Twenty Five

3.5K 89 0
                                    

Twenty Five

“Where are you?” tanong ni Jasper sa kabilang linya.

“Why?”

“Sabay tayo mag-lunch.” Anyaya niya saakin. Tiningnan ko lang sandali si Enid. Nasa Hospital kami.

“Di ako pwede and beside baka nakakalimot kana sa Rule natin, bukas pa tayo pwedeng magkita. Nagba-violate kana.”

“Nagtanong lang naman ako.”

“Puno schedule ko. Sa iba ka magpasamang kumain.” Tanging naging sambit ko at pinatayan na siya ng phone. Tumabi na ulit ako kay Enid para alalayan siya. She is 2 weeks pregnant at nandito kami sa OB to make sure, tinago din muna namin ito kay Jelan dahil malapit na ang birthday. I was suggesting na ito ang birthday surprise namin sakanya.
Napahawak ako sa kamay niya, bakit parang mas ako ang kinakabahan sa pagpasok niya sa loob ng kwarto. Pakiramdam ko ako ang buntis dahil sa kabang nadarama ko.

Tiningnan ko si Enid na hindi maipaliwanag kung natatae ba siya o ano.

“Mrs. Lopez.” Kaagad akong napatayo ng tinawag ang apilyedo niya. Hindi padin talaga ako sanay na Lopez na ang apilyedo niya at hindi Vergara.

Ilang minuto akong naghintay sa labas at nakangiting si Enid ang binulaga kaagad saakin.

Naghintay ako sa sasabihin niya… “It’s confirmed.” Halos magtatalon ako sa tuwa doon, hindi mawala wala ang sigla sa abi ko.

Woah. My Best friend will be a soon to be mother na… I just can’t, parang mas magugustuhan ko ang magiging reaksyon ni Jelan sa oras na malaman niya ito.

Sa isang healty na restaurant kami kumain at hindi ako umorder  ng pork or something na alam kong hindi ganuon ka magiging healty sa baby. Puro mga veggies ang pinakain ko sakanya na kinasimangot ng mukha niya.

“Ginawa mo naman akong kambing dito, puro damo.” Sabi pa niya. Binigyan ko siya ng another seat ng salad vegetable.

“Mas heathy yan sa Baby…” sambit ko.

Nakasimangot siyang kumain habang ako naman ay nag-juice lang. Kumain na rin kasi ako kanina sa bahay bago umalis, dumalaw na naman si Mom at nangungulit na naman sa blind date na ipapadate niya saakin this Wednesday.

At ang isa pa sa kinababahala ko ay ang baka masira na naman ni Jasper ito. Papagalitan na naman ako ni Mom.

“Kamusta na nga pala kayo ni Jasper?” tanong niya habang kumakain

“Were good.” Sagot ko.

“3 Months na ba?” tumango ako habang umiinom.

“So nakaka-kalahati na pala kayo? So kamusta?” Anong feeling?”
Napaisip ako sa sinabi niya. “Hmmm, nothing. Masaya lang siya kasama.” Tipid na sagot ko sakanya.

“Si Rem ba sumusulpot padin?” Napairap ako at itinuon ang sarili sa juice.

“Ou araw-araw. Hindi ko nga alam kung anong sumagi doon sa lalaking iyon at nililigawan ako. I mean, pinaglalaruan ba ako nung dalawang mag-pinsang iyon? Meron ba silang hindi sinasabi saakin?”

Napangisi si Enid. “Tanungin mo.”

Natahimik na ulit kamig dalawa at tanging ingay lang ng kutsara ni Enid ang naririnig.

“W-Wala kana palang kasamang uminom ng alak for 9 months.” Sabi niya habang hinihimas ang tiyan niya.

“It’s okay as long as magiging kamukha ko yang baby mo.”

“No. Kay Jelan dapat.”

“Para ano? Para dalawa na silang tinititigan mo?” Tumango-tango naman ang gaga. Psh. Ibang klase.

