Epilogue

116 2 0
                                    


Epilogue

—Author's Note: before anything else, salamat sa lahat ng nagbasa sa storyang ito. Hope you enjoy until here in the epilogue. Loveyou guys. :)

Sunny's Point of View.

Napatingin ako sa binibake kong cake ng may naisip akong isang tao. Ang aking pinsan. Si Sharlene. One year na din magmula ng mawala siya pero hanggang ngayon ayaw ko pa ding tanggapin na wala na siya. Parang kailan lang laging nandito yun para tumambay. Para maki free wifi kahit wala namang inoorder o minsan naman para lang magpalibre.


Pero kahit ganun yun, mahal na mahal ko yung pinsan ko na yun.


Sa loob ng isang taon. Madami ang nangyari. Sayang lang at hindi na ito nasaksihan nina Nash at Sharlene.


Yung xhibit, muling bumalik sa Showbiz industry. At muling namayagpag ang kanilang grupo. Gaya ng dati. Sila pa din ang sikat na boyband dito sa Pilipinas.


Sina Ianne and Mike kinasal na nung nakaraang taon at ngayon may anak na sila. Ang aking inaanak na si Dhapney Lei.


At ako? Halos sa buong sulok ng Pilipinas may branch na ang cafe ko.


Masaya na kami sa kanya kanya naming buhay. Pero mas masaya pa din kung nandito pa din yung dalawang yun.


———


"Sina Sharlene and Nash, parehong maloko yan e. Bata palang kami magkakasama na kami. Kaya I must say, na isa ako sa nakasaksi sa pagmamahalan nila. Bata palang kami gusto na nila ang isa't-isa. Lagi nilang pinoprotektahan ang isa't-isa. Ayaw nilang may masaktan. Kaya they promise to each other na kahit anong mangyari hindi nila iiwan ang isa't-isa. Pero masyadong mapaglaro ang tadhana. Dumating sa point na nagkahiwalay sila ng napakahabang panahon. Pero dahil destined nga sila sa isa't-isa mismong tadhana din ang gumawa ng paraan para magkita ulit sila." napastop naman ako sa susunod kong sasabihin dahil sa tuluyang pag-iyak ko. Nilapitan naman ako ng boyfriend kong si Zack at niyakap ako.


Ngumiti naman ako sa kanya at pinagpatuloy ang sasabihin ko.


"Sa lahat ng nakilala kong tao, sa kanila ko nakita kung ano yung tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kahit sino ay hindi matutumbasan. Ganun nila kamahal yung isa't-isa e. Kaya hanggang kamatayan magkasama pa din sila." napatakip naman ako sa bibig ko para mapigilan ang paghagulgol.


Tumingin naman ako sa itaas. "Kaya Couz and Nash, kung nasaan man kayo ngayon sana magkasama pa din kayo at masaya. Mahirap para sa aming mga mahal nyo sa buhay na tanggapin ang nangyari. Pero masakit man, magiging masaya ulit kami para sa inyo. Kasi alam kong kung nandito man kayo ngayon hinding hindi niyo hahayaan na makita kaming malungkot at umiiyak." this time ay tumingin naman ako sa pareho  nilang litrato na nasa harapan.


"Sharlene and Nash, mahal na mahal namin kayo." with that napahagulgol na ako sa sobrang sakit. Agad naman akong nilapitan ni Zack at niyakapang muli. Isa isa namang nagsilapitan ang mga mahal nila sa buhay at nagsindi ng kandila para sa kanilang dalawa.


Nandito kami ngayon sa isang chapel para sa padasal kina Shar and Nash. Death anniversary kasi nila ngayon.


"Sayang lang at hindi na natin sila nakitang ikasal no." nanlulumong sabi ni Markus.


"Oo nga e. Bagay na bagay pa naman yang dalawa na yan." dagdag pa ni Mike.


"Noon palang alam ko ng mahal nila ang isa't-isa. Hindi man nila sabihin pero ramdam ko yun dahil sa mga pinapakita nilang pagpapahalaga sa isa't-isa." umiiyak na sabi ni Ianne, agad naman siyang nilapitan ng kanyang asawa na si Mike at niyakap ito.


"Maging masaya nalang tayo para sa kanila guys. Para maging payapa na din ang buhay nila at tuluyang maging masaya sa pangalawang buhay." sambit naman ni Blaster.


Napatingin naman kaming lahat ng may dumapong dalawang paru paro sa kanilang litrato. Nagkatinginan naman kaming lahat at napangiti.


"Shar and Nash alam kong kayo yan. Sana masaya kayo ngayon. Miss na miss na namin kayo." nakangiting sabi ko.


———


Napatingin ako ng may dalawang college student ang pumasok sa cafe ko at pumunta sila sa counter.


"Anong order nyo?" nakangiti kong tanong sa kanila.


"Dalawang creamy latte po." sagot naman nung lalaki habang nakaakbay pa sa babae. Base sa obserbasyon ko mukhang magkarelasyon itong dalawa na ito. Napangiti nalang ako because of their sweet gestures.


"Ano yung mga ilalagay kong names sa mga cup nyo?" tanong ko pa sa kanila at inilabas ang marker para sulatan ang mga cups nila.


"Nash and Sharlene po." nabitawan ko naman ang marker na hawak ko dahil sa sinabi nung babae.


Ito na ba yung tinatawag na reincarnation?


"Okay lang po ba kayo?" tanong pa nung lalaki sa akin. Agad ko namang kinuha yung marker at ngumiti sa kanila.


"Oo okay lang ako." nakangiti kong sagot at masaya kong inilagay ang mga pangalan nila sa cups. Nang maibigay ko na yung order nila ay agad silang nagthank you tsaka umupo sa vacant table.


Habang pinagmamasdan ko naman sila ay dalawang tao lang ang naalala ko.


Ang pinsan kong si Sharlene at si Nash.


Napangiti naman ako ng makita ko silang nagbibiruan at nagtatawanan. Siguro ganito din yung dalawang yun kung nandito pa sila. Hay, namiss ko lalo sila.


———

"Couz!!" mabilis akong tumakbo papalapit sa kanila.


"Uy couz! Namimiss na kita." nakangiting sabi sa akin ni Shar.


"Ang saya nyong tignang dalawa." sabi ko pa at tumingin sa magkahawak nilang kamay.


"Sobrang saya namin Sheena. Kasi sa wakas magkasama na kami ni Shar." nakangiting sambit pa ni Nash.


"Masaya ako para sa inyo." sambit ko naman at hindi na naman napigilan ang maiyak.


Nilapitan naman ako ni Shar at niyakap. "Wag ka ng umiyak. Masayang masaya na kami. Kaya wag na kayong mag-alala pa sa amin." sambit pa niya.


Agad naman akong napabangon ng tumunog ang alarm clock ko. Umupo naman ako at isinandal ang likod ko sa head board ng kama.


Napangiti naman ako ng maalala yung panaginip ko kanina.



"Im so happy for the both of you."













The End! :]]

Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now