Seven

4.3K 137 6
                                    

Seven

Kaagad ko siyang itinulak ng makabalik na ako sa sarili ko. Nagsisimula na rin akong humakbang at nakasunod din naman siya saakin.

"Sorry, tomboy ako kaya walang epekto yang mga sinasabi mo." Nahuli ko pa siyang ngumingiti habang panay ang sunod saakin.

Tahimik akong nakaupo sa tabi niya habang siya naman ay nagmamaneho pero yung ngiti niyang nakaka-ga-go hindi parin nawawala. Pansin ko rin ang panay sulyap niya saakin.

Nang hindi ko na makaya ay tuluyan na akong humarap sakanya.

"Bakit ba!" Iritableng sambit ko sakanya.

"What" ayan na naman siya sa mga ngiti niya.

"Ano nga!" Papipilit ko sakanya.

Hindi padin siya nagsasalita, kanina lang kung makasalubong yang kilay niya parang ibababangga niya na anytime ang sasakyan ngayon naman hindi mahulugang karayom yang pag-ngiti niya. Nakaka-gagu lang.

"Naiinlove kana ba talaga saakin?" Wala sa sariling bigkas ko.

Tiningnan niya lang ako at ngumiti na naman ng nakakaloko. What the-

"Ano baaaa." Para na akong tangang naghihintay ng sagot niya.

"Wala, Hindi lang talaga mawala sa isip ko ang nangyare kanina" Pilyo ko siyang tinitigan.

"Inlove kana ba talaga saakin?" Mapanukso kong sabi.

Tinitigan niya lang ako at hininto ang sasakyan at kaagad napalaki ang mata ko ng aambangan niya akong halikan-ewan ko pero biglang kumilos ang kamay ko at nasabunutan ko siya.

Panay ang daing niya at hampas sa kamay ko, kaya mas lalo tuloy akong ginanahan na hindi siya pakawalan.

"What the- babae ka ba talaga?" Inis na sabi niya saakin.

"Tomboy nga ako Lesbian sa Ingles." Pangaasar ko pa lalo sakanya.

Inayos niya lang ang buhok niya at para na namang ewan na ngumingiti mag isa. Minsan napapatanong nalang din ako kung Womanizer ba talaga siya tong kumag na to.

"First time mo lang ba makakita ng ganun?" Wala sa wisyong tanong ko.

Tumango naman si Kumag. "Totoo?"

"Sabagay puro nga pala masasamang tao nakapalibot sayo" mahinang sambit ko, tama lang para hindi niya marinig.

Ibinalik ko nalang ulit ang tingin ko sa kahabaan ng mga nadaraanan namin. At wala sa sariling nakatulog.

Nagising ako sa pagkakaidlip at kaagad na napabaling sa lalaking kasama ko ngunit wala na ito sa tabi ko, tinanggal ko din ang seatbelt na nakakabit sa katawan ko at sinuri ang Lugar.

Kaagad na tumambad saakin ang maganda building na nakapalibot, may fountain din sa gitna nito. Binasa ko ang nakaukit sa naglalakihang Building.

M&M Condo-Hotel

Condo nila ito? Tanong ko sa sarili ko. Maya maya din ay nakita ko na siyang papalapit sa kinaruruonan ko.

Nangiti ngiti pa ito na animoy may maganda siyang sasabihin saakin. Nang nasa harap ko na ito ay ipinapalahad niya kaagad saakin ang aking palad.

"Why?"

"Basta!" Sabi niya

"Yuko nga, remember the Golden Rule No. 1, pasalamat ka at hindi kita-" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sapilitan niyang kinuha saakin ang kamay ko at may iniabot saakin.

Susi? Pinagmasdan ko ito ng maayos.

"Susi?" Cluless na tanong ko sakanya pero nangingiti ngiti na naman saakin si Kumag ng mapang-akit.

Teka huwag niya sabihin isa na naman sa mga walang ka kwenta kwenta ito.

"Hindi mo naman sasabihin saakin na Iyan ang Susi ng buhay ko diba, Aba Mahiya ka!" Paguuna ko sakanya.