~*~
Pagod kong ibinagsak ang katawan ko sa couch ng Unit at in-on ang TV. Hinayaan kong lamunin ako ng samut-saring balita ng makatanggap ako ng doorbell. Tamad ko lang pinagbuksan ito ng pinto.  Nakita kong si Jasper ang iniluwa nito.

“Bakit kana naman nandito?” nakatuxedo pa ito habang may bitbit na pagkain. Bucket of Chicken, beer and Ice cream.

“Wala pa akong kain.” Aniya nagtuloy na sa pagpasok sa loob.

“Araw-araw kana lang nandito. Dapat matagal ng tapos ang contract natin dahil sa oras na nasasayang.”

“Nope. Nope. We both agree na planado lahat ng date.” Aniya habang nilalabas ang pagkaing dala niya. Kinuha ko lang ang bag ko at nagpunta sa kwarto upang magpalit ng damit.

Pagkalabas ko ay nagpaalam na muna ito saakin para makapagpalit. Handa na ang mga pagkain kaya naupo na lamang ulit ako sa couch at hinintay siya. Nag doorbell ulit ito.

Nakashort na siya at simple black t-shirt. Pasado alas otso na ng gabi, ngayon palang siya kakain?

“Wala na naman ba kayong meet-up ngayon?” tanong ko rito. Baka kasi kinamumuhian na ako ng mga kaibigan niya.

“Wala, at nagbagong buhay na ako.” Lumapit pa siya saakin at bumulong. “Dahil sayo.” Napa-tsk lang ako at naupo ulit sa couch. Inilapag niya sa mesa doon ang pagkain at inabutan ako ng maiinom.

Nakipag-cheers pa ang kumag saakin.

“Hows your day, busy mo ata ngayon?” tanong niya.

“Ou.” Hindi ako tumitingin sakanya at tanging nanunuod lang ako ng balita.

“Bakit? Ano palang pinagkaka-abalahan mo?” tanong niya. Tiningnan ko lang siya at nag-focus ulit sa pinapanuod ko.

“Something personal.” Sagot ko.

“Talaga lang ha!” sabi niya. Maya-maya ay umalingawngaw na naman ang doorbell. Napapikit ako ng makutubuan ko na kung sino ito.

Nakangiting binati ako ni Hanrem habang inilahad saakin ang pagkaing dala niya, Bucket din na Chicken, Beer at Ice Cream. Napangisi ako ng mapakla at walang nagawa. Sa araw araw nalang ba na ginawa ng Diyo pagtatagpuin nalang ba ang buhay namin tatlo?

Simula nung seminar halos hindi ko na maihiwalay ang sarili ko sa dalawang ito. Gabi gabi silang narito sa bahay ko para lang samahan ako. Hindi ko naman sila mapagtabuyan dahil Building nila ang tinutulugan ko.

“Magpinsan nga kayo!” Tanging naging tugon ko at naupo na ulit sa pwesto ko kanina.

“Are you here again?” iritableng sambit ni Jasper sakanya.

“Yeah, and you too.” Sagot naman nito. Naupo na sa tabi ko Hanrem at mabilis namang hiniwalay ni Jasper.

Napahinga ako ng malalim at kinuha ang beer na iniabot saakin ni Jasper pero maagap na kinuha ni Hanrem at binigyan ako ng bagong beer na dala niya. Napapapikit na ako sa pagkairita.

Halos hindi na ako maka-focus sa panunuod ko dahil sa kompetisyon nilang dalawa saakin. Kanina padin nila ako natatabing dahil sa tinutulak ni Jasper si Rem para lumayo saakin.

Pati pagkain ko ng chicken kailangan kong mamili sa dalawa. Sa sobrang pagkainis ko ay padabog kong inilapag ang beer na hawak ko.

“ANO BA!!!! TIGILAN NIYO NA AKO.” Sigaw ko sakanilang dalawa at nagmartsa papasok sa kwarto at padabog na sinarado ito at nilock.

Mukhang saating tatlo kayo ang mas kailangan ng oras.

Dalawang buwan niyo na akong pine-peste. My god!

VOTE, COMMENT

Dating In ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon