Five

4.4K 145 3
                                    


Five

Napahalukipkip ako habang nakamasid sa nagbabasang si Jasper, kunot noo niyang binabasa ang Contract na ginawa ko.

"Seryoso once a week and 1 hour?" paninigurado niya.

"Ou, bakit may reklamo ka?" nakataas kilay na utas ko.

"Masyado naman ata akong lugi diyan. Magtataka sila Lolo."

"At bakit? Ang mahalaga, nakikipagdate ako sayo."

"No, hindi mo nakukuha ang punto ko. Kahit na pumayag ka na makipagdate saakin instead na magpakasal, they still need a proof na dini-date kita. Baka nga may alagad siya sa paligid natin, at sinusundan tayo." Napasulyap kaagad ako sa paligid ko.

"Di nga?"

"Business man yung mga yun at sa tingin mo ba hahayaan lang nila ako? They still need a proof na dini-date kita."

"T-teka nga, bakit ba kasi nasali yang pagpapakasal mo sa will nila? Hindi ko lang maintindihan. Bakit?" seryosong seryoso tanong ko.

Sumeryoso din ang tingin niya saakin "It's because I'm a womanizer? Playboy? And most importantly I do not believe in Love or Marriage."

Tiningnan ko siya ng kakaiba. Ah so pareho din pala kami ng paniniwala.

"Ah kaya ba pinupwersa ka nila na pumasok sa isang relasyon para maiba naman yang pananaw mo?" nagkibit balikat siya at ininom ang inumin na nasa table.

"Maybe?"

"Then bakit ako?" nagtatakang tanong ko. "I mean pwede naman yung isa sa mga naka-fling mo o isa sa may gusto sayo? Di ko lang maintindihan yang mga Lola mo. At saan naman nila ako nakilala?"

Mas lalong sumeryoso ang tingin niya saakin. "Sigurado ka ba talaga na hindi mo sila kilala? Pinikot?." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Okay, okay. Sorry, sorry. Babasahin ko ulit." May nakita akong krinos-out niya doon at nagbasa ulit.

"I agree to number 1 of your Golden Rule. So dapat manghihingi ka din ng permission saakin kapag hahawakan mo ako ah?" ayan na naman siya sa mga pang-womanizer na tono ng boses niya, pilit nalang akong ngumiti habang umiinom. As if naman na hahawakan ko siya. Feelingero!

"So the number 2 is never fall In love?" tiningnan niya ako ng kakaiba. "Makakaya mo kaya?" gusto kong masuka sa mga sinasabi niya.

Tinitigan na naman niya ako ng tagos na tagos... "Believe me, walang nakaka-resist saakin." Gustong gusto kong masuka sa mga pinagsasabi niya at ang sarap sarap niyang batuhin nitong basong hawak ko.

"Sila yun, huwag mo ko ihilera sa mga babae mo."

"Talaga lang ha?"

"Talagang-talaga."

Hindi mawala-wala ang ngiti niya habang nagbabasa ulit.

"Oh akala ko ba hindi ka manghihingi ng kapalit? Asan na yung babaeng tumatangi nung nakaraang lingo." Napa-ahem ako sakanya at bumwelo na magsalita.

"H-Hindi naman pu-pwede na benefit lang sayo lahat, narealize ko lang na hindi naman pala ako mapagbigay. At walang wala naman ang hinihingi ko kumpara sa Yamang mapupunta sayo." Mahinahong pagra-rason ko.

Napatango tango siya sa sinabi ko at inilapag sa harap ko ang contrata. Naka-cross-out roon ang 1 hour, ginawa niya itong 5 hours.

"Ang haba naman, ayoko ng 5 hours?"

"No. We need 5 hours lang para sa proof, masyadong maikli ang 1 hour. At hindi ko rin naman ginusto na makasama ka sa limang oras" sinamaan ko siya ng tingin.

"The feeling is mutual." Tanging naging tugon ko. Pinagmasdan ko ulit siya iniinom niya.

Hindi rin naman talaga maipagkakaila na may itsura nga naman siya, itsura lang ah. Ayoko sabihing gwapo dahil nakakadiri. Eww.

