Sixteen

3.5K 116 2
                                    

Sixteen

Awkward kong tinulak siya ng makarinig ng Doorbell. Sinamaan ko ito ng tingin.

Magtutuos tayo mamaya. Tiningnan ko muna kung sino ba iyong nag-doorbell at kaagad nanlaki ang mata ko ng makita kong Si Mom ito. Natataranta ako bigla at binalikan ang naguguluhang mukha ni Jasper.

"Mag-Magtago ka." tinutulak ko siya sa kwarto ko.

"Ha, why?"

"Nandito si Mom. Magagalit saakin yun."

"So?"

"Kakainin ako ng buhay nun. MAGTAGO KA!" galit na litanya ko sakanya. Nagmamadali na nga ako, ayaw niya pa ako pakingaan.

Dinala ko siya sa closet ko at sinarado ito. Bahala kana doon sa loob. Inalisa ko muna ang buong kabahayan kung wala na ba akong nakikitang bakas niya, tinabi ko lang ang isang plato at kutsara tsaka si Mom pinagbuksan ng pinto.

"Bakit ba ang tagal tagal mong buksan ang pinto." Ngumiti ako.

"Nag-cr kasi ako Ma." pagpapausot ko. Nagtungo kaagad siya sa kusina at inalisa ang pagkaing niluluto ko.

"Madami ito para sayo ah. may kasama ka ba?" Napaiwas iwas ako ng tingin.

"Wala ah! Para mamaya ko yan. Iinitin ko nalang." May dala siyang may lutong gulay at isa-isa niya lang itong inlalapag sa refregerator ko.

"Nabanggit saakin ni Enid kung bakit mo nakuha ang unit na ito." Sinaamaan niya ako ng tingin.

"Do you really need to date that guy?" Dugtong pa niya.

"Opo, nasa will daw po ng Lolo at Lola niya?" Huminga siya ng malalim at hindi ako pinansin.

After niyang magayos ng mga dala niya ay seryoso siyang tumingin saakin.

"Kailangan kong makita ang will at ang contract mo. Elren ayokong naglilihim ka saakin and beside gusto ko nakikipag date ka padin sa mga gusto kong i-date mo." Malungkot akong napatango sa sinabi ni Mom at nagpunta sa kwarto, nadatnan ko pa doon ang paghalukipkip ni Jasper habang nakikinig saamin.

Nanlaki ang mata ko at itinulak siya papasok ulit sa Closet.

"Diyan ka lang, papatayin talaga kita kapag nakita ka ni Mom." Pagbabanta ko sakanya.

"Pero gusto ko ding formal na magpakilala" sabi niya pa.

"Anong formal? Boyfriend ba kita? Pumasok kana nga!" Wala siyang magawa kundi ang umayon sa sinabi ko.

Sinigurado ko ulit na nakasara ng maayos ang closet. At tsaka kinuha ang Contract at will na pinakita niya saakin nuon.

Kinakabahan akong inabot ito kay Mom, binasa niya ang nakapaloob dito.

"Sigurado ka ba na valid tong will na pinapakita niya?" Sumubo akong ng Hotdog habang tumatango.

"6 months?" Tumango ulit ako.

"So nakakailang months na kayo?"

"1 month po."

"Siguraduhin mo lang na after nito hindi ka mag-ngangangawa sa harap ko, as much as possible gusto ko simpleng lalaki at tao lang ang ihaharap mo saamin."

"For Contract lang talaga to Mom, don't worry." Napahinga siya ng malalim at inilibot ang tingin sa Condo.

"After the contract, iiwan mo na din ba tong Unit na ito?" Napakibit balikat ako sa sinabi ni Mom. Nagsimula na din siyang tumayo at bigla naring kinabog ang dibdib ko.

Iginala niya ang tingin sa kwarto at Sala. Mas lalo akong kinabahan ng ihakbang niya ang paa niya patungo doon. Omo, inunahan ko siya sa loob at sinilip ang closet ko na nakasara pa naman.

Dating In ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon