Kasi pagod na pagod ako.

Lumipas ang ilang oras at ganun parin ang ginagawa ko.
Magmuni-muni,umiiyak,manunuod ng tv,matutulog palagi nalang ganon.

I want to be alone.

Gabi na nang marinig ko ang ingay sa labas ng kwarto ko.
Pero hindi ko na iyon pinansin at umiiyak na naman ako.

"Hindi pa ba siya lumabas dyan?"
"Kanina pa siya dyan?"
"Hindi pa ba siya kumain?"
"Naku, baka kung napano na siya sa loob?"
"He's crazy."
"Kawawa naman sya eh."
"Nacontact nyo na ba si Charice?"

Narinig ko na naman ang pangalan niya.Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko.Hanggang kailan ba ako iiyak munchie? Hanggang kailan ba ako magdudusa sa pang-iiwan mo sakin?
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at ayun na ako nagpapanggap na tulog.

Ayoko silang kausapin.

"Tristan, wake up."wika ni Alexa at pilit akong ginigising."Hey bro, gising na dyan.You need to eat a lot."hindi ko parin sila pinansin.Matapos rin nila akong kinulit ay tumahimik na ang buong kwarto.
Pasimple akong nagbukas ng mata at ayun silang lahat sa sofa, nakaupo.
"What are you doing here?"kunot-noong tanong ko sa kanila."Hay salamat at gising kana rin!"sabi ni Anne.
"Bro, bumangon kana dyan at kumain na tayo.Sige na."sabi ni Nikko pero hindi ko sya pinansin.
"What are you doing here?"tanong ko ulit sa kanila.Nagkatinginan naman silang lahat.
"Ahh, kasi kuya dinalaw ka nila dito.Hindi kana kasi pumasok sa school."sabi ni Bryle."And you don't care."sabi ko at inirapan sila.
"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Tristan?! Bakit ka nagkakaganyan? Sa tingin mo ba gusto ni Charice ang ginagawa mo sa sarili mo ngayon ha?!"sigaw ni Alexa.
"Wala akong pakialam.Iniwan niya naman ako eh.Ano bang magagawa ko?"naluluhang wika ko.Ang sama-sama ng titig nya sakin.
"Kasalanan mo naman lahat eh! Hindi ka kasi makontento kung anong meron kayo! Bakit kasi nakabuntis ka pa ng ibang babae diba?!"sigaw niya.Hindi na ako sumagot.Tama naman siya.Kung hindi ko nabuntis si Ivy ngayon siguro masaya na kaming dalawa ni Charice ngayon.

Humagulhol na naman ako.

"Bahala kana.Ayusin mo ang sarili mo.Dadating na si tito next week.At ano na lang ang sasabihin ng daddy mo kapag nalaman niyang nagkakaganito ka?!"singhal niya.Hindi nalang ako sumagot.Ang ingay niya.
Pagbagsak na isinara ni Alexa ang pinto sa kwarto ko.
Hindi ko naman siya masisisi eh.Kasalanan ko naman kasi ang lahat ng ito.

Alexa's Pov:
"Hey, calm down okay?"sabi ni Nikko at niyakap ako.
"Nakakainis kasi siya eh! Ginawa niyang miserable ang buhay niya dahil lang iniwan siya ni Charice! Amputa eh kasalanan niya naman kung bakit siya iniwan diba?
Kung bakit ba kasi naging pinsan ko pa ang playboy na yon! Eh paano na ito kapag malaman ni tito ang kalagayan niya? Paano na kapag malaman ni tito na may magiging apo na siya?"peste naman kasi eh!
Bakit ba nangyari sa kanila ito?
"All we need to do is to support him.We need to understand his situation okay?"inirapan ko lang siya at umupo nalang sa sofa.
Kahapon nagpunta kami dito para dalawin siya pero ayun siya at tulog na tulog.Ang sabi pa ni tita ay magdamag lang daw si Tristan sa kwarto niya.Hindi kumakain.Kung hindi natutulog,umiiyak at tulala.Palagi nalang daw ganun ang ginawa ng playboy kong pinsan sa buhay niya.
Nakakainis!
Parang bumabalik na naman siya sa dati nung halos ikabaliw niya yung pang-iiwan rin ni Arcie sa kanya.
Tch.

"Tita, mauna nalang po kami.Masyado ng late at kailangan na naming umuwi."dinig kong paalam ni Nikko kay tita Cassandra.
Nandito kaming lahat.Ako,Nikko,MJ,JM at Anne.Syempre,except kay Bryle kasi dito naman yan nakatira.Kahapon kasi late na sina Bryle at Anne nakarating dito.

Baka nagdate.Hihihi.

"Okay iho.You guys take care of yourselves okay?Ako na ang bahala kay Tristan.Sige na,at baka mapagalitan pa kayo sa mga parents nyo ngayon."nakangiting sabi ni tita."Alexa,dito ka nalang matulog."dagdag pa niya.

Hindi pwede tita kasi pupunta kami ni Nikko sa bahay nila ngayon para ipakilala sa parents niya.Hehehehehe!!!

"Ahh,huwag na tita.Kailangan kong umuwi sa bahay ngayon eh.Tumawag kasi si Daddy sakin."tumango naman siya.
Hinatid nalang kami ni tita sa labas ng bahay.

"Bye tita."sabi naming lahat bago pumasok ng kotse.Kailangan pa naming maihatid sina JM at MJ sa bahay nila na ngayon ay natutulog na sa loob ng kotse.
Si Anne naman ay tahimik lang at ngingiti-ngiti pa.

"Woi Anne, bakit ka nakangiti diyan?"tanong ko.Nagulat naman siya at ngumiti sakin agad.
"May naalala lang ako."tch.Siguro nagdate talaga sila ni Bryle kahapon ah.
"Kayo na ni Bryle?"mas nagulat pa sya sa tanong ko.As in nanlaki ang mga mata niya.
"H-hindi a-ahh.F-friends lang kami.Hihi."inirapan ko lang siya saka ngumisi.
"Talaga lang ah? Siguraduhin mo lang.Kasi,kung playboy si Tristan.Mas playboy pa si Bryle.Ingat ka.Baka mabiktima ka ng gwapong yun."sabi ko at natawa.Tumawa naman siya.

Ang engot talaga.

****************

Vote and Comments!

@CherayDiAyy💕

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now