Chapter 29: Goodbye ~

82 4 0
                                    

Chapter 29: Goodbye ~

Sharlene's Point of View.

After 3 days ay inilabas nila ulit ako sa hospital dahil hiniling ko sa parents ko. Yung mga doctor ko sabi naman nila wag muna baka daw makasama sa lagay ko. But I don't care! Kung mamatay man ako, gusto ko may masaya akong mga memories na babaunin kasama ang mga mahal ko sa buhay. Ayaw kong magstay sa hospital na yun kung saan puro sakit at pighati lagi ang nararamdaman ko.

Nang makausap ko yung nurse ko ang sabi niya umabot na sa stage 4 ang cancer ko. At sa ganitong stage daw, madalang nalang makasurvive ang cancer patient. Hindi na din naman ako namamag-asa na gagaling pa. Himala nalang talaga kapag nangyari pa yun.

Umupo naman ako sa upuan at tumapat sa salamin na malapit sa cabinet ko. Im so pale. Yung buhok ko unti unti na ding nalalagas kaya naman may suot akong black beanie. Ang laki na din ng ipinayat ko.

Hay.

Ibang iba na talaga ako kumpara sa dati. Pero sisikapin kong bumalik dun sa dating ako. Mahirap man pero pipilitin ko.


Napatingin naman ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Si Sheena may dalang favorite cake ko.

"Couz namiss kita!" sabi pa niya at niyakap ako.


"Namiss din kita couz!" sabi ko naman.

"Ito oh, may dala ako ng favorite cake mo. Tara kain tayo?" pag-aaya niya. Tumango naman ako at umupo kami sa sofa na katapat ng TV.


"Musta na cafe mo?" pangangamusta ko naman sa kanya.


"May tatlo na akong branch ngayon. Sayang lang hindi ka na nakapunta sa mga openings nun." medyo may bakas na lungkot naman sa pagkakasabi niya.


"Sorry na. Pero promise pag magaling na ako, pupunta ako sa pang-apat na branch mo." sabi ko naman na siyang ikinasaya niya.


"Yey! Sabi mo yan ha. Panghahawakan ko yang promise mo!" masayang niyang sabi. Kaso hindi ko alam kung gagaling pa ako. Sa harap nila lagi akong ganito, kunwari matapang, kunwari masaya, kunwari okay lang ang lahat. Pero deep inside unti unti na akong pinapatay sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Kaso ayaw ko ng ipakita sa kanila yun na apektado ako sa sakit ko, kase alam kong masasaktan lang sila at kakaawaan lang nila ako.


"Yung xhibit musta na? Wala na akong balita sa kanila." sabi ko naman at kumain ng cake na dala niya.


Medyo lumungkot naman siya. "Nadisband na ang xhibit. Yung kambal kasi nakakuha ng break sa Korea kaya dun na sila naging artista. Si Ryker naman sa pagkakaalam ko pinagpatuloy niya yung family business nila. Habang si Blaster naman ay nagpatuloy siya sa showbiz. Solo artist na nga lang. And dun sa dalawa kong branch nagfranchise siya dun." pagkukwento naman ni Sheena.


"Sayang naman disbanded na sila." malungkot kong sabi. Nakakalungkot lang kase afterall, they are my friends. Sayang din yung band nila. And I miss them so much. May years na ata na hindi ko nakikita ang mga loko na yun. And I don't even know kung alam nila ang tungkol sa sakit ko.

"Namimiss mo sila?" tanong ni Sheena sa akin. Tumango naman ako.


"It's been a year couz since nakita ko sila. I miss them." malungkot kong sabi.

"Si Blas lang ang pwede kong tawagan e. Gusto mo ba siyang makita?" tanong niya naman. Napatingin naman ako sa kanya.

"Alam ba niya ang tungkol sa sakit ko?" tanong ko naman. Umiling naman siya.

Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now