Chapter 12: Feelings ~

89 5 0
                                    

Celestine.


"Couz ang dalang mo nalang bumisita dito tulala ka pa!" nagulat naman ako ng batukan ako ni Sheens. Nandito kasi ako ngayon sa cafe niya since half day lang ako sa school. Tsaka mamaya kasi may meeting kami with Miss Elle dito kaya naman pumunta na ako kahit maaga pa.

"Couz hindi pa rin kase ako makapaniwala e." sabi ko naman kay Sheens. Hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwala na si Aeign at Nash ay iisa lang pala.

"Ano ba yan? Bakit hindi ka makapaniwala? Everytime na kausap kita yan nalang lagi sinasabi mo." sabi niya naman.

Hinila ko naman siya at pinaupo sa tabi ko. "Aray ha! Masakit!" reklamo niya.

"Eh kasi naman couz!! Whaaaaaaa! Si Nash at Aeign iisa lang." nagulat naman siya dahil sa sinabi ko.

"Omg! Couz! For real? Si Nash ane Aeign na kababata mo iisa lang?" hindi niya makapaniwalang sabi. Tumango naman ako.

"Oo nung isang araw dun niya lang sinabi matagal niya na palang alam. Ang loko hindi man lang ako sinabihan." sabi ko naman.

"Ayieeee. Tampo na si Couz!" pang-aasar niya naman.

"Ha. Ha. Sige lang mang-asar ka aalis ako dito." sabi ko naman.

"Wow ha! At ikaw pa talaga ang nanakot." sabi niya naman. Inirapan ko nga.

"Pero wait couz! Kung si Aeign at Nash ay iisa. It means si Nash ang first love mo?" nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. Agad ko tuloy natakpan yung bibig niya ng kamay ko.

"Ano ka ba couz! Wag ka maingay." sabi ko naman. Tinanggal niya naman ang kamay ko sa bibig niya.

"Omg na talaga couz! My NashLene heart myghad sabog na." natawa naman ako sa sinabi niya.

"Baliw. NashLene ka diyan! Ginawan mo pa kami ng loveteam." sabi ko naman.

"Hay nako couz! Wag mo na ideny, first love mo naman talaga yun eh. Kaso nga diba nang maghighschool lumipat siya ng school at nawalan kayo ng communication tas ikaw nang magcollege pumunta sa Paris. Pero tignan mo ngayon couz nagtagpo pa din kayo." kinikilig na sabi ni Sheens.

"Pinagtagpo at itinadhana lang peg nyo. #NashLeneWins!" dagdag pa niya.

"Anong #NashLeneWins?" pareho naman kaming napatingin sa kakadating na si Nash.

"Ah wala binibiro lang kita sa pinsan ko. Ikaw Nash ha. Ikaw din pala si Aeign. Ang My Aeign ni Sharlene." natawa naman si Nash sa sinabi ni Sheens.

"Oo ako nga." natatawang sabi naman ni Nash at tumabi sa akin.

"Ayieee. Perfect." pang-aasar pa ni Sheens.

"Sira!" asar ko namang sabi. Lakas ng trip eh! Bwisit!!

"Osige na madami ng customer wait lang. Pagpeprepare ko na din kayo ng meryenda." paalam naman ni Sheens at pumunta na siya sa kitchen niya.

"Pagpasensyahan mo na yung pinsan ko na yun. Baliw lang talaga." sabi ko naman kay Nash.

"Ano ka ba naman okay lang yun." sabi niya naman.

"Ito na po. Presenting destiny ice cream." sabi ni Sheens na may dalang dalawang cup ng ice cream.

"Wow destiny ice cream. Kapag ba kinain ko ito mahahanap ko na ang destiny ko?" tanong ni Nash kay Sheens pero sa akin siya nakatingin.

"Alam mo Nash kahit hindi ka na kumain niyan okay lang. Nahanap mo na din naman si destiny mo eh." sabi naman ni Sheens.

"Madami kang customers. Alis diyan!" pagtataboy ko naman sa kanya. Natatawa naman siyang bumalik sa kitchen niya.

Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now