Ayaw n’yang ipahalata sa kanila na nasasaktan s’ya sa mga reaksyon ni Yheng.

Pumasok naman sina Cydric at ang bata..

“Mommy..” Sabay takbo ng bata sa ina. Hinawakan ng bata ang kamay ni Yheng.

“Anak..nakita mo ba ang kapatid mo?” Tanong ni Yheng.

“Opo.”

Inosente ang bata sa mga nangyayari..Habang ang lahat ay kabado.

----------------------------------------

Nang sumapit ang gabi; nagising si Yheng... tulog sina Anton at Laurence. Bumangon si Yheng..Dahan dahan s’yang naglakad. Alam n’yang bawal s’yang kumilos ngunit KAILANGAN N’YANG MAKITA SI CLINT.

Nahihilo s’ya..Pilit s’yang humakbang..palayo sa kanyang silid.

Mabuti nalang at walang mga nurse sa hallway.. Nararamdaman ni Yheng ang panginginig ng tuhod n’ya habang palapit sa ICU.

Nang pumasok s’ya sa loob; merong isang nurse na nakatalaga doon..hindi sana papasukin si Yheng ngunit pinilit ni Yheng na makapasok..pinasuotan si Yheng ng gown upang makalapit kay Clint.

Parang sumabog ang dibdib ni Yheng nang makita si Clint. Puno ng aparatus ang katawan..huminga si Clint ngunit walang pakiramdam..

“Clint..gumising ka naman...Clint, naisilang ko na ang anak natin..KAILANGAN KA NILA...”

Nanginginig ang kamay ni Yheng na hinawakan ang kamay ni Clint.

Gusto n’yang manatili sa tabi ni Clint at samahan ito hanggang sa magising..ngunit hindi n’ya magawa..

-----------------------------------------

Sa silid ni Yheng..nagising naman si Laurence. Nilingon n’ya ang higaan ni Yheng..wala si Yheng kaya nagmadaling lumabas at hinanap si Yheng.

Hinila si Laurence ng kanyang mga paa upang makarating sa ICU..at doon n’ya natagpuan si Yheng..na umiiyak sa tabi ni Clint.

“I am right..you still love him..”

Nagitla si Laurence nang may humawak sa kanyang balikat..si Cydric.

“Let’s talk.” - Cydric

Hinayaan muna nila si Yheng sa loob ng ICU. Pumunta sila sa isang coffee shop na malapit sa hospital.

“Ano mang nakita mo kanina kay Yheng..yon ay totoo. Alam kong masakit para sa ‘yo ang lahat na nangyayari. Naunawaan ko na matagal mo s’yang hinintay.. Pero matagal din s’yang hinintay ni Clint.”

=Cydric

“It’s tearing me apart to know the truth... I want to hold her..I want them to be with me. ”

-Laurence

“H’wag mong agawin ang kaligayahan ni Clint..HUMIHINGA PA RIN S’YA DAHIL SA KANYANG MAG-INA.”

=Clint

Napaisip si Laurence..

Muli silang bumalik sa loob ng ICU na kung saan nandoon parin si Yheng.

Pumasok si Laurence at niyaya si Yheng na lumabas na.. Bago pa man lumabas si Laurence..

“ Mahal ko ang mag-ina mo..masakit sa akin tanggapin ang totoo na ano mang sandali..aatras si Yheng para pakasalan ako..Masasabing kasinungalingan kung hindi ko aaminin sa ‘yo na GUSTO KONG MAWALA KA SA LANDAS NAMIN. Pero hindi ako ganun kasama..alam kong liligaya si Yheng sa ’yo..IKAW ANG MAHAL N’YA AT HINDI AKO.”

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now