"Siguro mas maganda kung kuhanan kita ng litrato kasama ang mga bulaklak na iyan."
Agad akong humarap sa kan'ya at ngumiti, "Oo naman!" Sambit ko sabay harap ng diretso kay Allen na kinukuhanan ako ngayon ng litrato kasama ang mga magagandang bulaklak.
"Isa! Dalawa! Tatlo!" Aniya kaya agad akong ngumiti abot tenga habang nakaharap sa kaniya.
"Ang ganda!" Tugon niya sabay ipinakita sa akin ang litrato ko, Napangiti naman ako ng makita na maganda nga ito lalo na't nasa likuran ko ang mga magagandang bulaklak.
"Napansin ko na kanina ka pa nangunhuha ng litrato, Ikaw naman ngayon ang kukuhanan ko kaya akin na 'yan." Ani ko sabay hablot sa kan'ya ng pangkuha ng litrato.
"Ngunit.. hindi naman ako mahilig.." Hindi na niya natuloy ang sinabi niya sapagkta nagsalita muli ako.
"Minsan lamang ito, Lubusin na natin.. Hindi natin alam kung hanggang saan ang buhay natin, kaya bilisan mo na."
"Oo na, 'wala naman akong magagawa, Ngunit para sa'yo.. Sige ako'y papayag na lamang." Aniya sabay hingang malalim.
"Hindi ka naman pala mahirap pakiusapan, Oh sige na, Isa! Dalawa! Tatlo!" Ani ko at agad naman siyang ngumit kaya agad kong pinindot button.
"Oh tignan mo! Hindi ba't mas lalo kang gumwapo? Sabi ko naman sa iyo e."
"Oo na, Ano ayos ka na ba dahil nakuhanan mo na ako ng litrato?"
"Oo naman."
"Paano kaya kung dalawa naman tayong kumuha ng litrato?" Aniya.
"Hindi ko maintindihan ang nais mong sabihin, Maaari ba'ng ayusin mo ito?"
"Ang sabi ko, Mas maganda kung dalawa tayong may litratong magkasama."
"Ah gano'n ba? Pasensya na at hindi ko agad naintindihan, Abay oo naman, Payag ako." May pang ngiti kong sambit.
"Oh sige, Halika dito sa tabi ko, Ako na ako na ang maghahawak ng camera." Aniya kaya agad akong tumabi sa tabi niya at agad na humarap sa camera na dala niya.
"Ngiti dapat ah? Isa! Dalawa! Tatloo!" Aniya at sabay kaming tumingin sa camera sabay ngiti abot hanggang tenga.
"Patingin nga ako!" Ani ko habang tinitignan kung maganda ba o hindi ang pagkakuha naming dalawa.
"Oh ayan, Ang ganda-ganda kaya ng pagkakuha ko, Ako pa ba?" Pagmamayabang niya kaya napailing na lang ako.
Pinakita niya sa akin ang litrato namin dalawa, Agad namang pansin na maganda nga ito kahit na hindi masyadong makulay. Pero kung tutuusin magaling nga talaga si Allen pagdating sa mga pagkuha ng litrato.
"Oo nga, Maganda nga ang pagkakuha mo ng litrato." Ani ko sabay ngiti at palakpak sa harap niya, Samantalang siya ay nakangiti lamang.
"Oh siya, pasok na tayo sa loob dahil medyo makulimlim na ang langit, Baka'y maabutan pa tayo ng ulan rito." Ani ko.
Nagsimula na akong maglakad ngunit agad niyang hinawakan ang kamay ko dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad.
"Ano'ng problema?" Tanong ko.
"Anna, Mahal na mahal kita." Aniya kaya agad kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko kaya agad akong napangiti.
"Mahal na mahal rin kita, Allen." Sambit ko pabalik at agad ko siyang niyakap.
SYEMPRE BAGO 'TO MATAPOS ILALAPAG KO MUNA MGA FULL NAMES NG ATING MGA BIDA.
Adelaide Hathway
Vanessa Jade Myers
Kelly Ash Sheldon
Shandeia Stone
Belle Line Blacks
Collen Devarra
Zayn Edward Hutcherson
Lei Paul Anderson
Marlo Reign Parties
Steve Dutch Feliñeva
James Mershen
Dave John Brain
PS. Hindi ko na po nilagyan ng mga portrayer kasi di ko naman alam kung sino 'yung mga ilalagay ko AHAHAHA.
----------------------
A/N: And that's it! Ayan lamang po ang nakalagay dito sa Special Chapter hahaha! This is the last chapter kaya sana ma-enjoy niyo.
Maraming-maraming salamat sa pagsusuporta! Mabuhay kayo, God bless you all.
Mahal ko kayoo! Kita-kita ulit tayo sa next na story HAHAHA mwahmwah! Labyu ol!
-Black Shitty xx
Add me on Facebook: BlackShitty WP
![](https://img.wattpad.com/cover/126829855-288-k491452.jpg)
KAMU SEDANG MEMBACA
The Revenge of the Dead Girl
Misteri / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...
Special Chapter
Mulai dari awal