Chapter 8: Pain ~

103 2 0
                                    

Brian.


"Uy nandyan ka na pala. May niluto akong adobo nandyan sa mesa." salubong sa akin ni Alexa ng makapasok ako sa condo.

"Kumain na ako. Salamat nalang." tipid kong sagot tsaka na dumiretso sa kwarto. Nagulat naman ako ng sumunod ito sa akin.

"Hanggang kailan mo ba ako tatanggihan?" tanong niya.

"Alexa pagod ako galing sa practice. Doon kana muna." sabi ko naman sa kanya tsaka isinara ang pinto.

Yes I'm avoiding her. Everytime na umuuwi ako palagi kong nadadatnan na may niluluto siya para sa akin pero ni isa dun wala akong kinakain. Madalas nagkukwento siya pag nasa sala ako pero hindi ko siya pinapakinggan. Ayaw ko na kasing umasa pa siya sa akin kaya ginagawa ko yun. Ayaw kong isipin niya na may chance pa kami. At pinaka ayaw ko sa lahat. Ayaw kong mastuck siya sa akin.

Pumunta naman ako sa CR at nagshower. Hindi ko alam pero parang nakakapagod para sa araw na ito. Lalo na yung sa practice kanina. Yung tensyon sa dalawa halatang halata.

Celestine Gutierrez?

Ano nga bang connection mo sa iniidulo kong si Blaster Cullen?

Sakit sa ulo!!

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Kinuha ko yung laptop ko tsaka umupo sa couch sa may sala. Good thing wala dito si Alexa.

Agad ko namang sinearch ang name ni Celestine sa facebook. Hindi naman talaga ako stalker pero I think I need to do this para naman kahit papaano ay makilala ko yung babaeng yun.

Medyo wala namang bago. Mga selfie niya lang ang nandun, pero bigla akong napastop ng makita ang isang picture na siya lang laman ng isang album.

Album for keeps~

At ang tanging picture na nandito ay picture nila ni Blaster? Wala siyang caption kaya ang hirap intindihin kung mag ano ba talaga sila. Ano mo ba talaga siya Celestine?

"Bago mo?" nagulat naman ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Alexa. Bigla ko tuloy naisara ang laptop ko.

"Wala ka na dun." sabi ko naman.

"Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kanya?" tanong pa niya.

"Para saan pa?" sabi ko naman tsaka na tumayo dala ang laptop ko.

"Matatanggap ko kung ayaw mo na akong balikan. Pero yung makahanap ka kaagad ng bago? Ang unfair naman ata nun Brian." napahinto naman ako dahil sa sinabi niya.

"Tapos na tayo. Ano bang hindi mo maintindihan dun?" medyo naiirita kong sabi.

"So ganun ganun nalang talaga sayo yun?" tanong pa niya. Iniwan ko naman siya dun tsaka na pumasok ulit sa kwarto ko. Nilock ko na din yung pinto para hindi na siya makapasok pa.

"Brian open this door!!" sigaw niya tsaka pilit na binubuksan ang pinto.

"ANG UNFAIR UNFAIR MO!! NAKAKAASAR KA!! I HATE YOU BRIAN! I HATE YOU" paulit ulit niyang sigaw.

"Hindi ako umaalis dito kasi namamag-asa pa akong maaayos natin ito. Hindi kita iniiwan kasi gusto ko balikan mo ako. Pero Brian bakit ganito yung ginagawa mo sa akin. You're so unfair." umiiyak niyang sabi.

Hinayaan ko lang naman siya dun. Hindi ko binuksan ang pinto. Mas okay ng masaktan siya ngayon. Kung ito yung magiging way para makalimutan niya ako. For sure siya na mismo ang kusang mang-iiwan sa akin. Tama na yung nasaktan namin ng sobra ang isa't-isa nung kami pa.

Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now