Chapter 16: Last day ~

84 3 0
                                    

Chapter 16: Last day ~

Nash's Point of View.

Pagkagising ko namalayan ko na wala na sina Mike at Xhibit sa mga kama nila. Ang aga naman ata nilang nagising? Napatingin naman ako sa orasan na kaharap lang ng kama ko.

10:10 am.

Wtf!! 10 na nga ng umaga. Nagmadali naman akong maghilamos tsaka na lumabas ng kwarto. Sa di kalayuan nakita ko silang lahat na nasa pool area. Yung iba nagluluto at yung iba naman nagsiswimming.


"Oy Nash!" sigaw ni Markus nang makita ako. Kaya naman lumapit ako sa kanila.

"Tara swimming." pag-aaya naman ni Ryker.



"Maya nalang." sagot ko naman tsaka nilapitan si Sharlene na kasalukuyang nagluluto kasama si Zack.


"Shar tama ba itong ginagawa ko?" tanong ni Zack kay Shar habang naghihiwa ng sibuyas.


"Oo yan ganyan nga. Hiwain mo lang ng maliliit." sagot naman ni Shar. Napatingin naman siya sa akin ng makita ako.


"Uy Aeign mukhang napasarap ang tulog mo ha!" pang-aasar pa siya. Nagsmile lang naman ako.

"Gusto ko din tumulong. Ano pang pweding gawin?" tanong ko sa kanila.


"Bro ikaw nalang maghiwa sa mga ito. Pinapaiyak ako eh." sabi naman ni Zack na nagpupunas ng luha. Natawa tuloy ako sa kanya.


"Ayaw ko na Shar. Si Nash nalang dito ha." sabi pa niya tsaka na naghugas ng kamay at umalis.


"Nakakatawa naman yun." natatawang sabi ko naman kay Shar.


"Bakit ikaw marunong ka ba?" Shar asked. Tumango naman ako.


"I know how to cook. Remember pangarap ko magkaresto." sabi ko naman sa kanya. Tumango lang naman siya.


Nang matapos na naming iluto ang spaghetti ay kumain na kaming lahat. Last day na din namin ngayon dito sa Batangas, at mamayang hapon ay uuwi na din kami kaya naman sinusulit na namin ang last day namin dito.

"Shar the best ka talaga sa pagluluto." sabi pa ni Markus kay Sharlene.


"Oy kasama niya akong magluto no." sabi ko naman.


"Whatever bro!" sabi naman ni Markus. Aba't nakakaasar din ang isang to eh.

Pagkatapos naman naming magluto ay naisipan naming mag jamming. One o'clock na din kasi. Kaya ayaw naming lahat magswimming dahil tirik na tirik ang araw. Kaya naman jamming nalang daw. Buti nalang at may mga videoke dito ang bawat nipa house.


Unang kumanta sa amin si Miss Elle. Napagtripan kasi namin siya kaya siya ang una naming kumanta. Pumayag naman siya since once in a lifetime lang naman daw ito.


Kinanta niya naman ang Long Distance ni Bruno Mars. Ldr daw kasi sila ng jowa niya kaya feel niya yung kantang yun. Naiyak naman siya sa last line ng kanta.


"Hay pina iyak niyo pa ako." sabi pa niya habang tumatawa. Nilapitan naman namin siya at ginroup hug.

Next naman na nagprisintang kumanta ay ang Xhibit.

[ Now playing: Akin Ka Nalang by Xhibit ]

Oh God! Isa ito sa mga favorite kong song nila. The lyrics was so good. Tagos sa puso.

Nakita ko naman na tinignan ni Blas si Shar bago siya nag-umpisang kumanta. Si Sharlene naman agad na nag-iwas ng tingin. Honestly, idol ko si Blas because he's so good in singing. Pero sa kabilang banda, I hated him a lot. I hated him a lot cause he's hurting My Shar. What a gago diba!!


Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now