Thirty Eight

3.2K 94 2
                                    

Thirty Eight

Malungkot akong lumabas sa Event Hall na iyon at naupo sa may Park ng Hotel. In-off ko din ang phone ko na kanina pa tunog ng tunog. Pinagmasdan ko ang mga taong nasa paligid nang may makita akong apat na taong pamilyar saakin, tatlo silang lalaki at isang babae.

Nagtama ang tingin namin nung isa at iginaya niya ang mga kasama niya patungo saakin.

“Elren Right?” tanong nito saakin. Nanlaki ang mata ko at napangiti, ito nga pala yung mga kaibigan niya. Si Jel, Rio, Raiden at… Tinitigan ko yung babae. Nakalimutan ko pangalan niya.

“Cheska.” Pakilala niya saakin. Ngumiti ako bilang tugon sakanya.

“B-Bakit wala ka sa loob?” tanong nung Jel saakin.

Naiilang lamang akong ngumiti sakanila. Lumapit saakin yung Cheska at bumulong. “Youre beautiful.” Sabi niya. Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

“Ikaw din…” sambit ko naman sakanya. Nakatuxedo silang tatlo na kitang kita ang pagka-masculine ng mga mukha nila. Kahit ako hindi maitago ang pagkamangha sakanila, at natotomboy naman ako dito sa babaeng nasa tabi ko.

“Hindi pa kami napasok sa loob, do you want to go with us?”

“No, hindi na. Dito na muna ako…” Sinamaan ako ng tingin nung Apat.

“Hindi ka mabo-bored kapag kasama mo kami.” Kinindatan pa ako nung Jel sa sinabi niya at wala na akong nagawa dahil iginaya na ako nila. Malayo palang kami sa Entrance ay makikita mo na kaagad ang mga kabilaang mga Flash ng mga reporter.

“Relax” bulong saakin Cheska. Ginawa ko ang gusto niya, kahit na nakakasilaw ang mga bati saamin ng reporter ay pinilit kong maging kalmado.

At nang nasa harap ko na siya ay kaagad na napaiwas ang tingin ko sakanya. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba at napapatanong, gusto ko ba talaga ito?

Gusto ko ba talagang magpagusapan ng mga tao? Isa isang nakipag kamay yung tatlo sa mga taong naruon at narinig ko pa ang pagbulong ni Cheska sakanya.

“Don’t worry about her, ako ang bahala.” Sabi niya. Lumawak ang ngiti ni Jasper dahil dito.

Nagtagpo ang mga kamay namin at may balak sana siyang halikan ang kamay ko ngunit maagap ko ng hinila ito.

Sorry, but I think I am not ready for this kind of world. Bakas sa mukha niya ang pagtataka sa ginawa ko kaya sumunod na ako sa kung nasaan sila Cheska. Naaliw ako sa buong process ng event dahil dito sa mga kasama ko at buong event ko din halos hindi makausap ng maayos si Jasper dahil mayat maya ang tawag sakanya ng Family niya.

Habang pinagmamasdan ko siya na nagsasalita sa entablado ay masaya and at the same time, nalulungkot ako. Sana after our contract makakabalik ka sa dating mundo mo. Pakiramdam ko kasi masyado kitang nadala sa mundong ginagalawan ko kaya hindi ko nakita noon na nasa langit ka pala.

At hindi rin ganito ang buhay na gusto ko.

“Are you okay?” Kaagad nabaling ang tingin ko kay Cheska na kanina pa pala nakatingin saakin.

“Yes.” Mabilis na sagot ko.
“May masakit ba sayo? Are you not feeling well? Ang tahimik mo” tanong niya saakin na may halong pagaalala.

“Nope. Okay lang ako. ” Tipid ko siyang nginitian at nagpaalam sakanila na mag c-cr muna ngunit nakita ko ang sarili kong naglalakad sa pinagpwestuhan ko kanina.

Naupo ako doon habang hinihilot-hilot ang paa kong sumasakit dahil sa heels. Nararamdaman ko din ang sakit ng binti ko. Nanatili ako sa ganuong posisyon ng may makita akong may mahabang takong ang nakatayo sa harap ko. Tiningnan ko kung sino ito, Its Jade again. She’s wearing a black dress na hapit na hapit sakanya.

Nakataas ang kilay niyang nakatingin saakin.

Tinigil ko ang pagmasahe sa paa ko at hindi siya nagawang tingnan…

“I Told you, he will not going to introduce you as his girlfriend.” Pang-una niya saakin. Mapakla ko siyang tiningnan.

“And you know why?” Pagmamataray ko din sakanya. Inirapan niya lamang ako. “Because I said so.”

Naupo siya sa tabi ko at masamang tiningnan ako. “I already told you that he will going to marry me after you. Kaya ikaw…” tiningnan niya ako mula ulo hanngang talampakan.

“You were just like your heels pilit na isinusuot kahit hindi naman siya belong…”

Napairap ako sa kawalan habang seryoso ring tinitingnan siya.

“And you were just like your dress; your personality does not belong to your face.” Iritable akong tumayo sa pagkakaupo at masama ulit siyang tiningnan.

“At F.Y.I hindi ako nanghihimasok sa buhay ng isang tao, he is the one na pumunta sa mundo ko.” Naiwan siyang galit na galit doon habang ako naman ay napahawak sa phone ko at tinext si Jasper.

I’ll go ahead, I’m tired. Thank you.’

At pinatay ko na ang phone. Sa sobrang pagkainis ko ay tinanggal ko ang heels na suot ko at nagyapak na lamang habang papalabas ng Event Hall na iyon.

Buti nalang at wala ng mga reporter dahil halos lahat sila ay nakapasok na sa loob. May nabangga pa akong dalawang matanda na muntik ng matumba dahil saakin. Tinulungan ko muna ito habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.

Pagkapasok ko sa loob ng Taxi ay napasulyap muna ako sa loob nito.

Sorry.

Napasulyap ako sa Sapatos na dala ko at nagiisa nalang ito, nasaan na ang kapares. Oh shocks. Naiwan ko pa ata sa Entrance nung tinutulungan ko yung dalawang matanda.

Kamalas, malasan nga naman…

VOTE, COMMENT

Dating In ContractWhere stories live. Discover now