Four

4.8K 139 1
                                    

Four

Sabay sabay kaming napahalakhak ni Sharla habang binato saakin ang regalo ko sakanyang set ng lingeries.

"Nakakainis ka."

Hindi parin ako matigil sa kakatawa dahil sa itsura niya.

"Ano nagamit mo ba?" Nagagalak na tanong ko.

Nakagat niya ang ibabang labi niya at nahihiyang tumango-tango. Mas lalo akong napahalakhak sa tinuran niya.

"Yah. Nakakdiri ka. Ayokong madumihan ang isip ko." Pagrereklamo ko.  Inibahan niya ako ng tingin at mapanuksong lumapit saakin.

"Sus, akala mo naman hindi siya magaasawa." Pangaasar niya saakin.

"Hindi naman talaga." Seryosong sambit ko.

"Huwag ka nga magsalita ng tapos." Aniya. Bumalik na ulit siya sa kanyang inuupuan at isa isang pinaglalabas doon ang mga pasalubong na binili niya. Iginala ko rin ang tingin ko at hinanap si Jelan.

"Si Jelan pala?" Bumusangot ang mukha niya.

"Ayun, pagkalapag palang ng eroplano ang dami na kaagad tawag sakanya. Nasa Hospital na." Aniya.

Natahimik nalang ako at hinayaan siyang magsalita.

"Alam mo ngayon ko lang naging hate na sana pala di nalang siya nag Doctor."

"Why naman?"

"Kasi hindi ganuon ka buo ang magiging oras niya saakin, ayoko namang pigilan siya sa pagpasok. Ang hirap, honeymoon pa nga lang namin hirap na hirap akong kausapin siya dahil mayat maya ang tawag ng mga katrabaho niya." Pagmamaktol niya

Kinuha ko ang isang chips at binuksan ito.

"Sus, if I know bumabawi rin naman yun sayo"

Hinayaan ko nalang ulit siya na mag-ayos sa mga gamit na ibibigay niya saakin, kumbaga yung pasalubong niya.

"Nga pala nakita ko si Rem."

Tumingin lang siya sandali saakin at nagayos ulit.

"Tapos?" Walang ka-intere-interes na sambit niya.

"Wala lang, ganun padin naman siya." Sabi ko. Umayon nalang siya at ngumiti sakin sabay abot saakin nung mga pasalubong niya.

"Tapos may sasabihin din ako." Sumeryoso na ang naging istura niya at tumitig saakin.

"Ano yun?"

"M-may lalaking gusto akong pakasalan" kaagad nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Woah. Talaga? Sino? Kilala ko?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Hindi."

"Then sino, halos lahat naman ng kilala mong lalaki kilala ko."

"M-may will and testament kasing iniwan yung Lolo niya, nakasaad doon na kailangan niya akong pakasalan para makuha ito."

"Di nga?" Tumanho ako.

"Baka naman niloloko ka lang, I mean sino namang tangang tao na gagamitin ang mga ganun. Were not in a Drama na ano to Romantic Comedy? Kilala mo ba yung family nun?" Napailing iling ako.

"Then papaano ka napasama sa will nila?"

"Kahit nga ako di ko alam, kaso ang kulit kulit kasi nung lalaki. Naiirita na ako kakabuntot niya."

Dating In ContractWhere stories live. Discover now