Forty Nine

3.7K 104 0
                                    

Forty Nine

Gabi ng kinatok ko si Enid sa Unit niya, hindi ako makatulog. Inaantok pa siya habang pinagbuksan ako ng pinto.

“Gabi na ah.” Sabi niya saakin.

“Nandiyan na ba si Jelan?” tanong ko habang pumapasok na sa loob ng unit niya.

“Wala pa.” sabi niya. Nagdiretso siya sa kama niya at nahiga doon kaya wala ding alinlangan na sumunod ako sakanya.

“Enid.” Tawag ko ng pansin niya. Umayos ako ng higa at hinimas himas ang medyo halata na niyang tiyan.

“Oh.”

“When you are getting married, are you also afraid?” tanong ko rito. Tiningnan niya ako ng kakaiba.

“Of course sino ba naman ang hindi? Magpapakasal ka sa taong makakasama mo habang buhay.” Napangiti ako sa sinabi niya.

Tiningnan niya ako ng seryoso. “Alam mo hindi ko talaga nai-imagine na ikakasal ka. Noon siguradong sigurado kana kasi talaga na tatanda kang dalaga but when Jasper appear.Unti unti kang nagbago na which is kinatuwa ko. Biruin mo ang pusong semento noon ay naging mammon na.” Pareho kaming nagtawanang dalawa.

“At ako, akala ko forever ka lang din mag-ngangangawa dahil sa pagiwan sayo ni Jelan but tingnan mo ngayon, magkaka-anak na kayong dalawa. Hindi talaga natin masasabi ang mangyayare sa isang tao.”
Pareho kaming napahigang dalawa at napatingin sa kisame.

“Is he ready to face your parents tomorrow?” tanong niya saakin.

Napahinga ako ng malalim at tumingin sakanya. “Maybe? Kahit ako kinakabahan. Alam mo naman kung anong tipo lang ang gustong ipakasal saakin nila Mom.”

Napabuntong hininga din si Enid. “Ou, as much as possible gusto nun ordinaryong tao lang. Sana lang makayanan ni Jasper.”

“Bigla tuloy akong kinabahan sa mangyayare bukas. Bulalas ko sakanya. Pareho kami natahimik na dalawa hanggang sa hindi namalayang nakatulog na.

~*~

Nagising ako sa liwanag ng araw na tumatama sa mata ko. Omygod. Dito na pala ako nakatulog kagabi. Inayos ko ang sarili ko at lumabas sa kwarto na iyon. Wala na rin sa tabi ko si Enid. Pagkatingin ko sa sala nila ay nakita ko doon na naghahanda na sila ng umagahan.

Nahihiya akong tumingin kay Jelan na hindi ko alam kung saan natulog.

“So-Sorry” bigkas ko sakanya.

“For?” tanong niya.

“Nakatulog ako kagabi di ko namalayan.”

“No. Kakauwi ko lang din, nagka-emergency. Pero buti nalang at nasamahan mo siya.” Sabi niya saakin. Napangiti ako, good timing din pala ang nangyare kagabi.

Lumapit siya saakin at bumulong. “At kanina pa may naghihintay sayo sa labas ng unit mo.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mabilisang umalis doon.

At tama nga ang sinabi ni Jelan, mukhang kanina pa nga naghihintay sa labas si Jasper.

“Psstt.” Tawag ko ng pansin niya. Tumingin siya saakin na may pagtataka.

“Sorry, kanina ka pa? Nakatulog kasi ako kagabi habang nagkukwentuhan kami ni Enid. Hindi ko napansin.” Sabi ko. Binubuksan ko na ang unit.

“Hindi naman. Anong mga pinagkwentuhan niyo?” tanong niya habang sumusunod na saakin sa loob.

“Hmmm. About sa mangyayare sayo mamaya.” Sagot ko. Iniwan ko na sa may couch at nagayos na para sa lakad naming dalawa.

~*~

Hindi siya mapalagay habang pababa kaming dalawa ng Condo. Kanina pa niya hinahaplos ang kamay ko.

“Did you really think na magugustuhan ako ng parents mo?” tanong niya saakin.

“Of course.”

“Why?” nakatitig ako sakanya.

“Because I choose you.” Mas lalong lumapad ang mga ngiti niya. Ipinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at habang nasa byahe ay hawak hawak pa din niya ang kamay ko. Nakakailang tanong siya saakin ng tanong ng “Magugustuhan kaya nila ako?”

Nakakarindi na rin.

Biglang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

Parang biglang umurong ang pwet ko, kahit na mga magulang ko sila bigla akong napatanong sa sarili ko.

Paano nga kung hindi siya approve? Magpapakasal nalang ba ako na walang approval nila?

Napatitig ako sakanya. “Paano nga pala?” tanong ko sakanya. Bigla siyang napahinga at ginulo ang buhok.

“I have my ways, hindi man nila ako aprobahan ngayon, I am sure na maglalakad ka sa aisle na kasama sila.” Napatango nalang ako sa sinabi niya at nagtuloy kami sa pagpasok sa loob.

Maayos kaming pinapasok ni Mom habang binigyan kami ang maiinom. Tiningnan ako ni Mom ng nakasalubong ang mga mata. Nag-good morning lang si Jasper habang mahigpit ang hawak niya sa mga kamay ko.

Hindi matigil sa pagsulyap si Mom sa kamay naming dalawa kaya naiilang nalang din ako. Maya maya ay umupo na si Dad.

Biglang kinabahan ang dibdib ko dahil sa pinupukol niyang mga tingin saaming dalawa.

“Good Morning Tita and Tito, we came here personally no I came here personally to ask for your permission to our marriage.” Hindi nakapagsalita si Mom and Dad

“No hindi ako papayag.” Madiing sambit ni Dad. Napapilkit ako sa sinabi niya.

“As much as possible we want our daughter to married an ordinary boy not like you that’s why we can’t give you our permission.”

“Dad naman.” Paggpipigil ko kay Dad.

“No. Elren.” Hinawakan ni Mom ang kamay ko at pinigilan.

“Makinig nalang muna kayo sa Dad mo.” Napahawak ng mahigpit si Jelan saakin.

“I am willing to show you that I can be an ordinary person in this family.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatingin si Dad saamin at mapaklang ngumiti.

“Then prove it…” aniya.

Nagpaalam kami ng maayos sa kanilang dalawa pero bago tuluyang umalis ay napasulyap muna ako sa bahay namin.

“Papaano mo i-po-prove yun?” tanong ko kay Jasper.

“I told you, I have my ways at hindi kita hahayaang mabigat ang dibdib because of your parents. Don’t worry. I can handle it.”

Bigo akong pumasok sa loob ng sasakyan at naniwala sa sinabi. I hope lang na makuha niya ang loob nila Mom base sa mga sinasabi niya.

VOTE, COMMENT

Dating In ContractWhere stories live. Discover now