Nakita ko ang biglaang pagtayo niya, kinunutan ko lang ito at sinundan ng tingin.

"Ano pang ginagawa mo? We still have 4 hours. Hindi naman siguro tayo magtititigan dito diba?" I rolled my eyes sa harap niya at tumayo na din.

Sinundan ko siya hanggang sa makasalubong ko sa pinto sila Enid at Jelan. Kaagad lumapad ang ngiti ko ng makita ko silang dalawa.

"Yah!" masiglang bati ko sakanilang dalawa.

Lumapad din ang ngiti ni Enid ng makita ako, tiningnan lang din ako ni Jelan. Tss. Nakapang-doctor gown pa si Jelan habang nauna ng maglakad saaming dalawa.

"Malapit nga lang pala ang Hospital dito." Pumasok ulit ako sa loob kasabay si Enid.

"May kasama ka?" tanong niya saakin habang sabay kaming naupo roon.

"Ou, pero di na importante yun." Sagot ko.

"Kayo? On break lang ba siya?" tanong ko, malungkot na tumango tango si Enid sa sinabi ko.

"I see."

Naupo narin sa tabi ni Enid si Jelan habang sinasamaan ko siya ng tingnan.

"Ikaw di mo man lang ba ako babatiin? Tahimik mo na naman." Tiningnan niya lang ako at sumulyap ulit kay Enid.

"Nga pala Jelan, wala ka bang ipapakilala kay Elren? Balita ko may-" Hindi na natapos ni Enid ang sasabihin niya ng sabay sabay kaming mapatingin sa lalaking ang sama ng tingin saakin.

"S-sino ka? T-teka pamilyar ka?" ani ni Enid. Awkward akong napangiti kay Enid habang umiba din naman ang timpla ni Jelan dahil sa pagsasalita ni Enid.

Napalunok na ako dahil para na akong kakainin ng buhay nitong lalaking ito.

"Are you Mr. Jasper Madrigal?" seryosong sambit ni Enid. Napapikit ako sa sinabi niya pero hindi padin siya magawang pansinin nitong kumag na ito.
Dahan-dahan akong napatayo at nagulat ng sapilitan niyang hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang higpit nang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pinilit ko ring kumawala pero ang higpit at nasasaktan ako.

Napatayo na rin si Jelan at hinawakan si Jasper.

"You're hurting her." Bulalas niya.

"And who are you?" Mas lalo akong kinabahan dahil sa titigan nilang dalawa.

"We are her friend, and you?" mapaklang napangisi si Jasper at matalim na tiningnan si Jelan.

"I am his boyfriend!" Napanganga kaming tatlo sa sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, hinila niya ako palayo doon. Tumingin ulit ako sa direksyon nila Enid at hanggang ngayon ay nakatanaw pa din sila saakin. Sumenyas nalang ako sa mahal kong kaibigan na magte-text ako at hinayaang magpati-anod sa paghila ng kumag na ito.

Padabog niya akong binitawan sa Parking. Napahimas himas din ako sa kamay kong nagmarka ang kamay niya. Mabilis pa naman ako magka-pasa. Papagalitan ako ni Mama kapag nakita niya ito.

"What the hell Elren..." galit na salubong niya saakin. Kinabahan ako, hindi ako makapag-react sa emosyong inilalabas niya.

"I am execting you na nakasunod ka saakin and the hell pagtingin ko wala ka?" galit na galit na sambit niya.

First time ko makitang magalit siya at nakakatakot. Ou na fault ko na, nakalimutan ko or should I say kinalimutan kong may kasama nga pala ako.

"Tandaan mo, based on our contract we have 5 hour to spend together every week at ibig sabihin nun YOU. ARE. MINE. FOR. FUCKING. 5. HOURS"

Tuluyan ng bumagsak ang katawang lupa ko dahil sa sinabi niya. Dala na siguro ng sobrang takot sa pinapakita niyang emosyon ay sobrang kabog ng dibdib ko. Gusto ko nalang na maglaho ng parang bula kaysa makita ang galit na titig niya.

Gusto kong mag-sorry pero nakakatakot.

VOTE, COMMENT

Dating In ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon