Dumating ang gabi at nakauwi na si Daddy galing trabaho.
"Hey dad."
"Hey."
Nagtungo nalang muna kami sa dining area habang nagkwekwentuhan.

Ilang saglit lang ay dumating na si Elton.Nakangiti siyang sinalubong kami.
"Tito!!!"wika niya at agad niyakap si Daddy.
"Hey bro!"
"Hey!"

"By the way guys,may kasama pala ako."nakangiting wika niya saka lumingon sa likuran niya.Lumabas ang magandang babae na hindi ko inaasahang magkikita kami ngayon.

Charice...

Charice's Pov:
"Cha!!! Nandito si Elton bumaba ka muna diyan!!!"napangiti akong binuksan ang pintuan ng kwarto ko.
"Nandito siya?"tumango naman si Arcie.Ngumiti rin siya at binigyan ako ng mapanuksong tingin.
"Anong tingin naman yan?Tch."inirapan ko lang siya at nagpamuna ng maglakad pababa.
"Yiiieeehhh ikaw ah! May kakaiba na sa ngiti mo!!!"napangiwi lang ako at hindi na siya pinansin.
Naabutan ko namang nag-uusap si kuya at Elton sa sala.

"Hi."bati niya at hinalikan ako sa pisngi.Ngumiti lang ako at umupo sa tabi niya.
"Anong atin?Gumagabi na ahh?"tanong ko at napatingin sa wristwatch kong mag-alas siyete na pala.
"I just want you to come with me for a dinner,if it is fine with you?"nakangiting tanong niya.
"Okay lang.I have no things to do naman eh."nakangiting sagot ko.Tumango naman siya kaya tumayo na ako at nagpaalam sa kanilang mag-aayos lang.

Sumunod naman si Arcie sakin sa kwarto ko.
"Hindi mo pa ba sasagutin iyang manliligaw mo?"inirapan ko lang siya.
"Pinsan siya ng taong mahal ko.Ayoko namang ganun.Tsaka,sino bang may sabi na nagpapaligaw ako sa kanya?Like hello?! Siya ang nagkusa kahit hindi ako pumayag.Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya."
"Mmm.Pero hindi naman imposibleng mahulog ang loob mo sa kanya diba?"ngumiti lang ako at umupo sa gilid ng kama ko.
"Oo naman.Hindi mahirap mahalin si Elton.Masayahin,gwapo,
matangkad at mabait pa.Siguro nga,para saking isang ordinaryong babae lang naman ay agad na mahulog ang loob sa kanya."ngumiti lang siya saka ako tinulungang maghanap ng magandang damit na susuotin ko para sa dinner namin ni Elton.
"Eto nalang ohh,bagay sayo ito."wika niya at ipinakita sakin ang isang black dress na hanggang tuhod lang ang haba.Maganda ang damit.
Kinuha ko naman sa kanya at pumasok na ako sa banyo.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba narin ako.Gaya ng dati ay matapos kaming magpaalam kela kuya at Arcie ay sumakay na kami sa kotse niya.

Habang nasa byahe kami ay nag-iba bigla ang pakiramdam ko.Kinakabahan ako ng todo at halos hindi na ako makahinga ng maayos.

What's happening?

Tahimik lang ako buong byahe namin at mahigit trenta minutos lang ang byahe at huminto na ang kotse ni Elton sa isang maarang bahay.Maganda ang disenyo at alam mo talagang mayaman ang nakatira sa bahay.Inalalayan niya ako pababa habang hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya.
Ngumiwi lang ako.

"Dito tayo magdinner?!"aligagang tanong ko sa kanya at hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.Lumakas pa lalo ang kaba sa dibdib ko.Hindi ko alam pero pakiramdam ko may maling mangyayari.Tch.

Wala lang ito Cha.

Ngumiti lang siya at hinawakan ako sa beywang.
"Yeah.Gusto kong makilala ka ng tito at pinsan ko,ganun narin ang magiging tita ko.Hehe."natawa pa sya sa huling sinabi niya.At malakas ang kutob ko na alam ko na kung sino ang makakasama naming dalawa sa dinner.

Hindi nga ako nagkamali.

"Tito!!!"wika ni Elton at niyakap agad ang Daddy ni Tristan.Tch.
"Hey bro!!!"
"Hey!"I missed his voice.Ilang buwan ko ng hindi naririnig ang boses niyang iyan.Nakangiti siyang niyakap si Elton at ganun rin si Elton sa kanya.Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ng makita ko siyang masaya at normal na normal ang ngiti niya.

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now