Chapter 10: Worth ~

90 4 0
                                    

Celestiene.


Pagkadating namin ni Brian sa rehearsals room nandun na ang lahat. Sina Mike and Ianne and ang buong Xhibit. Kami nalang pala ni Brian ang kulang. Good thing eh wala pa si Miss Elle baka kasi mabeastmode na naman siya sa amin dahil mas nauna pa ang Xhibit.

"Anong meron at magkasama kayo?" bungad na tanong sa amin ni Mike na katabi si Ianne na kumakain ng chips. Tinignan naman ako ni Brian.

"Nakita ko lang siya sa university kanina kaya sinabay ko na." he lied. Nakita daw? Eh sabi niya kanina hinintay niya ako. Iniwan ko naman siyang nakatayo dun at tumabi kay Ianne.

"Kain na muna tayo ng lunch, then pag nandyan na si Miss Elle we will start our practice." nagkatinginan naman kami ni Markus dahil sa sinabi ni Ryker. Si Markus naman pumalakpak pa.

"You're improving Ry. More than 10 words yun oh!" pang-aasar ni Markus kay Ryker. Sabi na pareho kami ng napansin ni Markus e. Mostly kase pag nagsalita si Ryker wala mang 10 words eh. Kung baga parang shino shorcut niya ang lahat ganun.

"Shut up!" sabi naman ni Ryker kay Markus. Si Adrian naman tinignan ng masama si Markus as a sign to stop.

"Okay fine." natatawang sabi naman ni Markus. Si Blas? Ayun tahimik. Medyo nawala na yung tensyon sa amin ni Blas dahil back to normal again. Walang pansinan effect. Buti naman at after nung tensyon sa aming dalawa walang tinanong yung mga kasama ko even Miss Elle kahit alam kong gustong gusto na nilang malaman kung ano ko nga ba si Blas at kung bakit ganun ang naging sagutan namin nung isang araw. But as what I have said earlier, okay na. At mas okay ng hindi kami magpansinan ulit kaysa naman sa laging may tensyon sa aming dalawa.

"Tara na andyan na yung foods." sabi naman ni Adrian kaya lahat kami lumabas na ng rehearsals room at pumunta sa office ni Miss Elle.

Habang kumakain naman kami lahat tahimik. As in maririnig mo lang yung tunog ng kutsara at tinidor. Anyare? Parang ang bigat at ang awkward ng atmosphere ngayon.

"Uy Brian! Ano yang dala mong box?" pagbabasag sa katahimikan nk Mike. Ang gago mo Mike! Sana pala hindi ka nalang nagsalita at mas okay ng tahimik. Ang daming mapapansin yung box pa.

"Ah ito. Bigay ni Celest." sagot ni Brian. Si Markus naman nabilaukan. Inabutan naman siya ng tubig ng kambal niyang si Adrian.

"Seriously babes! Anong meron at bakit siya lang ang binigyan mo?" tanong naman ni Markus.

"What a babe!" pabulong na sabi ni  Blas pero halatang narinig naman ang lahat. I just rolled my eyes on him.

"Markus thanks offering ko lang ito yun Brian." sabi ko naman.

"And why would you thank him?" sunod na tanong ni Markus. Kulit talaga nito.

"Markus masyado ka ng madaming tanong. Kumain ka nalang." sabi naman ni Adrian. Thanks for saving me Adrian. I hope we'll be friends again.

Tumayo naman ako para bumili ng maiinom sa labas. Palabas na sana ako ng magtanong na naman si Markus.

"Babes where are you going?" tanong niya.

"May bibilhin lang." sabi ko naman at lumabas na.

"Wait for me!" sigaw pa niya tsaka siya sumama sa akin.

"Ikaw alam mo kahit kailan napakakulit mo!" sabi ko tsaka siya piningot.

"Aray ko naman!" reklamo niya naman. Natawa lang naman ako dahil sa expression niya.

Inakbayan niya naman ako habang naglalakad kami. Ganito kasi talaga ito kahit dati pa sweet sa lahat lalo na sa mga close niya.

"Babes nakamove on ka na ba?" nabigla naman ako sa tanong niya.

Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now