Chapter 5: Destined to meet? ~

113 1 0
                                    


Celestine.


"Manong dito nalang po." sabi ko sa taxi driver at nagbayad na bago bumaba. Nandito ako ngayon sa cafe ni Sunny. Dito kasi yung meeting place namin kung saan ako nakapasa sa audition. Medyo sikat kasi itong cafe ni Sunny kaya halos dito ang happenings. Kapasok ko sa cafe nakita ko na sina Ianne and Mike na kasama ko ding nakapasa sa auditon. Apat daw kami kaso yung isa ngayon palang ipapakilala sa amin.

"Couz!." salubong sa akin ni Sunny nang makalabas siya sa kusina. Nilapitan ko naman siya at bineso.

"Im so proud of you. Galingan mo ha." nakangiti niyang sabi sa akin.

"Gagi meeting lang namin ngayon." sabi ko naman.

"Basta galingan mo pa din. Kabugin mo lahat. Para ma who you mo si Blas pag sikat ka na." napatigil naman ako ng marinig na naman ang pangalan niya. Pati si Sunny napahinto din.

"Ay sorry hehe peace. Sige may lulutuin pa ako. Mamaya nalang." sabi niya at nagmadali siyang bumalik sa kusina niya. Ako naman nilapitan ko sina Mike and Ianne na umiinom ng frappe.

"Uy Celest musta." tanong ni Ianne. Her name pronounce as Yan. Ewan ko ba at ang hirap pa ng spelling ng name niya.

"Okay lang. Thank you for asking." sabi ko naman. Medyo awkward pa kase second meet palang namin ngayon.

"Humihinga pa ba?" pagbibiro naman ni Mike. The joker!

"Sira." sabi ko naman. Palabiro talaga itong si Mike kahit na nung first meet palang namin. Feeling close masyado. Pero mabait naman.

Maya maya lang naman ay dumating na ang manager ng Star Management which is si Miss Elle na nasa 20+ palang.

"Oh goodmorning to my stars. Hmm, I want you to meet ang isa pang star na makakasama nyo sa journey nyo." sabi ni Miss Elle kasabay nito ang pagbukas ng pinto at pumasok ang isang lalaki. Nashookt naman ako when I saw him.

"I want you to meet Mr. Brian Hernandez" sabi ni Miss Elle.

"Hello sa inyo." bati naman sa amin ni Brian. Yung dalawa naman ginreet si Brian habang ako nagsmile lang. So nakapasa din pala siya.

"Have a seat Brian. We will start our meeting." sinunod naman ni Brian ang sinabi ni Miss Elle kaso nakakaasar sa tabi ko pa siya umupo.

"Para balance. Ang pangit naman tignan kung wala kang katabi." bulong nito sa akin. Yung table kase namin is good for 6 persons. Si Miss Elle nasa gitna while sina Mark and Ianne tabi sa right side while kami ni Brian nasa left side.

I just smile. Diko alam kung mind reader ba ito.

"Psycho student ako." dagdag pa niya. Nagulat naman ako dahil dun.

"So sa aking mga stars. Nagpatawag ako ng meeting because I have a goodnews para sa inyo." masayang sabi ni Miss Elle.

"Ano po yun Miss Elle?" tanong ni Mike.

"Yung kaibigan ko gusto niya na magperform kayo sa ioopen niyang resort sa Batangas next week!" masayang sabi ni  Miss Elle. Lahat naman kami nagulat.

"Miss Elle seryoso po ba yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Ianne.

"Uhuh. So stars, first break nyo ito. So please give your best shots para mas makakuha kayo ng maraming raket. Okay?" sabi ni Miss Elle.

"Yes Miss Elle. 100 ℅ sure we will give our best." confident na sabi ni Brian.

"Aasahan ko yan mga stars." sabi ni Miss Elle.

Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now