"I am not cheap, pang kanto lang ang linyahang yan." Ika pa niya..

"Then para saan to?"

"Your Benefit No. 2?" Kaagad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Di nga? Seryoso talaga yun?

Cool na cool siya sa paglalakad habang ako naman ay namamangha sa mga nakikita ng mga mata ko.

Sila pala ang may-ari ng Condo na ito at di lang yun, siya din ang nagma-manage kaya pala ang bilis niya akong makuhaan ng Unit dito.

Masigla siyang binabati ng mga receptionist at mga staff ng Lugar samantalang ako ay naiilang sa mga binabato nilang tingin.

Nang mapagisa kami sa elevator ay tahimik nalang ako, hinayaan ko siyang mauna saakin.

Hanggang sa iluwa kami at may nakalagay na Executive Unit bago kami tuluyang makahakbang sa pinaka floor.

Woah, so executive unit itong floor na ito.

Katulad kanina ay nauuna parin siya saakin, sinusundan ko lng siya hanggang sa huminto ito at inilahad saakin ang magiging unit ko.

Pinilit kong itago ang sayang nararamdaman ko. At walang emosyong binuksan iyon.

Halos mapasukan na ako ng langaw sa pagkamangha ng makita ko ang loob nito. Kompleto na ito sa gamit at puro mamahalin ang mga nakikita ko.

Pakiramdam ko tuloy para akong Presidente ng Pilipinas sa pagka-engrande ng unit na ito.

"Totoo akin to?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

"Yup. Pero masyadong-"

"Deal is a deal and contract is a contract" sabi niya.

Kung ang pakikipagdate ko sakanya ay ang pagkakaroon ko ng ganito sana pala matagal ko na siya nakilala, edi sana hindi na ako nakapag 5 months deposit pa sa tinutuluyan kong Apartment.

Buti nalang din at isinama ito ni Enid sa mga benefit ko.

"K-kailan ka lilipat dito?" Biglaang tanong niya saakin.

"Dont know" wala sa wisyong sagot ko.

"Why?" Inibahan ko siya ng tingin dahil parang gustong gusto na niya akong lumipat sa tono ng boses niya.

Mabilis niyang iniwas saakin ang paningin niya habang tinititigan ko siya.

Para bang meron siyang hindi sinasabi saakin.

Napadako ang tingin ko sa malaking wallclock na nasa dingding at kaagad nanlaki ang mata ko kung anong oras na.

Patay, nasa apartment ko nga pala ni Mommy.

Dali dali akong lumabas ng Unit na iyon habang nagtataka naman akong tinitignan nitong lalaking ito.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba, tara na. Kailangan ko ng umuwi." Pagmamadali ko sakanya.

"Why? I mean hindi kana man na bata"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Alam ko, Pero hindi iyon ang tingin saakin ng mga magulang ko. Kaya tara na! Kahit ihinto mo nalang ako sa sakayan ng taxi and besides kanina parin naman talaga tapos ang 5 hours." Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa sinabi ko.

Nasa kotse na kaming dalawa nang hindi parin niya tinitigil ang kakatanong saakin kung kailan daw ba ako lilipat.

"T-Teka nga, ano bang kaso sayo kung kailan ako lilipat?"

"Hindi naman siguro kita kapit bahay diba?" Biglang sumilay ang mala-pilyong ngiti niya habang hindi maktingin saakin.

Hindi naman diba? Sasapakin ko talaga siya kapag tinabi niya ako sa unit niya.

Tinitigan ko siya ng ilang minuto hanggang sa makuha ko ang pinaka ayaw kong sagot.

Gusto ko siyang sapakin pero nagpipigil ako.

Napansin niya ata ang pagkuyom ng kamao ko at timingin saakin.

"Pero dont worry, hindi naman katabing unit ang akin. Sa harap lang naman ng unit mo" mas lalong napahigpit ang pagkuyom ko sa kamao ko.

Anong pinagkaiba nun?

Vote, Comment

Dating In ContractWhere stories live. Discover now