Chapter 26: The truth ~

68 2 0
                                    

Chapter 26: The truth ~

Sharlene's Point of View.

Pagkagising ko aya agad na akong bumangon kahit medyo nahihilo ako. Hindi ko alam pero lately kasi pag nagigising ako lagi nalang akong nahihilo magigising ng may pasa minsan naman parang nasusuka. Siguro may months ko na din itong napapansin. Ayaw ko naman magpacheck up, lagi kasi akong kulang sa tulog, minsan late kumain kaya siguro ganito. Pero yung mga pasa dun talaga ako nagwoworry, kung bakit biglang may lumilitaw na ganun. Aish! Hayaan na nga nawawala din naman.

Nakatanggap naman ako ng text message kay Kuya Robi, isa din sa VJ sa myx. Hindi daw siya makakapasok kaya naman ako muna daw ang papalit sa kanya para maging VJ for this day.

Kinuha ko naman ang phone ko and I texted Aeign.


To: My Aeign ❤

Aeign pwede ba ako pasundo dito sa bahay? May sched kasi ako sa myx.

Wala pa namang segundo ay agad na siyang nagreply.

From: My Aeign ❤

Sorry Shar, hindi kita mapupuntahan. May taping kasi kami for our music video. Pero kung gusto mo papasundo nalang kita sa driver namin.

Bigla naman akong nalungkot ng mabasa ko ang message niya.


To: Aeign ❤

Hindi sige, im okay. Grab nalang ako.

Hindi ko alam pero medyo nainis ako dahil dun. Ang busy niya na sobra. Hay, but you need to understand him Shar! Ganun naman dapat pag nasa isang relasyon ma diba? Kailangan may umiintindi.

I took a deep breath tsaka na nag nagbook sa GRAB. Ilang minuto pa ay dumating na ito. Agad naman akong nagpahatid sa abs, at dumiretso na sa MYX studio.


Pagkadating ko dun sina Donny and Ate Sunny ang makakasama kong VJ for this day.


"Are you okay?" Ate Sunny asked. Nagsmile lang naman ako kahit na medyo masama pakiramdam ko.

"Here are the list of top 10." sabi naman ni Donny at inabutan ako ng copy.

"Salamat." matamlay ko namang sagot.


"Okay ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Donny.


The next thing I knew is agad nila akong nilapitan bago ako tuluyang nawalan ng malay.










Nash's Point of View.

"Okay take ulit tayo!" sigaw ni Direk. May shooting kasi kami para sa isang music video ng aming kanta.

Sinenyasan naman ako ng aking handler na si Joyce na may tumatawag daw sa phone ko.

"Direk, pwede ko po ba munang sagutin yung tawag?" tanong ko kay Direk.

"No! Tapusin muna natin to!" nasigawan pa ako ni Direk. Paano magmula kanina stress na siya sa amin dahil ang kulit naming lima kaya paulit ulit kami sa pagtake.


Kaya naman kahit gusto ko ng sagutin kung sino man ang tumatawag nagpatuloy pa din kami sa pagtake. Kaso napahinto ako ng biglang sumigaw si Joyce.


"Nash, si Shar nasa hospital." nang marinig ko yun ay agad akong lumabas ng studio tsaka na tumuloy sa hospital na sinabi mi Joyce.

I know after this pwede akong mapagalitan kay Sir Roxy, baka nga mawala na ako sa group dahil agad na naman akong umalis sa shooting namin. Pero wala akong pakialam. Dahil si Shar na ang pinag-uusapan dito.

Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now