Forty Five

3.5K 119 0
                                    

Forty Five

Dali-dali kong pinuntahan si Jelan na kakarating lang sa pwesto ni Enid. Nagtataka pa siya habang nakikita akong nakatingin sakanya.

“What happen?” sabi ni Enid.
Hindi matigil ang pagtulo ng luha ko habang itinuturo si Jasper na nakahiga sa hospital bed. Dali-daling pinuntahan ni Jelan si Jasper at sinuri ito. Nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya, pinakalma din ako ni Enid habang nakahawak sa kamay ko.

Makaraan ang ilang minuto ay may kinausap lang si Jelan na nurse at bumalik saakin.

“Overwork at stress, di rin ata siya nagkakakain.” Sabi niya saakin.

“M-Malubha ba yun?” nauutal na tanong ko sakanya.

“Walang namamatay sa ganun don’t worry, kailangan niya lang ng pahinga at tamang pagkain.” Hinawakan na niya ang balikat ko at tsaka iginaya si Enid paalis sa lugar na iyon. Nagpaalam lamang saakin si Enid at tsaka nauna na.

Naiwan akong nakatulala sa payapang natutulog na si Jasper habang hindi parin matigil ang paglandas ng luha sa mga mata ko, hindi kalaunan ay may dumating na isang lalaki at clueless na tiningnan ako.

“K-Kilala niyo po si Sir Jasper?” Tanong niya saakin. Tumango ako sa sinabi niya .

“Can I stay here for a while makita ko lang siyang gising, aalis na ako.” Nagtataka siyang napatango sa sinabi ko at tsaka inilabas ang phone ni Jasper at ipinatong sa tabi nito ngunit pasimple ko lang itong kinuha. Sinubukan kong patayin ito para sana makapagpahinga siya ng maayos ng mas lalong tumulo ang luha ko ng makita ko ang sarili ko sa screen ng phone niya.
Umalis muna ako sa Emergency na iyon at bumili ng makakain, pinilit ko ring pakalmahin ang dibdib ko dahil sa mga nangyayare. Nagtungo ako sa pinakamalapit na convenience store at bumili ng maiinom at makakain niya.

Pagkabalik ko ay natigilan ako sa paghakbang ng magtama ang tingin naming dalawa. Gising na siya.

“E-Elren.” Tawag niya ng pangalan ko.

Naglakas loob akong lumapit at pikit matang inilapag sa harap niya ang pagkaing dala ko.

“Why are you here? Diba ang yaman yaman mo? Naubusan na ba ng pera yang kompanya mo at hindi kana nagkakakain.” Bulalas ko sakanya. Tinitigan niya lang ako.

“K-Kumain ka ng maayos.” Sambit ko at aalis na sana ngunit maagap niyang hinila ang mga kamay ko at hinawakan.

“I can’t eat. I miss you so much.” Biglang lumandas ang luha sa mata ko dahil sa sinabi niya.

“C-Can you stay here for a moment?” Mabilis kong pinunasan ang luha sa mga mata ko at tiningnan siya.

Kinuha ko ulit ang binili kong pagkain at naupo sa harap niya, ramdam na ramdam ko ang mga titig niya sa bawat ginagawa ko. Inuna kong buksan ang tubig na hawak ko at iniabot sakanya. Sunod ay ang sandwich na binili ko.

Mabilis niyang sinubo ang sandwich habang nakatingin padin saakin.

Pinanuod ko lang siya sa bawat pag-nguya niya. “Did you enjoy your vacation?” natigilan ako sa pagpapanuod sakanya at diniretso ko ang tingin sa mga mata niya.
Papaano niya nalaman? Cluless akong nakatingin sakanya.

“And I bet you also enjoy your date yesterday.” Dugtong na sabi niya saakin.

Uminom na siya ng tubig at nakangiting tumingin saakin. “It’s my 3rd time in this hospital, kilala na nga ako ng mga nurse because ako lang ata ang palaging dinadala dito ng same sickness and same diagnoses.”

Hindi ako makapagsalita sa mga sinasabi niya.

“I am sick dahil gumagawa ako ng excuses para makita ka. Baka sakaling bumalik ka saakin kapag nalaman mong nagkakasakit ako.” Tuluyan ng bumagsak ang luha sa mga mata ko.

“B-Bakit mo ba ginagawa lahat ng to?”

“I am nothing without you Elren.” Sabi niya.

Mas lalong naging madiin ang pagpikit ko sa aking mga mata habang tumatagos saakin ang mga sinasabi niya.
Ang kamay kong hawak niya ay tuluyan na niyang hinila upang mayakap ako. Idiniin niya ang hininga niya sa leeg ko habang sabik na sabik ang pagkakayakap saakin.

Ramdam na ramdam ko sa paghinga niya ang init na kanyang katawan… Napahinga ako ng malalim at tsaka tinanggap ang pagyakap niya saakin.

“Everything will be fine, Jas.” Bigkas ko

“No, everything will be fine if you will go with me.”
“Just give me time, I need more time.” Tanging naging bigkas ko at tuluyan na siyang kumawala sa pagkakayakap niya.

“So youre saying na youre giving me another chance?” wala sa loob akong napatango sa sinabi niya. Ang lapad ng ngiti niya dahil sa sinabi ko.

Biglang gumaan ang puso ko dahil sa mga ngiti niya. Wala naman sigurong masama kapag susubukan ko ulit na kilalanin ka.

VOTE, COMMENT

Dating In ContractWhere stories live. Discover now