Chapter 11: My Celest & My Aeign ~

109 5 0
                                    


Brian.

Kaya naman naisipan ko munang umuwi sa bahay talaga namin since matagal na din akong hindi nakakapunta dun dahil sa mga practice namin and sa school.

"Kuya!" salubong sa akin ng nakababata kong kapatid, si Chloe. Agad niya naman akong nilapitan at niyakap.

"I miss you babygirl. Nasaan si mama?" sabi ko sa kanya

"I miss you too Kuya. Nandun po siya sa loob nagluluto." sabi pa niya tsaka siya nagpabuhat sa akin papasok. Nakita ko naman si Mama na nasa kitchen na nagluluto. Tuwang tuwa naman siyang lumapit sa amin ni Chloe ng makita ako.

"Anak!!" salubong niya tsaka ako niyakap.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka pala." dagdag pa niya.

"Syempre ma! Surprise!" ibinaba ko naman si Chloe tsaka nagmano kay mama.

"Nasaan po si Mamang?" tanong ko sa mama ko. Im referring to my Lola, mamang kasi ang tawag ko sa kanya. Sila nalang kasing tatlo dito sa bahay since my father left us. Bread winner din ako sa family namin kaya naman ginagawa ko ang lahat for them.

"Natutulog siya dun sa kwarto niya nak eh. Alam mo miss na miss kana ni mamang mo." sabi naman ni Mama.

"Namimiss ko na din po kayo." sabi ko naman kay Mama tsaka siya niyakap. Once a month nalang kasi ako kung umuwi. Sa condo kasi namin ni Alexa dun ako umuuwi dahil mas malapit sa university and sa office ng Stars Management.

"Kamusta ka na nak? Ano ng balita?" tanong ni Mama sa akin at pumunta kami sa kitchen. Si Chloe naman ay pinaghanda ako ng sandwich amd juice.

"Okay lang ma. Medyo pagod lagi dahil sa practice. Malapit na din kasi yung event namin tapos sa school madami ding ginagawa e." pagkukwento ko kay Mama.

"Naku nak. Wag mo papabayaan sarili mo ha! Pero maiba tayo, doon ka pa rin ba tumitira sa condo niyo ni Alexa?" tanong ni Mama.

"Opo eh. Hindi niya pa din kasi tanggap ma. Natatakot din ako na kapag umalis ako dun baka kung anong gawin niya sa sarili niya." sabi ko naman.

"For sure darating din ang araw na maiintindihan lahat yan ni Alexa nak. At darating yung araw na kailangan mo na talaga siyang iwan." sabi naman ni Mama.

"Sige ma hayaan mo. Kakausapin ko po siya pagkauwi ko dun." sabi ko naman.

"Kuya here oh para sayo." sabi naman ni Chloe at iniabot niya sa akin ang ginawa niyang juice and sandwich.

"Thank you babygirl! Tara help kuya dun tayo sa kwarto ko." sabi ko kay Chloe. Siya naman dinala yung juice ako naman yung sandwich.

"Ma akyat muna po kami." sabi ko naman kay Mama.

"Sige nak. Tawagin ko nalang kayo kapag kakain na." sabi naman ni Mama. Kami naman ni Chloe umakyat na sa kwarto.

Si Chloe naman nag ayang maglaro. Pinagbigyan ko naman since madalang ko nalang din siyang makasama. I really missed them so much. As much as I want to,  gusto ko lagi silang makasama kaso hindi pa pwede dahil sa dami ng ginagawa ko.

Nang magtanghali naman ay bumaba na kami ni Chloe para kumain. Nadatnan naman namin sina Mama and mamang na nasa dining area na.

"Mamang!" sabi ko kay Mamang at niyakap siya.

"Aeign apo! Namiss kita." he used to call me on my first name which is Aeign. Pareho sila nung kababata kong si Celestine. Yes kababata ko si Celest na kasama ko sa Stars Management kaso ewan ko, hindi niya ata ako nakikilala. O sadyang kinalimutan niya lang ako.

Only Reminds Me Of You Where stories live. Discover now