Chapter 54

1K 23 0
                                    

Tristan's Pov
Napatingin ako sa wristwatch ko at 10:00am na.Dumating na sina tita at daddy galing London.

"Kuya,sigurado ako hinihintay na tayo nila tita Cassy sa airport."ani Bryle.Kasama ko silang dalawa ni Alexa ngayon na susundo kela Daddy.

"Oo nga eh.Late kasi ako nagising.Tch."sabi ko.

Pagkarating namin sa airport ay agad nga naming natanaw sina Daddy na nakaupo sa may bench.

"Waaaahhh!!! Tita Cassandra!!!"sigaw ni Alexa sabay yakap kay tita.

"I miss you so much tita.Hehe."aniya matapos nilang magyakap.
"I miss you too."sagot ni tita Cassandra.

"Hi tita Cassy."ani Bryle sabay yakap kay tita.
"Hello Bryle.Kumusta kana?"tanong ni tita.

"I'm very fine tita.Hehe."sagot niya.Pagkatapos nilang nagbatian ay agad akong lumapit kay daddy.

"Dad."sabi ko at niyakap sya.
"Ayos ka lang ba dito?"tanong niya.Tumango naman ako bilang sagot.

"Hi tita."nakangiting bati ko kay tita Cassandra na nakalapit na pala samin.Ngumiti lang sya at niyakap ako.

"Naku, uwi na tayo para makapagpahinga naman kayo sa bahay tita,tito."nakangiting sabi ni Alexa at nauna ng pumasok ng kotse.
Sumunod naman kaming lahat sa kanya at pagkatapos ay dumiretso na kami sa bahay.

"Kumusta naman kayo dito?"tanong ni tita Cassandra pagkapasok namin sa loob ng bahay.

"Okay naman kami tita.Si ate Alexa po buntis na.Hehehe."gulat kaming napatingin kay Bryle na nagpeace sign lang naman pagkatapos niyang sabihin yon.

"Is that true Alexa?"tanong ni daddy.Nilingon ko si Alexa at parang kinakabahan sya.

"Y-yes tito."sagot niya.

"Alam na ba ito ng daddy mo?"tanong ni daddy.

"Yes tito."ani Alexa at tumabi sakin ng upo.

"Anong sabi niya?"tanong ni Daddy.

"Nagalit po sya at hindi niya matanggap."sagot ni Alexa.

"Natural lang sa aming mga ama yon iha.Nagulat lang talaga ako na buntis kana pala ngayon.At sino ang ama ng bata?"tanong ni daddy.Kalmado lang sya pero alam kong naiinis sya.

"Si Nikko.My bestfriend."sagot ko.Tumango naman sila saka ngumiti.

"By the way Tristan, kailan uuwi sina Ivy at Jake dito from Paris?"tanong ni tita Cassandra.Alam kong iniiba niya lang ang usapan namin.

"Next month tita.Sinusulit pa nila ang bakasyon sa Paris."sagot ko.Ngumiti naman sila.

"Kumusta naman ang magiging apo ko kung ganon?"tanong ni daddy.

"Healthy po ang baby namin dad.Hindi naman po sya pinabayaan ng ina nya."sagot ko.

"Good to hear that."aniya.Pagkatapos ay sabay na kaming pumasok ng dining area para kumain ng lunch.

"So ano ng plano mo Alexa?"tanong ni daddy habang kumakain kami.

"Magpapatuloy parin po ako sa pag-aaral and sabay po naming buhayin ni Nikko ang baby."sagot ni Alexa.

"Okay then.Don't worry about that kasi susuportahan kita sa pagpapalaki ng baby mo."nakangiting saad ni Daddy.

"Naku tito.You don't need to do that."nahihiyang sabi ni Alexa.

"Come on Alexa, kailangan nyo ang suporta namin.Ang bata nyo pa para makaranas ng ganitong bagay."ani tita Cassandra.Tumango naman si Alexa saka napangiti.

The Playboy's Girl(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora