Chapter Thirty-Seven

4.2K 123 5
                                    

CHAPTER THIRTY-SEVEN

That Wink

Kahit gusto ko nang ilabas ang malapad kong ngiti ay hindi ko magawa. Hindi umalis si Brian sa tabi ko matapos ang scene kanina with Jeremy. Sa totoo lang dapat nagsasaya si Brian with his friends lalo na't birthday ng kaibigan. Pero heto siya sa tabi ko ngayon, nakaupo lang sa table at pinapanood ang mga kaibigan niyang naghaharutan sa kabilang banda.

"Ayaw mong makisaya muna sa kanila?"

Natawa siya sa ginawang kalokohan ng mga barkada niya. Halata naman na gusto niyang makisali sa kanila roon. "Okay lang. Masaya naman ako ngayon dito."

Pinigilan ko ang ngiti ko, "Hindi. Iba kasi ang sinasabi ko. Birthday ni Jeremy ngayon."

"Yeah, it's his Birthday. Ayos lang iyon, may next year pa naman, at next next year, and the year after that."

Tumawa ako, "Brian,"

"Biro lang." tumayo siya. Akala ko pa ay pupuntahan na niya ang barkada niya nang sabihin niyang, "I'll just go refill our drinks."

Alas siyete na ng gabi at mas nagiging wild na ang bisita ni Jeremy. I know some people around here, mga schoolmates ba. I don't know kung kilala rin nila ako o nginingitian lang nila ako dahil naaawa sila at magisa ako ngayon. Natatagalan din kasi si Brian sa pagkuha ng inumin.

"Miss blooming?" tawag sa akin ng isang lalaki.

I hope right now isn't the part where someone's going to hit on me just because I am left alone. Pero shush! Para namang ang ganda ko para makaranas noon.

Nang lingunin ko siya ay nanlaki ang mata ko. He's the conyo guy from Exes Club! Lagot! I don't think Brian seeing him talking to me is a great idea!

"Miss blooming?" pag-aalinlangan ko pang tanong. Rude kung itataboy ko siya kaagad. Maybe a little chit-chat will do. At pakiramdam ko ay kailangan ko rin ng kaunting update tungkol sa club lalo na't sobra na akong MIA doon.

Tumango siya at natawa, "Para ka kasing hindi brokenhearted because or yer aura."

Nagpilit ako ng tawa, "Heh. You think?"

"Yes. Anyway, you with somebody here? Didn't know Jeremy's your friend, too."

Sumimple ako ng tingin sa paligid para i-check kung paparating na ba si Brian, o kung may pumapansin sa akin na kausap itong si ... uh, I still don't know his name.

"Schoolmate ko siya. And you are?"

"Venedict. If you don't mind me asking, hindi ka na uma-attend ng sessions, you not brokenhearted na ba or what?"

Kung hindi lang malalim ang boses nito, nabadingan na ako sa paguusap niya. Sana nagsalita na lang siya ng straight English, ano? Gusto ko sanang i-suggest kaya lang nahihiya ako. At tsaka baka mas lalo lang siyang ma-brokenhearted. Baka sabihin ang mean ko.

"A-Ano, I just realized things."

"Things?"

"Some things. Basta, iyon na 'yon." Nagpilit na naman ako nang tawa para hindi magmukhang nagiging uncomfortable na ako sa paguusap namin.

Actually kasi kinakabahan ako. Paano kung biglang dumating si Brian at maabutan dito ngayon si Venedict? Syempre malaki ang posibilidad na itanong niya kung paano kami nagkakilala. Kung sasabihin ko namang sa school kami nagkakilala ay kritikal iyon, dahil paano pala kung hindi naman siya sa Summerridge nagaaral, edi bisto ako.

Lalong delikado kung ang kadaldalan ni Conyo guy ang aatake at sasagot kay Brian kapag nagkataon. Mabubunyag na ang Exes Club-fiasco na kinasangkutan ko. Pakktay na talaga!

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon