Twenty Eight

3.2K 111 0
                                    

Twenty Eight

Jasper POV

Hindi mawala wala ang ngiti ko habang tinititigan ko siya na payapang natutulog saaking kama, hinahawi ko din ang buhok niyang kumakalat sa pisngi niya.

“Hindi mo naman ginawa yun diba?” Kaagad nagsalubong ang kilay ko sa sinasabi niya. Did she just sleep talking?

“Hindi naman Jasper diba?” sabi niya pa.

“Ang?” kinausap ko siya. Natatawa na lang ako pero mas napangiti ako ng sinagot niya ako.

“Wala namang nangyare sainyo diba?” sabi ulit niya. Tinitigan ko siya.

“Nino?”

“Ni Jade…” Napatigil ako at napaupo sa sinabi niya. Kilala niya si Jade? Paano? Kailan? Did Hanrem told her?

At ano ba ang nasa isip niya? Naiisip niya ba ang nasa isip ko? Mas lalong walang mapaglagyan ang ngiti ko dahil sa sinasabi niya at naiisip niya.

“You’re so innocent” bulong ko sakanya at hinalikan siya sa kanyang noo. Kumuha ako ng extra pillow at kumot sa Cabinet at nagtungo sa Couch ko.

Kailangan ko munang lumayo sakanya, pakiramdam ko hindi ako makakatulog kapag magdamag ko siyang tinititigan. Hindi ako makapag-pigil.

Ayokong samantalahin ang kalasingan niya. She might be hating me for doing something satisfactory for me but not for her.
Ipinatong ko ang aking kamay sa ulo ko at pilit na itinago ang mga ngiting namumuo na naman sa labi ko. Damn! Napaupo ulit ako sa aking pagkakahiga at iniiwasang tumingin sa aking kwarto.

Shit. I can’t sleep. Nagpalakad lakad ako para dalawin ng antok pero I always see myself gazing inside my room.
Napalunok ako habang ilang oras na siyang pinagmamasdan sakanyang pagtulog. Para tuloy siyang may sakit na kailangan kong bantayan magdamag, I remember our old times.

Bigo akong napatingin sa malaking kalendaryo na nakasabi doon. We are already dating for 5 months, and 30 days from now I am letting go of this Girl.

Makakaya ko pa ba?

Makaraan ng ilang minuto ay lumabas na ulit ako sa silid at naupo lang, ang daming pumapasok sa isip ko.
Maybe I should use this One month of us wisely.

At uumpisahan ko na sa araw na ito. Kinuha ko ulit ang Pillow at Kumot ko at pumasok sa loob ng kwarto.

Alam kong magagalit ka saakin bukas pag-gising mo, but just this one. Can I sleep beside you? Napalunok ako bago tuluyang humiga at iniangat ang ulo niya at ipinatong ito sa braso ko.

“Goodnight” bulong ko sakanya at nakatulog.

~*~
Nagising ako sa liwanag na tumatama saaking mga mata. Naramdaman ko din ang pamamanhid ng braso ko, but I smile again nang makita kong mahimbing padin itong natutulog at nakayakap sa katawan ko.

How I wish na sana ganito araw-araw.

Naramdaman ko na din ang paggalaw niya at mabilis na itinulak ako ng makita niya kung ano ang posisyon naming dalawa.

I always love her reaction in every situation.

“B-Bakit ka nandito” sinuri niya ang paligid. “I-I mean, bakit ako nandito?” hinila niya rin ang kumot para takpan ang katawan niya kaya mas lalo akong natawa sa ginagawa niya.

“Remember…” sabi ko at ginulo na ang buhok niya.

Iniwan ko siya na naguguluhan at pilit na inaalala kung ano ba ang mga kalokohan niya kagabi. Nagtungo ako sa kusina at nagsimulang maghanda ng makakain, pero naalala kong hindi nga pala ako marunong magluto.
Ipinagtimpla ko na lamang ito ng kape at naupo siya sa Dining table.

Napatikhim pa ito upang makuha ang atensyon ko. “Im sorry.” Sabi niya, nakayuko.

“No, need.” Mapanukso ko siyang nginitian. “Nakatabi naman kita matulog.” Sabi ko at kinindatan siya. Nakita ko ang biglaang pamumula ng kanyang pisngi sa ginawa ko. Huli ka!

“W-Wala naman akong ginawa kagabi diba?” nahihiyang tanong niya.

Naupo na ako sa tabi niya at nagisip… “Hmmm, maliban sa pagyakap mo saakin-” hindi niya ako pinatapos.

“N-Niyakap kita?” hindi siya makatingin saakin. Nakita ko rin ang pagkagat niya sa ibabang parte ng labi niya. Bigla akong natigilan at hinawakan iyon.

Nagtataka siyang tumingin saakin samantalang ako ay titig na titig rito. “Don’t ever do that again.” Madiing sambit ko.

“Why?”

“You are seducing me” ang kanina lang pinkish na mukha niya ay mas lalong namula dahil sa sinabi ko. Kaya pinilit kong winala ang paningin saakanya. Biglang naginit ang batok ko kaya pinilit kong pakalmahin ang Sistema ko dahil pakiramdam ko may hindi ako tamang magagawa kapag pinagpatuloy namin ito.

Natataranta niyang ininum ang kape dahilan para mapaso ang labi niya.

“Ahhh!” daing niya. Habang pinapaypayan ang labi niya.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at mabilis na lumapit sakanya. Hinawakan ko ang mukha niya at mabilis na inangkin ang labi niya, huli na ng marealize ko ang ginawa.

I am just turning down the pain in her lips, but---

Why I am kissing her now?

Nagtama ang mga mata namin habang nakalapat padin ang labi ko sa labi niya. Lumayo na ito ngunit mapusok kong hinawakan ulit ang mukha niya at tuluyang inangkin ang nagiinit niyang mga labi.

Please be mine, Ms. Elren Vasquez.

VOTE, COMMENT

Dating In ContractTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang