"Siguro nga.Hahays...
Kapag may balita ka sa kanya sabihin mo sakin ah."

"Sure Cha, no problem."

"Mmm.Sige na,ibaba ko na ito.Magdinner na kami eh."

"Okay sige."

"Woi, kain ka rin diyan ng marami ah."

"Wala akong gana eh."

"Naku! Magagalit talaga si kuya kapag malaman niyang hindi ka kumakain ng maayos."

"Wala naman siyang pakialam sakin."

"Naku! Wag mo nga sabihin yan.Sige na, kakain na ako."

"Bye Cha."

"Babye...Take care."

~~Call Ended~~

Pagpasok ko sa dinning area ay kumakain na si kuya.

"May problema ka ba?"tanong nya.Agad naman akong umiling.Ang seryoso naman niya masyado.Tch.

"Wala kuya.Baka ikaw may problemang kinikimkim diyan? Share naman."tinitigan niya lang ako ng seryoso kaya yumuko ako at kumain.

"Anong pinag-uusapan niyo?"tanong nya.
"Hmm? Nino?"inirapan niya lang ako at sumubo na naman siya ng pagkain niya.

"Ni Arcie."mahinang sagot niya.

"Ahhh!!! Ang sabi niya, nagkulong lang daw siya magdamag sa kwarto niya kasi wala siyang ganang lumabas.Hindi rin siya kumaka---------"

"WHAT?! BAKIT NIYA GINAWA YON?!"bulyaw niya na napatayo pa talaga sa upuan niya.Ngumisi lang ako.

"Umiiyak rin siya magdamag kasi nga galit ka sa kanya."

"At sinong may sabing galit ako sa kanya?!"singhal niya.

"Siya mismo.Hindi ka pa ba galit sa akto mong yan?Tch."wika ko.Ngumiwi lang siya.

"Where the hell is she now?"

"Nasa heaven------"

"Charice!!!"

"What?!

"Magseryoso ka nga! Where is she?!"

"Ay bakit hindi mo tawagan?
Wala akong alam kung nasan siya noh.Ikaw may kasalanan eh---------"

"What?!"singhal na naman nya.Sarap pektusan ng kuya ko.Kung hindi lang talaga gwapo eh nilunod ko na sa swimming pool eh.Ang OA.

"Oh?San ka naman pupunta?"tanong ko nang bigla siyang tumayo.

"Kay Arcie."

"Anong gagawin mo dun?"

"Saying sorry, I think?"sabi niya at tinalikuran na ako.Tch!

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hindi nalang pinansin si kuya na tinalikuran na ako.

Mikael's Pov
Dali-dali akong lumabas ng bahay at nagtungo sa condo ni Arcie.Humanda ka sa king babae ka.Pagkapark ko ng kotse ko ay nagtungo na ako sa unit niya.Pero laking gulat ko nalang na nakalock ito at siguradong wala sya sa loob.

"Fuck! Where the hell are you?!"bulalas ko.Kinuha ko ang cellphone at tinawagan sya pero nakailang ring na ako hindi parin niya sinasagot.

Asan na ba kasi siya?!

~~Calling Charice~~

"Oh?"

"Tch."

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now