Chapter 14: Past ~

86 1 0
                                    

Chapter 14: Past ~

Sharlene's Point of View.

Pasensya na, kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na, Malaya


Nagpalakpakan naman lahat ng matapos kaming kumanta ni Aeign. Well syempre except kay Blas. Mas bitter pa itong lalaki na ito sa akin eh. Last practice na kasi namin.


"Whoooah!! NashLene for the win!" sigaw naman ni Markus habang pumapalakpak. Kami naman ni Aeign bumaba na sa stage.


"Hahahaha NashLene? Ang baduy!" sabi naman ng magaling kong Ex. See I told you bitter siya!


"Sus. Bakit ikaw may naisip ka ba?" tanong ni Markus sa kanya.


"Wala. Hindi kasi sila bagay." sabi naman ni Blas. Bwisit talaga ito. Sabihin ba naman na hindi kami bagay ni Aeign.


"Tama na nga yan. Nandito lang pinag-uusapan nyo oh." sabi naman ni Zack.

"Okay guys. Tapos na ang practice. See you nalang bukas sa performance nyo. Sige pwede na muna kayong maglibot." sabi naman ni Miss Elle at lumabas na ng practice room.


"Babes tara libot tayo." pag-aaya naman sa akin ni Markus.


"Sama ako Sharlene." sabi naman ni Aeign sa akin.

"Babes ba kita?" sabi naman ni Markus sa kanya.


"Kailan ka pa naging si Sharlene?" sabi naman ni Aeign sa kanya.


"Maglilibot ba tayo o mag-aasaran nalang kayo dyan?!" tanong ko sa kanila.


"Tara na." sabi naman ni Markus at hinila ako palabas. Si Aeign naman hinabol kami.


"Wag mo na ngang habulin si Sharlene. Sayo ba siya?!" sabi ni Markus kay Aeign.


"Oo sa akin siya. She's my Shar. Kaya umalis ka diyan." sabi naman ni Aeign at hinila niya ako.


"My Shar, My Shar ka pa diyan. Mang-aagaw." sabi naman ni Markus.



"EWAN KO SA INYO! KUNG GUSTO NIYO MAG-AWAY DIYAN NALANG KAYO! MAGLILIBOT NA AKO BYE!" sabi ko at tumakbo na palayo sa kanila. Hindi naman ako mag-eenjoy kung sila kasama ko. Ano yun? Mag-aaway nalang sila? Bwisit!


Kaso may problema pala ako. Hindi ko pala alam kung saan ako pupunta. Like duh! Hindi ko kabisado ang Batangas.


So ayun, dahil wala akong gaanong alam na place dito pumunta nalang ako sa isang resto since dito naman ako nagstop. Pumasok naman ako dun at nag-order na. Nagutom ako sa practice eh.


"Here's your order mam!" sabi naman nung waiter. Kaya naman nag-umpisa na akong kumain.


"Mag-isa ka lang?" muntikan ko namang maibugha yung kinakain ko ng marinig ko yung boses na yun. Oh pleas! My ex is here.


"May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" pangbabara ko sa kanya.


"Hindi ka pa rin nagbabago." natatawa niya namang sabi. At ngayon feeling close naman siya.


Only Reminds Me Of You Onde as histórias ganham vida. Descobre agora