Chapter 23: Get Together ~

70 2 0
                                    

Chapter 23: Get Together ~

Sunny's Point of View.

"Guys yung food okay na ba?" tanong ko sa mga kasama ko. May get together kasi kaming NashLene ngayon. And syempre bilang admin, ang ate niyo ang incharge mag-ayos sa lahat.

"Okay na! Ayos na lahat ng foods and drinks." sabi naman ni Jennia, isa sa mga co-fangirls ko.

"Yung mga gagamitin sa games and other things? Settled na ba?" tanong ko sa kanila.

"Yah. Yah. Yah. Okay na lahat." sabi naman ni Kurt, isa sa mga fanboy. Pero pusong fangirl. If you know what I mean hehe.

Napatingin naman ako sa phone ko nang magvibrate ito.

From: Couz Sharlene.

Malapit na kami ni Aeign.

——

To: Couz Sharlene.

Sige, ingat kayo!!

"Guys malapit na daw sila! Mag-ayos na." sigaw ko sa mga kasama ko. Lahat naman sila biglang naexcite na.

Mga 5 minutes lang naman ay dumating na nga sila. Halos lahat naman ng mga kasama ko yumakap sa kanila. Si Sharlene naman nilapitan ako.

"Thanks for this couz!" sabi pa niya at niyakap ako.

"Ano ka ba! Wala to. Sabi ko naman sayo ako magiging admin ng fandom niyo e." natawa naman siya sa sinabi ko.

"Salamat ulit!" sabi pa niya.

"Let's start the party!!" sigaw ko naman kaya halos nagsigawan na ang mga kasama ko. Yung dalawa naman pinaupo ko sa taas ng mini stage na ginawa namin.

Una naming ginawa is, may pinanuod na video sa kanila. Actually video and mga pictures nila ang mga yun since bata sila. Syempre pinsan ko si Sharlene, isa pa friends ko naman din nun si Nash kaya bawat memories nila o namin ay may copy ako. Hilig ko din nun kase silang kuhaan ng pictures o video dahil since bata palang kami boto na kami sa dalawang ito.

Natawa naman sila sa mga ibang videos. Eh kasi naman ang bata bata pa nila dun. Hahahaha ang saya lang nilang tignan.

"Grabe ka Sunny! Bakit mo nilabas to?" natatawang sabi ni Nash sa akin ng mapanuod yung video nila ni Shar nung bata. Paano dun sa video, inaway dun si Nash ng mga kalaro namin tapos si Shar pa ang nagtanggol sa kanya.

"Okay ngayon, let's do the —"

"FAST TALK!!" pagtutuloy naman ng kapwa ko Nlers.

"Ang energy ha!" biro ko naman sa kanila.

"Okay, Let's do the #Fastalk With NashLene!!" dagdag ko pa.

"So first is, may tatlong NashLeners muna ang magtatanong sa inyo. Ang una is si Jen." pagbabasa ko sa name nung fangirl nakasulat sa ginawa naming program. Masaya namang lumapit si Jen sa may harapan. Inabutan ko naman ng mic yung dalawa na nasa stage. Si Nash naman inamoy pa yung mic.

"Baho nito." pagbibiro pa niya. Ako kasi yung last gumamit nun.

"Sama mo! Hindi na ako boto sayo para sa pinsan ko." sabi ko naman.

"Syempre joke lang yun. Hindi ka mabiro." sabi niya naman. Takot niya nalang hahah

Question from Jen: Ano sa tingin nyo ang meron kayo bakit gusto kayo ng maraming tao?

Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now