Chapter 3: Audition ~

120 3 0
                                    

Celestine.

"Anak nandiyan na ba yung padala namin ng papa mo? Nakuha mo na ba?" tanong ni Mama sa akin mula sa kabilang linya. Nasa australia kasi sila ni papa ngayon for business purposes.

"Yes ma. I already got it." sabi ko tsaka tumingin sa box. Actually kagabi palang tinignan ko na kung ano yung laman nun. Kaso medyo hindi ko lang din nagustuhan ang mga nandun.

"Did you already open it?" mama asked.

"Opo." sagot ko naman.

"Oh yung mga shirts and shoes ni Blas iabot mo nalang sa kanya ha?" and thats the reason kung bakit medyo naayawan ko ang mg nasa kahon. Kasi meron din dun para kay Blas.

"Yes ma. Pag nagkita po kami." I lied. Hindi ko kasi alam paano ko sasabihin sa kanila na wala na kami ni Blas.

"Kamusta na nga pala kayo? Kahapon nagkita kami dito ng mama ni Blas, may business meeting din sila dito. Napagkwentuhan nga namin kayo eh. Ang tagal niyo na nak ha. Ano bang balak niyo after college? Magfofourth year college na nyan kayo oh. May balak na ba kayo para magpakasal?"

Napalunok nalang ako at pilit na kinalma ang sarili ko para hindi maiyak. I can't speak kasi alam kong kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko. Paano ko nga ba sasabihin sa kanila na wala na kami. Na matagal na akong iniwan ni Blas.

Hindi ko kayang sabihin.

"Are you okay nak?" mama asked.

"Opo medyo may inaayos lang po ako." pagsisinungakung ko kahit wala naman akong ginagawa

"Ah ganun ba. Osige ayusin mo muna yan. Call nalang kita ulit." sabi ni mama sa kabilang linya.

"Sige po ma. I love you."

"I love you too my Tine. Takecare always." and when she ended the call, I cry.

Ang  bigat bigat sa pakiramdam. Sa mismong mama ko nagsisinungaling ako. I know kasi na masasaktan lang din siya pag nalaman niya yun. They really love Blas for me. Kaso wala iniwanan lang ako e. Isa pa ayaw ko na silang mag-alala pa sa akin. Maayos ko naman siguro sarili ko bago sila umuwi.

Sinara ko naman ulit yung box na naglalaman ng package at pinasok muna ito sa cabinet ko. As what I have said to mama earlier ibibigay ko yung mga yun kay Blas kapag nagkita kami. Kaso hindi pa ngayon. At kung kailan? Yun pa ang hindi ko alam. Ayaw ko muna siyang makita. Hindi pa ako ready.

Naligo na ako atsaka isinuot yung black dress na pinadala ni mama. Pupunta kasi ako dun sa audition sa Marquee Mall. Sembreak naman namin, para naman may pagkaabalahan ako. Wala naman sigurong masama kung itatry ko diba? Besides baka ito yung maging way para sumikat ako. At pag nangyari yun, who you ka sa akin Blas.

Pumara agad ako ng taxi ng makababa ako ng condo ko. Napag-usapan kasi namin ni Sunny na sa mall nalang kami magkikita. Pagkading ko dun medyo maraming tao na din ang nandun for the audition. Omg hindi naman ako naorient na madami palang magaaudition dito. Tinawagan ko naman si Sunny kasi nga ang hassle naman kung hahanapin ko siya dito eh ang daming tao.

Me: Hey Sunny. San kana! Nandito na ako sa may entrance.

Sunny: Nag CR lang ako papunta na ako diyan.

So ayun hinintay ko nalang siya dun. Nakatayo ako sa may entrance ng biglang may lalaking nakaheadset ang nakabangga sa akin. And the worst thing, he didn't say sorry! Wtf!

Kinalabit ko naman siya kaya naman napastop siya. At laking gulat ko ng makita yung lalaki.

"Ang gwapo."

Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now