay naku.Bahala nga sya sa buhay niya.

******
Huwag po kalimutang magvote at magcomment narin.Mwaahahaha!
Ang panget ng kwento ko diba?Sabi kasi ng isa kong kaibigan.Panget daw.Kapal ng mukha ehh.Uupakan ko talaga yun kapag magkita kami.

Happy Saturday pala sa lahat.Enjoy your day guyses! Lablab💕

----CherayDiAyy

The Playboy's Girl(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora