Thirty Three

3.2K 99 0
                                    

Thirty Three

Pinaglalaruan ko lang ang susing hawak ko habang hinihintay na magbukas ang Elevator. Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang ihakbang ang mga paa ko. Sa Hallway palang at nasilayan ko na kaagad ang nakasandal na presensya niya. Wala ako sa sariling ngumiti.

Maybe I need to treasure our time and after this I am really letting go of his hand.

Nang makita niya ako ay malalaki ang hakbang niyang lumapit saakin at sinalubong ako ng yakap.

"Im sorry." sabi niya habang mababali na ang katawan ko sa higpit nito.

"No, I am sorry." naramdaman ko ang biglang pagluwag ng yakap niya at seryosong tiningnan ako. Nagtataka siguro siya sa sinabi ko.

"I judge you kahit na hindi ko parin naman naririnig ang side mo." sambit ko. Kumawala na siya sa pagkakayakap saakin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"I can explain everything." Napailing iling na ako sa sinabi niya.

"No need, I understand." Kitang kita ko ang mga mata niyang nagtataka sa mga inaasal ko.

"We only have One month left, I dont want to leave "us" na may samaan ng loob." tanging naging sambit ko at binuksan na ang Unit ang Condo ko. Nakasunod siya saakin papasok. Inilapag ko lang ang susi ng kotse at bahay sa table at nagtungo sa refrigerator.

"Nauuhaw ka?" tanong ko rito. Pero tiningnan niya lang ako, nakatitig lang siya saakin, habang halatang halatang may malaking question mark sa noo nito.

"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan." inis na sambit ko sakanya.

"Anong nangyare sayo?" Kinunutan ko siya ng noo.

"Ano pala dapat ang mangyayare saakin?" Kumuha na ako ng tubig at ininom na ito. Lumapit siya saakin at hinawakan ang noo ko.

"May sakit ka ba?" tanong niya. Hinawi ko ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit.

"W-wala, okay nga lang ako."

Iginaya niya ako sa couch ng Condo, in-on ko din ang TV para kahit papaano ay malibang kami pero pinapatay niya din ito.

"Elren..." tawag niya ng pansin saakin.

"Hmmm..."

"I'm really sorry about what youve heard kay Hanrem, inaamin ko it is really my intention na hindi ibigay sayo ang last page ng Will. At humihingi ako ng tawad about doon. And I am also selfish na ipakilala kita sakanya mas lalo ng nung nalaman kong First Love mo siya noon. I was afraid na baka bumalik ka sakanya at iwan mo ako." Itinago ko ang ngiting namumuo sa labi ko.

"That's why I dont have a guts na umamin sayo, Im really sorry." Hinawakan ko ang mukha niya at iniharap ito saakin.

"K-Kaya nga diba, Okay na ako." inibahan niya ako ng tingin.

"K-Kasi I am expecting you na sasapukin at mumurahih mo ako kaya nagugulat ako sa inaasal mo." Napakibit balikat ako at mas lalong lumapit sakanya.

"Gusto mo bang magalit ako?" Mabilis pa sa isang minuto ang pag-iling iling niya at idinampi ang labi niya sa mga kamay ko.

In-on ko ulit ang TV at nagfocus sa panunod. Hinayaan ko siyang tumabi saakin at ipinatong ang ulo niya sa leeg ko hanggang sa nakikiliti na ako sa ginagawa niya.

"Yah!" sabi ko. Hindi ako matigil sa pag-ngiti at ganun din sya.

"Can I sleep beside you?" Hinampas ko kaagad ang balikat niya dahil sa mga pinagsasabi niya.

"No. Umuwi ka sainyo." sagot ko

"Please. I've been waiting for you outside since early this morning."

"Sino ba naman kasing magsabing maghintay ka saakin?"

"Ako lang. I want to see you." Nagtama ang paningin naming dalawa pero mabilis niyang iniwas ang kanya. At mas lalong idiniin ang sarili saakin. Na-corner niya na ako.

"P-Pero hindi pa din. Umuwi ka sa inyo." pagmamatigas ko. Kanina pa nagwawala ang dibdib ko sa mga pinagagagawa niya.

"P-pleaseeee." malambing na sambit niya habang binubulong ang mga katagang iyon. Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko dahil sa mga nangyayare.

Napatitig siya saakin at sa labi ko, mapupungay ang mga mata niya habang direktang tinititigan ako.

And suddenly my heart is not with me anymore. Napapikit ako ng makita kong paunti-unti ng lumalapit ang mga labi niya saakin.

And then bigla siyang tumayo... "I think I should go." Sinundan ko lang siya ng tingin at tuluyan na ngang umalis sa Unit kong iyon.

May pilyong ngiti na lumabas sa labi ko ng marealize ko ang ginawa niya. May respeto padin naman siya.

Nagtungo ako sa kwarto at nag-cr, naligo na din ako para makatulog na ng may narinig akong pumasok sa Pinto.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong si Jasper ito... Nagkatitigan kaming dalawa at napatingin sa suot ko. Omygosh! Nakatapis lang pala ako.

"I-I forgot my phone." aniya hindi padin inaalis ang tingin saakin.

Bigla akong pinagpawisan sa mga titig niya kahit kakaligo ko palang at kusang tinakpan ang katawan ko ng wardrobe.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang tumalikod na---

Ngunit kaagad nanlaki rin ang mata ko When I saw him walking in front of me.

VOTE, COMMENT

Dating In ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon