Twenty Three

3.2K 93 0
                                    

Twenty Three

Kaagad kong patakbong nilapitan si Jasper na nanginginig ang buong katawan  dahil sa nakita niya. Pinipigilan ko ito dahil siguradong sigurado akong magaaway lang sila.

Hinawakan ko ang kamay niya at nangusap sa mga mata niya ngunit parang wala siyang nakita. Nagtuloy lang siya sa paglalakad hanggang sapilitan niyang itinayo si Hanrem sa pagkakaupo at hinawakan sa kwelyo. Omygod.

Sinuntok niya ito dahilan para tumilapon si Hanrem sa buhanginan.

"Ano ba, tama na!" Inis na inis na sambit ko sakanila.

Nakita ko pa ang pag-ngisi ni Hanrem at tumayo na rin para suntukin si Jasper pero maagap na nakaiwas ito at sinuntok na naman niya si Hanrem.

Tumigil na kayo. Please.

Kinakabahan ako habang hindi ko sila maawat. Gusto ko ng pumagitna sa kanilang dalawa pero hindi ako makahanap ng tiyempo.

"ANO BA, TUMIGIL NA KAYO!" frustrated na sigaw ko.

Ngunit para lng akong hangin na hindi nila naririnig. Nagsusuntukan padin silang dalawa, natataranta na ako. Nalingon na din ako sa paligid upang maghanap ng taong pwede mang awat ngunit wala akong makita.

Ano naaa. Nakita ko na ang duguan nilang mukha hanggang sa naglakas loob akong hinawakan ang magkabilang braso nila at kumuha ng lakas para paghiwalayin sila.

"TAMAA NAAAA!" Napatigil na sila sa pagsusuntukan at napatingin saakin. Hinawakan ko ng mahigpit ang balikat nila dahil sa galit na nararamdaman ko.

"Are you stupid." Galit na litanya ko sakanilang dalawa.

"Not even in my dream, walang sumagi sa isip ko na may magaaway na dalawang lalaki para saakin." Tinitigan ko sila ng masama.

"If you want to kill each other, THEN GO! Wala akong pakialam kung magpatayan kayong dalawa, basta huwag na huwag niyong ipapakita saakin." Nilayasan ko sila. Naramdaman ko pa ang paghawak sa kamay ko ni Jasper pero kumawala ako.

Masikip ang dibdib ko habang paalis sa lugar na iyon, hindi rin matigil ang pagpatak ng luha sa mata ko. Dala na rin siguro ng sobrang sama ng loob. Nagkulong ako sa kwarto matapos nun, ayokong makita kahit na isa ang mga pagmumukha nilang dalawa.

Ngayon pang nalaman ko na sila ang isa sa sponsor ng seminar. Ayoko ng lumabas ng kwartong ito.

"Mag-ayos kana." Napilitan akong naghanda dahil sa sinabi ni Ms. Delos Reyes.

Palabas na kami ng Room habang may kanya kanya kaming hawak na Notebook and Ballpen. Halos wala ako sa mood habang papasok ng Event Hall. Isa-isa kaming binabati ng mga kapwa guro pero dahil sa wala ako sa mood makipagbatian ay pinili ko na lamang maupo sa upuan ko at magkulikot sa Phone.

Hinayaan kong si Ms. Delos Reyes ang maglibot libot. Mas lalo ring nagsalubong ang kilay ko ng makita ko si Hanrem na ngiting ngiti pa habang may band aid sa mukha. Napairap ako sa kawalan. Mga bwisit kayo!

Itinuon ko ulit ang atensyon ko sa Phone at kaagad na naginit ang ulo ng maramdaman kong tumabi na naman si Kumag. Binigyan niya ako ng maiinom. Pero hindi ko siya pinansin.

Hindi ko din itinuon sakanya ang atensyon ko. Maya maya ay narinig kong may bumati sakanya kaya napaalis siya sa pwesto ko.

May nagsalita na rin sa entablado kaya nafocus na naman doon ang atensyon namin, naupo na din sa tabi ko si Ms. Delos Reyes.

5 speaker ang mag se-seminar at ang masklap pa doon ay isa si Kumag sa mga iyon.

As if naman may matututunan kami sakanya.

Habang nagsasalita siya sa unahan ay hindi ko magawang tumingin sa entablado at wala rin akong balak na pakinggan siya. Kapansin pansin din ang pagkikislapan ng mga mata ng guro doon habang nagsasalita siya. Nag-cellphone lang ako at kinukulit na itext at magreply saakin si Enid.

Siniko ako ni Ms. Delos Reyes.

"Diba boyfriend mo yan?" Ininguso niya si Jasper.

"Nope." Sagot ko.

"Anong hindi, sa pagkakatanda ko siya yung palaging nagaabang sayo sa labas ng school at sabi mo kahapon Ou."

"Mali lang po kayo ng rinig Mam." Tanging naging tugon ko at nagpaalam na muna sakanya na mag c-cr lamang ako.

Nanatili ako ng ilang minuto sa cr para lang hindi ko marinig ang boses niya, naiinis ako. Kapag napapapikit ako, naalala ko ang suntukan nila kagabi. Kapag nakikita ko naman si Hanrem, naiinis ako dahil sa ginawa niyang paghalik saakin.

Nanatilin ako ng halos trenta minutos sa loob ng cr, wala na akong pakialam kung may maghanap man saakin sa labas.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at tsaka tuluyang lumabas. Nasa venue na ulit ako ng makita kong nagsisikainan na ang mga tao. Nilapitan na din ako ni Ms. Delos Reyes.

"Saan ka galing?" Tamong niya saakin na animoy kinakabahan.

"Nag cr lang po." Sagot ko.

May bigla siyang tinuro sa table namin.

"Kanina ka pa nila hinintay." Pinaningkitan ko na naman ng mata ang dalawang lalaki na kumakaway saakin ngayon.

Kapansin pansin din ang sama ng tingin ni Jasper kay Hanrem.

Ginigigil na naman nila akong dalawa. Galit akong nagmartsa papalapit sakanila.

"Ano na naman bang ginagawa niyo? Bakit kayo nandito sa table ko?" Inis na litanya ko. Sinulyapan ko ang makahulugang tingin ng mga tao saakin.

"Gusto kitang kasabay" at sabay pa nilang sinabi iyon.

Napangisi ako ng mapakla.

At masamang tinitigan sila. "Ano tayo ngayon, naglalaro kung sino manalo sainyong dalawa. Ako premyo?" Sarkastikong sambit ko. Kung may kutsilyo lang akong hawak baka kanina pa  may saksak itong mga ito.

"No!" Sabay na naman sila. Napairap ako sa kawalan at nilayasan sila. Gusto kong sumigaw, nang-gigigil ako!

Pagkalabas ng venue ay napasabunot ako sa buhok ko, talagang wala ng mapaglagyan ang gigil ko.

Inihagis ko din ang sapatos na suot ko dahil sa inis at tsaka ko lang naisip na iyon nga lang pala ang sapatos na dala ko.

O gosh!

VOTE, COMMENT

Dating In ContractWhere stories live. Discover now