"Ling! Tumakas ka na!" Sigaw ko sa anak ko dahil nakikita ko nang hindi kami makakalabas ng buhay dito. Masyado silang marami at sa tingin ko baka may mga dumating pa.


Kita ko ang pagkahingal ng anak ko habang pinupunterya nila Brent at Clifford. Samantala si Pazu sina Terrence, Vince, Renzo at Russel. Habang nailabas na nila Kazu at Jenrick si Dazu.


Nakita kong biglang tumumba si Pazu matapos ay kinuhaan siya ng baril ni Terrence tapos ipinutok niya 'yon sa ulo nito na siyang ikinalaki ng mga mata ko. "Aaaah! Pazu!!" Sigaw ni Ling pero bigla na rin siyang naigapos nila Clifford at Brent. Hindi maaari!


Nang ilibot ko ang tingin ko sa lahat napansin kong nawawala si Josh. Pareho kaming nakaluhod ngayon ng anak ko habang hingal na hingal na nakatali ang mga kamay sa likuran.


"Huh, tss, akala ko ba hindi kami uubra sa 'yo ha Shaira? Ikaw pala ang walang binatbat." Pang-aasar pa ni Alex kaya sinamaan ko lang siya ng palihim na tingin.


Mayroon na kasi akong naiisip na paraan. Hindi ko maaaring sayangin ang buhay ng mga namatay kong mga kakampi nang dahil lang sa laban na 'to. Lalo na si Pazu.


"Sige, ibaba na natin sila." Sabi ni Clifford. Nakatingin lang ako sa anak ko at sana naman naiintindihan niya ang pahiwatig ko.


Binitbit nila kami ng marahas pero pumayag naman ako dahil mamaya lang sisiguraduhin kong sasabog kami rito ng sabay-sabay. Tinutungo namin ngayon ang baba habang nakikita kong sa bawat hakbang namin wala na ngang natitira sa Gang namin.


Napakunot ang noo ko.


At dahil nakababa na kami at malapit na sa kusina mabilis kong kinabig sina Jamaica at Chloe dahilan para matumba sila at makuha ko 'yong baril na nasa loob ng sapatos ko at itinutok ko 'yon sa tangke ng gas para pasabugin ang buong bahay na 'to dahil 'yon ang plano ko pero kusa ko nalang nabitawan ang hawak kong baril habang dahan dahang napatingin sa dibdib kong tinamaan ng bala.


Naunahan ako ng putok pero sino 'yon?


"Ma!!!" Rinig ko pang sigaw ng anak ko. Mas lumakas ng lumakas ang kaba sa dibdib ko nang mapagtanto kong may bumaril nga talaga sa akin at pinunterya non ang kaliwa kong dibdib.


"Shimi?" Sambit ni Chloe at unti-unti bigla nalang akong napaluhod. Hindi ko man nakita ang itsura niya dahil nakatalikod ito sa akin pero sinisigurado kong si Shimi 'yon.
Si Shimi ang bumaril sa akin.


"Hindi!!! Ma—"







Shimi's Point of View:

"Hindi!!! Maaaaa!!!" Malakas na tawag ng lalaking sa tingin ko ay anak ni Shaira. Bigla nitong kinabig sina Russel at Clifford dahilan para malapitan niya ang mama niyang nakabulagta na sa sahig ngayon at naliligo sa sarili niyang dugo.


Bigla ko ng ibinaba ang hawak kong baril na nakatutok pa rin sa kinatayuan ni Shaira kanina, habang gulat pa rin ang buo kong Gang na nagawa ko 'yon kay Shaira. Pero sa totoo lang akala ko mahuhuli na ako sa labanan. Kung hindi ako umabot malamang hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung lahat ng nandito ngayon ay mawawala nalang nang dahil lang kay Shaira.


"Tayo na." Seryoso kong anyaya sa kanila matapos ay tumalikod na ako habang nagsipasukan naman ang mga nagsidatingang pulis ngayon.







(Book 3) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2017 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.

Mark My Words (Book 3)Where stories live. Discover now