Twenty Nine

3.3K 115 0
                                    

Twenty Nine

Elren POV

Hindi mawala wala ang ngiti ko habang naglilinis sa loob ng Unit. Weekend ngayon kaya maghapon akong magkukulong sa apat na sulok ng lugar na ito.

Napadako din ang tingin ko sa aking kalendaryo na may marka at mabilis na nawala ang ngiti na nilalabas ng bawat labi ko.

Isang buwan ko nalang pala siyang makakasama. Napatigil ako sa ginagawa ko at bigong naupo. Tinitigan ko ng maigi ang Calendar.

On the 30th of this month, wala na akong Jasper.

Pinalakas ko ang loob ko at sandaling ngumiti.

Tinawagan ko siya. "Asan ka?" Tanong ko rito.

"Why? Didate mo ako?" Mapanuksong sagot niya kaagad.

Tago akong ngumiti. "Ou, ayaw mo?" Bigla siyang napatigil sa pagsasapita at may narinig akong kalampag sa kabilang phone.

Maya maya ay narinig ko na ang doorbell. Hindi ba siya pumasok?

Pinagbuksan ko ito at nakita ko kaagad ang nakangiti niyang mukha.

"Lets go." Aniya.

"Te-teka magaayos pa ako. At tsaka ang bilis mo naman. Wala ka bang pasok?" Kinuha ko na ang vaccum cleaner at inayos ito.

"None. Tinatamad ako." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tinamad Tss, palibhasa mayaman kana." Natahimik na siya at naupo sa upuan. Sinuri niya din ang mga Teacher materials ko na nakakalat doon.

Hinayaan ko siya at nagtungo na sa loob ng kwarto para makapag ayos.

~*~

Hindi mawala wala ang ngiti niya habang nasa passenger seat. Kotse ko kasi ang ginamit namin. Nakipagbangayan pa ako sakanya para mapasakay ko siya dito. Hindi siya naniniwala na trusted ako magmaneho.

"Ano ba" iritable kong sambit sakanya.

"By the way ano nga pala ang susunod mong Condition, maliban sa sasakyan?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Ou nga, I almost forgot about it.

"Hhmmm, pagiisipan ko pa." Sabi ko.

Idinala ko siya sa dati niyang pinagdalhan saakin, Park. Pi-nark ko lang ang sasakyan at naglakad lakad kami papunta doon.

Pareho kaming nakamasid sa mga batang naglalaro, may mga mag kasintahan din na naglalambingan.

May sumilay na ngiti sa labi ko habang naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"Can I?" Hingi niya pa ng permission saakin.

"Hinahawakan mo na nga" Nangiti ngiti nalang si Loko. At feel na feel ang paghawak sa kamay ko.

"Are we really dating in real?" Bulong niya saakin. Hindi ako nakasagot. Sabay kaming naupo habang hindi mawala wala ang tingin niya saakin.

"I guess? Ayaw mo ba!"

"Hindi ah. Gustong gusto." Diretsong sambit niya na nagpangiti saakin.

Hinayaan ko siyang laruin ang mga kamay ko.

"Youre hand is really beautiful." Sabi pa niya. Tinitigan ko lang siya.

"I wonder, of all profession why did you choose to be a teacher?" Nagtama na din ang mga mata namin.

Huminga ako at inisip ang isasagot sakanya.

"I dont know, bata palang ako. Parangarap ko ng magturo. I always salute all my teacher, I always see their passion kapag nagtuturo sila."

Napasulyap ako sa mga batang naglalaro.

"Alam mo ba kapag nasa classroom ako, all my problem ay nawawala sa tuwing nakikita ko ang mga batang binabati ako. Kapag nakikita ko silang nagsusulat. Kapag tinatatakan ko ang mga Notebook nila ng Star or Very good. I feel like I am their mother too." Napangiti ako habang tiningnan na siya.

"Kaya siguro mas pinili kong magturo. Because of that."

"Ikaw?" Balik ko ng tanong sakanya. Napaiwas siya ng tingin saakin.

"Hmmm, Im not really into business pero since bata palang ako, dinidik dik na saakin ng mga parents ko ang negosyo. I dont have a choice. Thats why I took Business."

"Pero ano talaga dapat gusto mo?" Tanong ko sakanya.

"Maybe a Doctor? I always want myself looking in the mirror with that white gown." Tiningnan niya ako "Gwapo ko siguro." Pamumuri niya sa sarili niya.

Napahalakhak ako. "Talaga lang ha." Asar ko sakanya.

"Diba may kaibigan kang Doctor?" Tumango ako.

"He's really cool diba?" Sabi niya.

"Hindi rin, mas okay na din saakin ang hindi ka naging doctor."

"Why?"

"Masyadong busy. Nah! Ayoko ng ganun ka." Wala sa loob na sambit ko.

Mas lalong lumawak ang mga ngiti niya at kakaibang tiningnan ako.

"Dahil?"

"Mahihirapan akong kontakin at hingiin ang oras mo." O gosh, anong mga pinagsasasabi ko. Inilayo ko ang tingin sakanya at tumikhim.

Minsan nga Elren, marunong itikom ang bibig mo. Napaghahalataan tayong nagugustuhan mo na siya ei.

Sobrang lawak na ng ngiti niya. Napatikhim ako.

Napabitaw narin ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko dahil nahihiya ako.

"Huwag kang assuming." Nahihiyang sambit ko.

"Umamin ka nga saakin Elren?" Bigla akong kinabahan sa mga titig niya.

"In 5 months, hindi ka ba talaga na-inlove saakin?" Biglang nagwala ang mga kaugatan ko sa puso at seryosong tiningnan siya.

"H-hindi" nauutal na sambit ko. May gumuhit na namang ngiti sa labi niya.

"Talaga?" Tumayo na siya at mapanuksong lumapit ng lumapit saakin.

"Kahit na hinahalikan kita? No feelings?" Itinago ko ang labi ko laban sakanya. Biglang pumunta ang dugo ko sa mukha.

"H-hindi" matapang na sagot ko.

"Then why are you blushing?" Naidako ko ang kamay ko sa pisngi at tinakpan ito.

"W-wala" mas lalong sumilay ang ngiti sa labi niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"I wish we are not bind to date for contract anymore, liligawan talaga kita." Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Tanging lakas lamang ng dampi ng hangin at lakas ng kabog ng dibdib ko ang tanging naririnig ko.

Nangungusap rin ang kanyang nga mata habang nagtatama ang paningin namin.

"I like you" salitang maikli pero nagpapabigay ng tuhod ko.

VOTE, COMMENT

Dating In ContractWhere stories live. Discover now