Twelve

3.8K 124 4
                                    

Twelve

Jasper POV

"Chillax lang, hindi ka mauubosan ng alak" sinamaan ko ng tingin si Rio na hindi makapaniwala sa nangyare kanina.

"Alam niyo, kanina pa kayo. Lumayas na nga lang kayong dalawa." Inis na sambit ko sa dalawa." Tumahimik lang sila at maya-maya ay may pumasok na isang babae. Kaagad lumawak ang ngiti ko ng makita ko kung sino ito. Its Cheska, biglang tumiklop ang kaninang mapang-asar na si Rio at nanahimik.

Nilalaro lang ni Jel si Cheska samantalang ako naman ay kanina pa nakatingin sa Cellpone na hawak ko. Gusto ko siya tanungin kung sino ba yung kasama niya? At ganun na lang niya ito hawakan kanina. Nababaliw ako kakaisip.

Tinapik ni Raiden ang balikat ko at tinitigan ako ng kakaiba. "Call her and ask her."

"Like what?" sagot ko.

"About your thought." aniya at nagpaalam na magc-cr daw muna.

Huminga ako ng malalim at lakas loob na tinawagan siya. Bakit ba parang naduduwag ako kapag siya ang pinaguusapan?

Nakatatlong beses na ring sa kabilang linya at tsaka niya sinagot.

Sandali akong napangiti habang naririnig ko ang inaantok niyang boses. She must be sleeping.

"Are you sleeping?" malambing na sambit ko.

"Siguro? Hindi mo naman siguro ako makakausap kung tulog ako diba?" Palihim akong napangiti habang naririnig ang mga pamimilosopo niya.

"Can I ask a question?" huminga ito ng malalim.

"Sige ano yun." napilitang sambit niya.

"About the guy earlier, who is he? Boyfriend?" Bigla akong kinabahan sa isasagot niya at katahimikan ang narinig ko sakanya.

"Why are you asking? Sa tingin mo ba kung may Boyfriend ako papayag ako sa deal natin? At magiging first kiss ko kaya ang ginawa mo?" Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa sinasabi niya. So its not her boyfriend.

"Dont tell me, totoo ang mga sinasabi saakin ni Lucas kanina." aniya. Kumunot noo ako sa sinabi niya.

"Like?"

"That you are jealous of him." Nakagat ko ang ibabang labi ko at hindi sumagot sa sinabi niya.

Narinig ko rin ang katahimikan sa kabilang linya.

"Remember our cotract, you do not have a right to fall in love with me. I dont want to." aniya at tuluyan na niyang pinatay.

Napa-shit ako. I forgot about our contract. Maya maya ay tumunog ulit ang phone ko at mabilis na ngumiti ng makita kong siya ang caller.

"Yes." excited na sambit ko.

"By the way I forgot to tell you na you only have 3 hours to our next date. Nagamit mo na ang 2 hours this past few days, remember? Bye!" Naiwan akong napanganga sa sinabi niya. Ibang klase, siya lang ata ang kilala kong babaeng binibilangan ako ng oras sa tuwing nag-da-date kami.

*

Nahihilo akong pinipindot ang floor ng elevator habang hindi makatayo ng maayos, napatingin rin ako sa aking relo at alas tres na ng madaling araw. Ilang segundo pa ang lumipas at iniluwa na ako ng Elevator. Pagewang-gewang akong ipinapasok ang susi ko sa loob ng padlock ngunit ayaw pumasok ng maalala kong unit nga pala ito ni Elren.

Tumalikod ako at binuksan na ang tamang pinto ng unit ko. Nakahiga ako ng matiwasay sa sofa.

Kaagad din nabaling ang tingin ko sa isang pirasong papel, tinitigan ko ito ng maayos at kahit lasing ay nababasa ko pa naman ito.

Its the will and Testament.

"Jasper Madrigal and Henrem Drake Samson will takeover all our inheritance as long as they married Elren Vasquez"

Napahinga ako ng malalim, its Henrem again. Why of all my cousins si Hen palagi ang nagiging ka-komptensya ko. At ngayon kailangan ko nalang na sabihan si Elren na if he will approach her, she must avoid it. Napasabunot ako sa sarili ko. How can I control them for not meeting each other if magkatabi lang ang unit nila. Sumasakit ang ulo ko.

I know kapag nalaman ito ni Hen, hindi yun papayag na ako ang manalo saaming dalawa.

Pinilit ko nalang na itulog ang pagkalasing ko at tinanghali na magising kinaumagahan. Narinig ko kaagad ang boses ni Lola sa kabilang linya ng telepono. Here it go again, everyday reporting.

"Whats the status?" Tanong niya saakin.

"La, were still getting to know each other pa. Bakit ba minamadali niyo ako."

"Ano na ba ang nangyare sa pagiging babaero mo? Hindi ba tumatalab sakanya?" ani ni Lola. Napapikit ako sa mga sinasabi niya at tumayo para kumuha ng tubig.

"Hindi." Narinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya.

"Sabi ko na nga ba at iba si Elren." tuwang tuwa pa siya doon ah. Tumungga ako ng tubig.

"Ill hang up na, but be sure na makukuha mo siya or else sasabihin ko ito kay Henrem" Napahinga na lamang ako ng malalim at pinatay ko na ang tawag niya.

Nagayos ako ng sarili at tuluyan ng lumabas ng unit ng bigla ko siyang makasalubong.

"Youre Late." aniya saakin at nagumpisa na din humakbang

"You too." tanging nasambit ko at sumunod na sakanya sa paglalakad.

"Kailan ang next date natin?" sabi ko.

"Kailangan pa ba?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"You didnt even apolize to me kagabi, at gusto mo makipag-date ako agad sayo?" Tumunog na ang elevator at nauna na siyang lumabas at nagtungo sa Parking Area. Is she want me to drive her? Kaagad akong napangiti knowing na maihahatid ko siya ngunit-

"Sayo yan?" tanong ko rito habang binubuksan ang kabilang sasakyan.

"Yep"

"kailan pa?" tanong ko.

"Tingin mo saakin poor, matagal na to. Grounded lang ako kila Mom kaya yung about sa Car na Benefit ko, disregard mo nalang. Di ko na kailangan."

"Pero akala ko sasabay ka saakin."

"At bakit? Boyfriend ba kita at may taga hatid sundo ako?" Inirapan niya ako at tuluyan ng sumakay sa sasakyan niya, malaki ang hakbang ko at binuksan ulit ang pinagupuan niya (Driver sear). Nagkatitigan kaming dalawa.

"B-bakit hindi pa ba?" Lumapit ako sakanya na kinalaki ng mata niya.

"May camera man sa kabilang sasakyan, remeber I need your permission para maayos ang reporting nila kila Lola." Titingnan niya pa sana ang kabilang kotse pero mabilis ko ng hinarang ang katawan ko at naramdaman ko nalang ang pagdapo ng labi niya sa pisngi ko.

Why my heart is beating faster? Itinuak na niya ako at sinarado ang sasakyan at tsaka pinaharurot.

Samantalang ako tulala sa ginawa niya at pinagpapawisan ng malagkit.

VOTE, COMMENT

Dating In ContractΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα