Chapter 21: Luv U ~

83 2 0
                                    

Chapter 21: Luv U ~

Nash's Point of View.

"Aeign kinakabahan ako." natatawa naman ako sa sinabi ni Shar. Papunta kasi kami ngayon sa bahay namin. Ngayon lang kasi kami nagkatime para makapunta sa bahay lagi kasing busy sa mga tapings and recordings.

Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"No need to worry Shar, ang tagal ka ng kilala nina Mama and mamang." sabi ko naman sa kanya.

"Eh kahit na, ang tagal na din naming hindi nagkita baka hindi na nila ako magustuhan." sabi pa niya.

"Bakit naman? Wala namang nagbago sayo. You're still the same Shar that we met before. Kaya Im sure walang dahilan para hindi ka nila magustuhan." sabi ko pa habang nagmamaneho.

Mga 5 minutes pa ay nakadating na kami sa bahay. Pagkababa namin sa kotse ay agad naman kaming sinalubong ni Chloe.

"Kuya!!" sabi ni Chloe at nagpabuhat pa sa akin.

"Siya na ba si Ate Shar?" tanong pa ni Chloe. Tumango naman ako.

"Ate Shaaaar! Ang ganda nyo pa din po. Magkamukha tayo omg!" sabi naman ni Chloe kay Shar. Pero totoo naman yun, as in magkamukha sina Chloe and Shar parang sila nga yung magkapatid eh. Pinaglihi ata ni Mama itong si Chloe kay Shar hahaha.

"Ikaw din Chloe. At ang cute cute mo pa din." sabi naman ni Shar kay Chloe at kinurot pa ito sa pisngi.

"Tara kuya and ate. Kanina pa po kayo hinihintay nina mama and mamang eh." sabi pa ni Chloe. Nakita ko namang kinabahan na naman si Shar. Hinawakan ko naman ang kamay niya at sinabing.

"Kalma lang."

Pagkapasok namin ay agad napatayo sina Mama and Mamang sa inuupuan nila.

"Omayghad Sharlene ikaw na ba yan. Ang laki mo ng bata ka." sabi ni Mamang sa kanya.

"Oo nga nak, namiss ka namin." sabi naman ni Mama kay Shar at niyakap ito. At oo nak ang tawag ni Mama kay Shar since nung bata pa kami.

"Namiss ko din po kayo Tita and mamang." sabi naman ni Shar sa kanila.

"Let's eat! Gutom na ako." natawa naman kami ng sumingit bigla si Chloe. Kaya gaya ng sabi niya ay kumain na kami.

"Kamusta kana Shar?" tanong ni Mama kay Shar. "It's been a long time since last tayong nagkita kita." dagdag pa niya.

"Okay naman ako tita. Oo nga po eh. Ilang years din yun. Pero po kasi 3 years din akong nasa Paris. Kaya laking tuwa ko po ng makita ko ulit si Aeign dito sa pinas." pagkukwento naman ni Shar.

"Ang sungit nga nito sa akin nung una kaming magkita eh." pagbibiro ko naman sa kanila.

"Ikaw nga itong masungit eh. Binangga mo pa ako." sabi niya naman. Natawa naman ako ng maalala yun.

"Syempre pogi points yun. Pano ikaw hindi mo ako agad nakilala." sabi ko naman.

Nung audition namin na yun, I didn't expected na dun ko siya ulit makikita. Wala naman kasing gaanong nagbago sa mukha ni Shar mula nung bata kami, she's still pretty in her own way. Kaya agad ko din siyang nakilala. Kaso hindi ko nga alam kung paano siya iaapproach. Kaya ang ginawa ko sinadya ko siyang bungguin. At nang mapansin kong hindi niya ako nakikilala, sinungitan ko nalang siya. Hahaha. Yun ang mga galawang Aguas! :]] #HokageMovesByAguas.

"Ang cute nyo pa ding tignan kapag nagtatalo." biro naman ni Mama sa amin.

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko namang maglinis si Mama tinutulungan pa nga kami ni Shar kaso sabi ko makipaglaro nalang siya kina Chloe at Mamang. For sure kasi namiss siya ng mga yun.

Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now