Chapter 2: Cafe ~

136 5 0
                                    

Celestine.

"Kape oh. Para magising ka naman sa katotohanang hindi ka na niya babalikan pa." sabi ng pinsan kong si Sunny at inilapag ang kape sa harapan ko.

"Thank you sa pag paalala Sunny!" sarcastic kong sabi sa kanya.

"Akala ko naman magpapasalamat ka sa kape. Anyway you're welcome couz." sabi niya naman at tinabihan ako. Nandito kasi ako ngayon sa Cafe niya. Buti pa siya kahit college student palang may business na. Eh ako broken na nga wala pang business. Hustisya please!

Tinikman ko naman yung kapeng tinimpla niya. Muntikan ko naman itong maibugha sa kanya dahil sa tapang ng lasa.

"Oh okay ka lang?" tanong pa niya at inabutan ako ng tissue.

"Seriously Sunny! Ano bang nilagay mo sa kape na ito at ang tapang ng lasa?" I said and rolled my eyes on her. Kainis!

"Sinadya kong tapangin yan. Para tumapang ka din. Dinaig ka pa ng kape oh!" sabi niya naman binatukan ko nga.

"Ha. Ha. Funny!" asar kong sabi.

"Hindi kasi ako nagpapatawa. Seryoso ako. Ilang months na ba? One, two, three. Ay mali Four months na nga pala. Four months ago na ng iwan ka ni Blaster pero ikaw ayan. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Kung makaiyak ka wagas pa din. Celestine naman, tama na. Ubos lagi load ko sayo para lang kamustahin kung okay ka e." well totoo kasi yun four months na and yet ako heto, naghihintay pa ring balikan niya. That's why Im so blessed to have this girl kasi go siyang kamustahin ako lagi para lang masiguro na okay pa ako. That's why Im really thankful to have a cousin like her.

"Don't worry papaloadan nalang kita." pagbibiro ko pa.

"Sira ka talaga! Pero girl move on ka na. Hanap ka nalang ng iba." sabi niya naman.

"Ayaw ko nga. Hindi pa ako ready." sabi ko naman

"Hindi pa ready na palitan siya?" tanong niya naman. Tumango naman ako.

"Girl naman nakalagpas ka na sa 3 month rule oh. Hanap ka na!" pang-aasar pa niya.

"Ayaw ko." sabi ko ulit.

"Hanap ka na!" pangungulit niya.

"Ayaw ko nga kulit nito!" sabi ko naman

"Okay. Kung ayaw mong maghanap. Ako nalang ang maghahanap para sayo." sabi pa niya.

"Tumigil ka Sunny Santos!" pang-aasar ko. Ayaw niya kasing tinatawag siya sa fullname niya e.

"At dahil nang-asar ka. Itutuloy ko yun." sabi pa niya

"Ewan ko sayo!" sabi ko naman at nagbrowse nalang sa facebook ko. Natawa naman ako dun sa mga nakita kong conversation dun sa Near Group.

"Ayan. Ganyan nga magmove on. Magnear group kana. Dali malay mo nandyan talaga si forever mo diba." sabi niya naman.

"Siraulo ayaw ko! Umalis kana nga dito sa tabi ko. Ipagtimpla mo nalang ulit ako ng kape." sabi ko at pakunwari siyang tinulak.

"Yung mas matapang pa ba!?" pang-aasar niya bago siya tuluyang makapasok sa kitchen niya.

Pinagpatuloy ko naman ang pagbrowse ko sa facebook ko, good thing may free wifi dito sa Cafe ni Sunny. Napastop naman ako when I saw his picture. His picture together with his band, Xhibit.

Natupad na ang pangarap niya.

Pero ako?

Hindi pa nakakamove on sa nangyari.

Pumunta naman ako sa gallery ko at tinignan na naman ang mga pictures namin. Buti pa yung mga pictures nandito pa. Samantalang kami, wala na. Sana pala pictures nalang kami, edi sana tumagal pa kami. Hays :(

"Ateng hindi pa nakakamove on sa ex niya, heto na po ang coffee niyo." pang-aasar na naman ni Sunny. Natawa nalang ako at kinuha yun. Agad din siyang bumalik sa kitchen kasi medyo dumami yung mga customers niya.

"Girls yung Xhibit omg may meeting daw sila ngayon dito." napatingin naman ako dun sa mga babaeng nagtitilian sa may likod ko. Teka? Tama ba ang dinig ko? Xhibit! Yung group ni Blas?

"Girls ayan na silaaa!!" napatingin naman ako sa may labas at may Van nga doon ng Xhibit. Agad naman akong tumayo at lumabas sa may likod na pinto nitong cafe. Hindi na ako nagpaalam kay Sunny dahil baka maabutan pa ako ni Blas na nandun. After our break up kasi never ko pa siyang nakita sa personal. Halos sa TV lang lagi and sa mga social media. Agad naman akong pumara ng taxi at nagpunta sa condo ko.

Napahiga nalang ako sa kama ko ng makadating na ako sa condo.

Blas. Blas. Blas. Hanggang kailan ba ako magiging ganito dahil sayo? Aish!

Naghilamos na ako tsaka sinuot yung stitch kong pajama. I love stitch kasi. And I have a lot of stitch stuff na bigay ni Blas. Oh diba pano ko naman itatapon mga yun kung love ko si Stich? Sayang.

Lumabas naman ako ng kwarto tsaka kumuha ng chips and soda at pumunta sa sala. Inopen ko yung tv at bumungad sa akin ang balita na kung saan kasalukuyang ginaganap ang meeting nina Blas.

Reporter: Kasalakuyang may meeting ngayon ang bandang Xhibit dito sa Seventeen's Cafe. Madami din sa kanilang taga hanga ang nandito para masulyapan ang kanilang mga iniidolo.

Maya maya naman ay natapos na ang kanilang meeting. Yung mga reporters naman agad na lumapit sa kanila to ask some questions.

Reporter: Xhibit totoo ba na lahat kayo wala pang mga girlfriends?

Ryker: Yes that's true.

Ryker Mendez. Their Leader.

Reporter: Pero totoo rin bang Blaster Cullen and Hershey Manalo are dating?

Medyo kinabahan naman ako dahil dun. Sana hindi. Sana hindi ang isagot ni Blas.

Blaster: Yes were officially dating.

Malakas na sigawan naman ang natanggap nito mula sa mga fans nilang nandun. Then after nun pumasok na din sa Van ang Xhibit at umalis na.

Bawal palang makipag girlfriend huh?! Nice!! Bawal but now, here he is. Nakikipagdate na sa iba. Sabagay ano nga ba namang panama ko sa isang sikat na si Hershey Manalo. You're nothing compared to her, Tine. Isa kalang hamak na ex na hindi na niya babalikan pa. Ang happy talaga ng life hay!

Maya maya naman biglang may commercial na nagflash sa TV. It's a commercial were in naghahanap sila ng singer songwriter. 15-19 years old ang kanilang hinahanap.

All aspiring teen stars. Be part of our family. Dream High and together let us Shine. Dream Big and Be a Superstar! On March 31 we will be having audition in Marquee Mall Pampanga. See you there!

Medyo napaisip naman ako because of that commercial. I love writing songs and I can also sing. Lord ito na po ba ang calling ko? Please give me a sign.

Sunny Santos calling.....

--- Phone Call ---

Me: Why girl?

Sunny: Girl may nakita akong commercial oh! Searching na sila for the next superstar. Audition ka na. Help kita.

Ito na ba yung sign mo Lord?

Me: Sige. Magaaudition ako.







Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now