chapter 80

624 11 7
                                    

Warren.

Ngayon na ang itinakdang araw, isang linggo lang ang palugit na binigay kay argel, batid kong nahihirapan sya sa pagde-desisyon dahil ang anak at asawa nya ang pinagpipilian, kahit na sino naman ang nasa sitwasyon nya ay talagang mahihirapan, kaya talagang naaawa ako sa kaibigan ko.

" let's go warren, kailangan nating sundan si steal " si kai yun. Tumalima naman ako sa sinabi nya matapos kong bitbitin ang mga kargadang kakailanganin ko sa laban. Oo laban, dahil alam namen kung anong klaseng kalaban ang makakaharap namin, tuso sila at hindi nagpapatalo kaya dapat na maghanda rin kami.

Sumakay na kami sa kanya-kanya naming sasakyan, mabilis kong pinaharurot ang kotse ko, ilang minuto muna kasi ang pinalipas namin bago kami sumunod kay argel, ayaw nya kasi na sumama pa kami dahil ayaw nya na may masama pang mangyare samen, pero masisisi nya ba kami kung naisin namin na iligtas si ella? Kung ang anak nya man na si euriko ang piliin nya, kami ang magliligtas kay ella. And vise versa.

Ilang minuto lang ang itinagal ng biyahe, at base sa GPS ay nasa nasabing lugar na kami. Bumaba ako ng kotse ko at nakita ko rin ang magkakasunod na pagdating ng mga don na kasamahan ko.

" this may be the last, tulad ng sabi ng chairman ( napoleon ), we should end this war now... we need to bring our empress back no matter what " sabi ni cloud

" siguradong mababawi naten sya, magtiwala lang tayo sa Diyos, hindi nya pababayaan ang empress " napatingin kaming lahat kay yuuzan nang sabihin nya yun at lahat kami ay nagsipag-tanguan.

" we don't have time for this.. we need to go to our plan " paalala ni haru samin kaya naman nagpunta na kami sa kanya-kanyang lugar kung saan kami na-assign. Kasama ko si kai, nagtungo kami sa likurang bahagi ng pier. Oo pier, nasa daungan kami ng mga barko, isang saradong daungan.

" hindi ko lubos maisip na aabot sa ganito ang lahat " napalingon ako kay kai nang sabihin nya yun. " si Mikael, sakanya lang nangyare ang ganitong bagay... iniisip ko tuloy na baka wala tayong kwentang don dahil hindi naten nagawang pangalagaan ang empress "

Sandali akong natahimik sa mga sinabi nya, may punto sya sa bagay na yun, maski ako ay naisip ko rin yun, na wala kaming kwenta dahil nalusutan kami ng kalaban at nakuha si ella samen, maging ang anak nya at ngayon ay nasa malubhang sitwasyon sila.

" hindi gugustuhin ni ella na marinig yan mula sayo, kai " nilingon nya ko " you know her, hindi nya gusto na may taong nakokonsensya sa kung ano man ang nangyare sakanya " pagpapatuloy ko

" tch. Masisisi mo ba ko kung ganito ang nararamdaman ko? pinagkatiwalaan tayo ng buong mafia, pinagkatiwalaan nila tayo na magagawa nating pangalagaan ang empress pero ano? Sa isang iglap lang nakuha na agad sya ng mga alvarez, at ngayon...." Kita ko ang mariin na pagkuyom ng kamay nya na naging kamao.

" maging ako ay nagagalit sa sarili ko, pero hindi dapat tayo magsisihan dito.. dapat ngayon ay magtulungan tayo na mailigtas sya at si iku.. yun lang dapat ang isipin naten " mukha namang nahimasmasan sya sa mga sinabi ko dahil natahimik na sya Kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Puro container van ang nasa paligid namin, nagmimistula kaming nasa loob ng isang maze dahil sa patong-patong na container van na nadadaanan namin. Lumiko kami sa kanan at nagpatuloy sa paglalakad. Kailangan naming mahanap ,si ella at iku bago pa mahuli ang lahat.

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon