Chapter 22: Changes ~

82 3 0
                                    

Chapter 22: Changes ~

Sharlene's Point of View.

Pag gising na pag gising ko sobrang sakit ng ulo ko. Aish! Naover fatigue na naman ba ako? Masyado ko na nga atang inaabuso ang sarili ko sa mga trabaho.

Ugh!

Napahawak nalang ako sa ulo ko sa sobrang sakit. Papunta na sana ako sa cr ng bigla nalang akong matumba buti nalang at agad akong napahawak sa study table ko.


Napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ko ng may kumatok.

"Couz, nandito ka ba?" dinig kong tanong ni Sunny.

Gusto ko magsalita pero sobrang hina ko talaga ngayon.

"Couz!" sigaw ni Sunny ng makapasok siya sa kwarto ko.


"Omayghad anong nangyari sayo?" nag-aalala niyang tanong tsaka ako tinulungang makaupo sa kama ko.

"Nahihilo ako couz, ang sama ng pakiramdam ko." nanghihina kong sabi.


"Hintayin mo ako diyan." sabi pa niya tsaka nagmadaling lumabas ng kwarto ko.

Ilang minuto lang naman ay bumalik na si Sunny na may dalang noodles at gamot.

"Kainin mo muna ito at pagkatapos inumin mo itong gamot para mawala ang sakit ng ulo mo." sabi niya naman.

Tumango naman ako. "Salamat." dagdag ko pa.

Ang hirap talaga kapag malayo yung mga magulang mo. Wala kang mapagsabihan ng kung anong nararamdaman mo. Namimiss ko na tuloy sila.

Nang matapos ko namang kainin yung noodles at inumin yung gamot ay medyo umokay na ang nararamdaman ko. Baka nalipasan lang ako ng gutom? Hay, kumain ba ako kagabi? Aish! Bakit hindi ko matandaan.

Si Couz naman pumunta na sa cafe, ako naman nagplantsa na ako ng uniform. Kailangan ko kasing pumasok ngayon sa school para ipasa yung special project ko. Halos busy kasi kami sa mga guestings, tapings, recordings and practice kaya madalang nalang ako makapasok sa school same as Aeign. Buti nalang at pinagbibigyan kami ng mga prof namin. Medyo mahirap nga lang lalo na at graduating na kami.

Napatingin naman ako ng umilaw yung phone ko. Agad ko naman itong kinuha at sinagot ang tawag without knowing the caller.

"Hello?" sabi ko pa.

"Nak, Si mama ito. Kamusta ka na?" napasinghap naman ako ng marinig ang boses ni Mama. I miss her. I miss them ni Dad.

Pinigilan ko naman ang aking iyak. "Im okay ma. Kayo pa ni Dad musta na dyan?" dagdag ko pa.

"Were fine naman nak. Ito gustong gusto na naming umuwi diyan para makasama ka. Kaso ang dami pang trabaho e." sabi naman ni Mama sa kabilang linya.

"I see ma." sabi ko nalang.

"Are you sure you're okay?" nag-aalalang tanong ni Mama.

"Opo." sagot ko naman.

"Kayo ni Blas nak, musta na?" I forgot hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya.

"Wala na po kami ma." sabi ko naman.

"Huh? Kailan pa nak? Bakit? Anong dahilan? Okay ka lang ba?" that's why I don't want to tell her. Alam ko kasing mag-aalala lang siya.

"Ma kalma, okay na ako. It's been a year. Move on na ako, besides Blas and I were still friends. Kaya okay na ma." sabi ko naman. Gustuhin ko mang maging masaya pero namimiss ko na talaga sila. I badly want to see them.

Only Reminds Me Of You Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora