Chapter 30: Tagpuan ~

86 3 0
                                    

Chapter 30: Tagpuan ~

Song for this chapter: Tagpuan by Moira Dela Torre.

Sharlene's Point of View.

"Good morning U.S.A!!" masaya kong sigaw pagkagising ako. Agad naman akong bumangon at umupo sa tapat ng salamin.

May buhok na ulit ako.

Nawala na yung pagka pale ko.


Yung skin ko wala ng red spots or pasa.

Im definitely okay. And Im so happy for my recovery.


Three months ago nag undergo ako sa bone marrow transplant. Tumagal din ng two months ang paghihirap ko bago sila tuluyang nakahanap ng ka match ko. Kaya laking tuwa ko ng may mahanap sila at tuluyan na akong gumaling. Ngayon naman muli na akong nagpapalakas.

Lumabas naman ako ng kwarto ko at pumunta sa veranda. Napangiti ako ng makalanghap ng sariwang hangin. I miss this life. Lalo na ang buhay na naiwan ko sa Pilipinas.

5 months na din kaming nagiistay ng family ko dito sa America. Since lumala kasi yung leukemia ko, agad na nila akong ipinunta dito para magpagamot. Successful naman pero syempre namimiss ko pa din ang Pilipinas, lalo na hindi man ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko lalo na kay Aeign.


I sighed when I remember him.


5 months ko na din siyang hindi nakikita. Kamusta na kaya siya? Since pumunta kasi kami dito pinagbawalan na ako ng parents ko na humawak muna ng kahit na anong gadgets. Baka daw kasi makasama sa kalusugan ko. Kaya naman wala kaming communication ni Aeign. But Im sure, he will understand that kapag nagkita na kami ulit. Besides, nagpagaling naman din ako para sa kanya.


Napatingin naman ako sa suot kong singsing.


"Hintay lang Aeign, magpapakasal na tayo pag-uwi ko diyan."

Nagulat naman ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Mama sa kwarto.

"Shar, pack your things. May surprise kami ni papa mo sayo." masayang sabi ni Mama.

Mabilis naman akong lumapit sa cabinet ko at kinuha ang maleta ko.

"Sige ma." masigla ko pang sabi.

"Ano kaya yung surprise nina Mama? Uuwi na ba kami sa Pilipinas? Ayy excited na akoooo!"

Nagmadali naman akong mag-ayos ng gamit ko tsaka na din ako naligo at nagbihis. Pagkatapos nun bumaba na ako at nadatnan ko sina mama at papa sa baba na naka ayos na din ang mga gamit nila.

"Pinayagan ka na ng doctor mo na makabiyahe." sabi ni papa at lumapit siya sa akin.

"Uuwi na tayo ng Pilipinas!" dagdag pa niya. Napayakap naman ako sa kanya sa sobrang saya.

Nakita ko namang napaiyak si Mama. "Oh ma? Okay ka lang?" tanong ko at nilapitan siya.


Tumango naman siya. "Oo nak. Masaya lang ako kasi okay ka na." sabi pa niya habang umiiyak pa din. Niyakap ko naman siya.

"Strong ako ma diba? Ako pa ba." biro ko pa.

"Tara na sa airport? Baka mahuli pa tayo sa flight." sabi naman ni papa kaya naman pumunta na kami sa airport.




———

"WELCOME HOME SHAR!!" sigaw ng mga kaibigan ko ng buksan ko ang pinto dito sa dati naming bahay. Laking gulat ko naman ng makita ko sila dito.

Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now